*Keann's VP*
Pagkatapos kong ihatid si Andrei sa bahay nila, naisipan kong magpunta sa Movie House ng isang Mall para tumingin ng magandang movie dahil na rin nga sa sinabi ni Andrei kanina.
Habang naglalakad ako at malapit na sa may entrance ng movie house, napansin ko na parang may taong sumusunod sa akin.
Babae siya at mukhang kilala ko siya.
Pero sa totoo lang, kanina ko pang napapansin na sinusundan niya ako, hindi ko lang matiyak kung sino siya ayoko siyang lingunin dahil baka malaman niyang alam ko ng sinusundan niya ako.
Kaya mula sa peripheral vision ko ay sinilip ko siya para makita ko kung sino siya. At tama nga ako, Kilala ko siya.
Sa pagkakaalam ko kaibigan siya ni Andrei? Pero bakit niya ako sinusundan?
"Good evening Sir, Welcome to Cyberia Movie House" pagbati sa akin ng isang lalaki pagkapasok ko.
Nagdiretso lang ako ng lakad papunta sa mga stand kung saan nakalagay ang mga DVDs.
"Good evening Maam, Welcome to Cyberia Movie House"
Bahagya akong lumingon sa may entrance at nakita kong sinundan na rin pala niya ako dito. Hindi parin ako nagpahalata na alam ko ng sinusundan niya ako.
Pagkatapos kong mamili ng DVDs, ay nagpunta na ako sa counter para magbayad.
"450pesos po lahat sir"
Nag-abot ako ng 500, at kinuha ang mga DVDs na binili ko.
Habang papunta ako ng Parking lot, naisipan kong lituhin yung babaeng sumusunod sa akin. Kaya kung saan saan ako dumaan hanggang sa makarating na ako sa may parking lot.
Habang binubuksan ko ang pintuan ng kotse, bigla kong narinig ang phone ko na tumutunog. Kaya kinuha ko ito at sinagot.
"Hello—"
*Dianne's VP*
Hi, there! I'm Dianne. I'm a kaibigan of Andrei. Oh no, saglit lang wait. It's more like. I'm a bestie of Kaye. What's the difference? Well, Malalaman niyo din soon. Hahaha
So, here I am now sa Parking lot nitong isang Mall. Why ako here? ganito kasi yun..
-Earlier-
I was sitting sa isang restautant. I was waiting for someone. Kanina p dapat siya nandito eh, but why super tagal niya.
Maya maya lang, nakita ko na siya, so I wave my hand para makita niya ako. But it seems like hindi niya ako narecognize. Kaya sinundan ko nalang siya.
Parang malalim ang iniisip niya dahil hindi man lang niya mapansing sinusundan ko siya. Kaya tuloy lang ako sa pagsunod hanggang makarating kami sa isang movie house.
"Good evening Maam, welcome to —"
Hindi ko na ganong inintindi ang mga sinabi ng lalaki sa akin sa may entrance dahil hinanap ko agad siya. At ayun, tumitingin siya ng mga DVDs sa may kabilang part nitong Movie House.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
SonstigesSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...