Chapter 12

68 3 0
                                    

William Dela Vega

Isang buwan na rin ang nakalipas matapos kung madiskubre ang ginawa sa'king pagtataksil ni cristine, naging malamig na rin ang pakikitungo ko sa kanya dahil kahit magbigay pa siya ng Ilang libong dahilan, o kahit humingi pa siya ng kapatawaran sa ginawa niya hindi na nito maaalis ang katotohanang niloko nila ako.


Birthday ngayon ni Irish at gusto ko sanang ipasyal ang anak ko. At dahil malapit na rin ang pasukan ay isasabay ko na rin dito ang pagbili ng mga school supplies na kakailanganin niya. Nakababa na ako at sumunod na rin si irish , pero laking pagtataka ko na kalahating oras na ay wala pa rin si Cristine. Akala ko ay nakasarado ang pinto ng kuwarto ni irish ngunit nakabukas ito, wala siya sa loob kaya't sinubukan kong tingnan ang cr ng kuwarto ni irish at nakita ko na lamang na nakabulagta ang katawan niya sa sahig, pinipilit ko siyang gisingin pero kahit anung gawing pagyugyog ko rito ay wala pa ring epekto,  natagpuan ko na lamang ang sarili ko na binubuhat siya at nagmamadaling isinugod siya sa hospital.




Hindi na namin  nagawa pang i-celebrate pa ang espesiyal na araw na ito para kay irish. Dahil sa hinintay pa naming magising si Cristine habang hinihintay ang resulta ng  test na isinagawa sa kanya.







Nang mapansin kong tulog na rin si Irish, ay bumaba ako upang bumili ng pagkain sa labas ng ospital. Magagabi na rin at kanina pa walang laman ang sikmura ko. Sakto namang pagdating ko ay gising na si Cristine, at may  doktor na pumasok sa kuwartong kinaroroonan niya, napansin ko rin na hindi ito ang doktor na nag-assist sa kanya kanina,





" Nasaan si Doc Cortez?"

Tanong ko sa babaeng doktor na ngayon ay nasa tabi ni Cristine.

" He wasn't able to come here dahil na rin sa dami ng pasyente na naghihintay sa kanya, and base on her condition kaya sa akin niya inihabilin ang kalagayan ng asawa niyo, I am Doctor Garcia , an Obigyne sir"




"Doc garcia, can you please get straight to the point "

naiinis na sabi ko rito.. Matapos kung sabihin iyon ay dumako ang tingin niya kay Cristine.

" Mrs. Dela Vega , I am glad to inform you that you are 4 weeks pregnant. Congratulations"

masayang pahayag nito sa asawa ko.

Imposible, napamura ako sa isip ko ng marinig ko ang sinabi ng doktor. Hindi maaari, hindi pupwede. Nagbigay pa ito ng mga habilin sa mga dapat at hindi dapat gawin ni Cristine dahil na rin sa maselang pagbubuntis nito. At binati niya akong muli bago tuluyang umalis.



" If you'll  excuse me sir, congratulations again Mr. Dela Vega, mauna na ho ako"


" Ipapalaglag mo ang batang iyan"

walang ganang sabi ko sa oras na makalabas na ang doktor sa kuwartong kinaookupahan ng asawa ko, muli ay nabalot kami ng katahimikan dahil na rin sa lamig ng boses ko.



Tiningnan niya ako at ang ekspresiyon ng kanyang mukha ay waring nagtatanong at kinokumpirma kung totoo ba ang mga salitang sinabi ko.



"Imposibleng ako ang tatay ng batang iyan, I used a protection noong araw na may mangyari sa ating dalawa. Wala ring nangyari sa atin noong  araw na umalis ako, and I'm so sure, that bastard inside your womb is definitely a child of my brother"



seryoso ako sa lahat ng sinasabi ko, ipapalaglag ko ang anak nila ng kuya ko sa ayaw at sa gusto niya.



"Walang kasalanan ang batang dinadala ko..."



" Hihintayin mo pa bang lumaki ang bastardong iyan bago ko siya tuluyang patayin "



"Oo, totoo lahat ng nakita mo sa video na ibinigay sa'yo ni migz, totoo rin na naging magkarelasyon kami noon, pero sa maniwala ka man o sa hindi, pinilit lang ako ng kuya mo na makipag-sex  sa kaniya kahit labag man sa loob ko. Hindi ko na sa siya mahal, ilang araw pagkatapos mong umalis dumating siya sa bahay kasama ang dalawang armadong lalaki, may hawak sila noong baril at pinuntahan nila ang kuwarto ni Irish, tinakot ako ni migz,  na kapag hindi ako sumunod sa gusto niya ay papatayin niya ang anak natin"



Kaya ba't  ganun na lamang niya kadali isinuko ang sarili niya sa demonyo kong kapatid.




"Narinig ko na iyan mula sa'yo, at wala ng rason pa para magpaliwanag dahil pinal na ang desisyon  ko. Hindi ka man lang nanglaban sa kanya, bat di mo man lang sinibukang gumawa ng paraan, you could punch his face, o tumawag ka man lang ng pulis, pero wala!! Nagpaubaya ka pa rin"





"I'm telling you this dahil ayokong may madamay na bata sa isang pagkakamaling kahit kalian ay hindi ko naman ginusto, huwag mong patayin ang anak ko william."



Hinawakan ni cristine ang aking kamay sa pagasang pakikinggan ko ang mga sinabi niya. Pero huli na ang lahat , I'm too drown on anger , enough is enough and I've already lost myself.



Hindi ko yata masisikmura na makasama ang anak nila ng kapatid ko wether she like it or not madadamay at madadamay ang batang dinadala niya.

Her Greatest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon