Thought Wrong

12 1 0
                                    

I woke up feeling disoriented. Masyado ata akong nalasing dahil sa ininom kong alak. Hindi ako sanay uminom ng kahit anong nakakalasing na inumin at first time ko ring pumunta ng bar. Kung hindi ako inimbitahan ng isang kaklase ko ay hindi na sana ako pupunta lalo pa't itong hangover pala ang bubungad sakin sa umaga.

Bahagya akong napakislot nang biglang sumakit ang ibabang parte ng katawan ko. Doon ko din lang napansin na hindi pala ako nag-iisa sa kwarto.

Tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan ko at nakaunan ako sa braso ng isang gwapong lala- oh my gosh! T-totoo ba to?

"Hey, gising ka na pala." sabi nito at mas ikinulong ako sa kanyang mga bisig. Mayamaya ay naramdaman kong hinalikan nito ang noo ko habang hinahaplos ang aking buhok.

"P-papaano n-nangyari to?" hindi ko napaigilang sabihin. Pano kami bumagsak sa sitwasyong to? Hindi ko inakalang siya pa ang makakauna sakin. Isa siyang sikat na tao sa campus na pinapasukan namin. Yes, tama kayo ng pagkakabasa. Schoolmates kami at - jusko! Hindi pwedeng kumalat ang eskandalong to sa buong skwelahan!

"I admit I took advantage of you last night. It's just that, masyado ka kasing maganda."

Niloloko ba ako ng taong to?! Agad akong napahiwalay sa kanya kahit na ramdam ko ang sakit ng katawan. Pinilit kong bumangon kaso hindi ko talaga kaya. Masyadong bugbog ang katawan ko at mahina na rin ata ang mga tuhod ko para tumayo.

Naiiyak ako dahil sa lahat ng mga pangyayari. B-bakit pa ba umabot sa ganito?

"Shh, baby don't cry please. Papanagutan naman kita. Kung may mabuo man tayo, magiging ama ako para sa kanya. Just please, stop crying. I hate to see you cry." Tuluyan akong napahagulghol sa isang realisasyon na hindi ko man lang agad naisip. Baka mabuntis ako!

P-pero hindi ba talaga siya gumamit ng proteksyon? Alam kong pinagkakaguluhan siya ng maraming babae sa campus at siguro naman ay hindi siya pabaya para hindi gumagamit ng proteksyon dahil lalaki siya. Afterall, he has a reputation to take care of.

"H-hindi ka ba gumamit ng-"

"No. I won't fucking do that! Never." nakita kong bahagya itong nairita sa tanong ko. B-bakit naman kaya?

Sobrang bilis ng mga pangayayari hanggang sa hindi ko namalayan na tumayo ito mula sa pagkakahiga at binuhat ako na parang bagong kasal at dinala patungo sa banyo. Ibinaba ako nito sa loob at muntik na akong mabuwal sa pagkakatayo dahil nga mahina ang aking katawan. Ano ba ang ginawa ko kagabi? Wala akong maalala at yon ang isa sa mga dahilan kung bakit ako umiyak ulit.

Nakokonsensya ako dahil hindi ko man lang iningatan ang sarili ko gaya ng palaging sinasabi ni Papa. Ano na lang ang iisipin niya kung sakali? Na naging mahina ako? Na wala akong respeto dahil sinuway ko siya kahit man hindi ko ito sinasadya?

"P-please baby. Stop crying. I'm hurt seeing you this sad."

"Umalis ka na muna, please."

"No, I won't leave you here."

"P-please! Just please umalis ka na." pakiusap ko dahil nararamdaman ko na namang tutulo ang luha ko.

"Okay, I'll leave you here. I'll just go to kitchen para magluto." sabi niya at hinalikan ako ulit sa noo.

Diba kapag hinalikan ka ng isang tao sa noo, ang ibig sabihin non ay nirerespeto ka niya? Pero bakit hindi man lang niya iyon nagawa kagabi? Kung totoo mang may gusto siya sa akin ay hindi niya pagsasamantalahan ang kalasingan ko. Hindi niya man lang naisip na isa iyong bagay na pinaka-iingatan ko.

Matapos kong maligo lumabas ako ng banyo habang suot ang isang roba na kinuha ko sa loob. Nang makalabas ng banyo ay hinanap ko ang mga damit ko pero hindi ko naman makita. Napilitan akong lapitan ang isang dresser at doon kumuha ng t-shirt at boxers. Hindi ako komportable sa aking suot pero hindi naman ako pwedeng lumabas nang naka robe lang. Naghanap na rin ako ng jacket at sinuot. Hindi na nga halos makita ang boxers na suot ko dahil sobrang laki naman ng jacket.

ENCHANTED ERIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon