Sorry po talaga kung matagal yung update. Mianhe
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
CHAPTER 4: Friends?
Avery's POV
Nagulat talaga ako sa ginawa ni Sam sa akin.
Bakit pa nga pala ako nagulat kung para naman talaga sa akin yung sampal na iyon.
Dapat lang sa akin iyon kasi balak ko naman talagang mapasaakin ulit si Kevin.
Alam kong nagmu-mukha akong desperada pero yung totoo, oo.
Oo, desperada talaga ako kasi lahat ng gusto ko napupunta sa akin.
Pero bakit ganoon? Iba yung naramdaman ko. Yung sampal ni Sam sa akin, hindi iyon yung nasaktan eh, parang may kakaiba eh.
Parang iba yung pakiramdam ko eh, sa loob ako nasaktan. Talaga bang naging desperada na talaga ako sa kanya? Kay Kevin?
Rinig ko ang pagtatalo ng dalawa. Pero bakit parang walang sense yung tinatanong ni Kevin kay Sam dahil hindi naman ito sumasagot.
Ginawa ko ba siyang mundo ko? Sa sobrang gusto kong mapunta siya sa akin, nasasakal na ba siya? Kaya niya pinili si Sam kaysa sa akin?
Bakit hindi ko maintindihan?
Ramdam ko ang paghina ng katawan ko at napaupo na lang ako sa sahig at humagulgol.
Ganoon na ba talaga ako kaselfish at desperada sa kanya?
Rinig ko yung papalapit na yapak ng isang tao.
Hindi ko alam kung sino iyon pero may nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag.
"I'm sorry Sam, I'm sorry" Ramdam ko na sincere yung pag-sorry sa akin ni Sam, pero talagang may kakaiba, may kakaiba sa kanya.
Nagulat ako noong inakap ako ng sobrang higpit.
Umupo siya sa tabi ko tapos umiiyak siya habang nakayakap siya sa akin.
Bakit ka nagso-sorry, Sam, ako dapat ang manghihingi ng sorry, pero bakit? bakit ikaw? wala ka namang ginawang kasalanan. Kung meron man hayaan mo na lang iyon.
Alam ko namang ginagawa mo iyon para sa relasyon niyo ni Kevin at naiintindihan ko iyon.
"I'm sorry too Avery, I forgive you for leaving us" sabi niya sa akin. Hindi ko naman makita yung ekspresyon ng kanyang mukha dahil magkayakap naman kaming pareho.
"I'm sorry for slapping you, I'm sorry for not being there in your dark times, I'm sorry for everything I've done to you" sabi niya. Bakit ganoon? Hayaan mo na lang iyon. Huwag mo nang sisihin yung sarili mo.
BINABASA MO ANG
Inlove With My Childhood Friend?! (slow update)
Teen FictionAkala ko perfect na ang buhay ko... Dahil may mga kaibigan para tulungan ka kapag may problema ka. May magulang na nagmamahal at nag-aalala sa iyo. May kapatid ka na pinapasaya ka sa araw-araw. Paano kung isang maling ginawa mo mawala ang lahat. At...