Love P.E or Hate It

39 4 4
                                    

*Andrei's POV*

Wedensday is P.E day. Salita lang ng salita yung prof namin. ano na naman kayang ipapagawa nung pogay naming prof. nakakapagod na ang research, at reporting. wala bang pang refresh ng utak diyan, lalo na katatapos lang ng Prelims namin kahapon.

"Para naman maexercise ang nga buto buto ninyo at mawala ang stress ninyo sa 2 day Prelim exams niyo, pupunta tayo ngayon sa field at maglalaro. maglalaban laban ang bawat groups. so guys assemble your groups now. and go to the field as one." oh yes oh yes i love you na prof. narinig mo ba ang binubulong ng isip ko? 

kaya naman nagmadali kami nila kaye na magpunta sa field. hay ano kaya lalaruin namin? hmm volleyball? soccer?

"ok guys, we have 3 Filipino games today. first is the luksong tinik."

waahh namiss ko yan. exciting to, mga sosyalin mga klasmate ko ehh lamang ako dito. haha puro na nga reklamo nga klasmates ko eh. puro sila

"OMG,what's that?"

"so cheap, like eww"

"are you kidding us?"

"That can't be"

"no way, im not gonna do that"and so on.

"All members should participate, if any of you didn't join the games, i will give back your classcards and find your own P.E instructor!" oops umenglish si sir, buti nalang dala ko ang aking ballpen at notepad. alam niyo naman na siguro kung bakit diba.

note: "dapat daw sumali tayong lahat! kailangan manalo tayo! Fighting!"

opo nagsulat na naman ako at ibinigay kay Keann. haha buti nalang girl scout ako, nakapagdala ako ng notepad at ballpen tapos ayun na nagsimula na kami.

yung mga aarte arte kong classmates ehh walang nagawa. Naglaro sila. Halata namang nag enjoy ehh pero padeny effect pa.

si Keann lang ata ang hindi nagbago ang reaction ng mukha. may galit ba talaga to sa mundo?

sa first game

Luksong tinik.

talo kami pang 2nd place lang kami :(.

ang galing nung group 3 ehh. galing daw sa Sports HS yung iba, may gymnast pa silang kagrupo ehh.

next game: Sac race

sa unang part, 2 ang magdadala ng sako at every station may 2 na sasakay sa sako, at kapag nakumpleto na ang group kailangan bumalik sa base kasama ang lahat ng member.

naglaro na kami. nakakatawa kasi yung iba semplang dito, semplang doon. buti nga at hindi pa nag uulan ngayon ehh, kung hindi putik putik kaming lahat. and the game ends. Panalo ang group 4. at kami 2nd lang ulit.

and last game: Agawan base!

Ang bawat group ay may sariling base na idedefend. kailangan walang makapagbase na ibang group sa base ninyo.

kapag ang isang member ay nahawakan ng member ng ibang team, magiging bihag ng team na nakahawak ang nahawakan. at ang unang team na makapunta at makatapak sa batong base ng ibang group ang panalo.

Ahh sigurado. panalo na kami dito, parang dota lang to ehh. nagdodota kaya ako. hahaha one day old lang to samin. so easy magagaling magdota sina Gian at Brix ehh. lagot kayo ibang groups durog kayo samin.

and the game starts. Madami na kaming bihag sure win na to beybe. kumpleto pa kami. si Sam at Dianne ang bantay sa base kami naman nila Kaye at iba pa ang taga sugod.

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon