Cristine Dela Vega
Tatlong taon na rin ang nakalipas mula nang ipalaglag ni william ang dapat sana'y magiging anak ko, ang bunga ng ginawang kahayupan ni migz, pero aaminin ko na magpa-hanggang ngayon ay parang sariwa pa rin sa ala-ala ko ang lahat.
Tanging kaming dalawa lamang ang nakakaalam ng bagay na iyon, at kahit mga magulang niya ay hindi alam na nagawang ipalaglag ni william ang anak ko maging ang kuya niya ay hindi rin into alam.
Pero ganun siguro talaga kapag nagmamahal ka, nagiging tanga at bobo kung minsan, dahil kahit ilang beses pa siguro akong bigyan ng rason para iwan si william, I would always find a way to stay in this marriage, I would always fight for him... Kahit isa na lamang itong halimbawa ng tinatawag nilang "unrequited love"...O yung tipong isa na lang ang nagmamahal.
And I feel so sorry for him, kung hindi ko magawang bumitaw, kung ipinagkait ko sa kanya ang pagkakataon na maging masaya...ngayong hindi na ako ang taong mahal niya.
" Ikaw ang sumundo kay Irish mamayang 3... Just make sure na before 5 ay nakauwi na kayo, hindi ko siya masusundo sa school dahil magkakaroon ng meeting ang buong faculty teachers, .."
Nagulat pa ako ng marinig ko si william, at muli na namang rumehistro sa isip ko ang naging pagtatalo namin kagabi, dahil sa kapatid niyang si migz noon ko lamang ulit nakita na umiyak siya, at gaya ko marahil ay nasasaktan rin si william, nasaktan ko siya kahit hindi ko sinasadya.
"... May gusto rin akong sabihin sa'yo, kailangan nating magusap mamaya"
sa pagkakataong ito ay tumingin na ako sa kanya, at tinigil ang niluluto ko..
"Puwede mo naman sabihin ngayon,.."
Suwestiyon ko sa kanya, ngunit umiling lamang ito
"No, it is too important, makakapaghintay naman iyon, basta mamaya umuwi na rin kayo ni irish, because I really need to discuss something, especially with you Cristine ."
papatawarin niya na ba ako, nagagalak akong isipin na iyon ang dahilan kung bakit niya ako kakausapin mamaya.
Masakit man ang umasa pero sana, sana nga ay iyon ang dahilan.
Nang maluto na ang pagkaing inihahanda ko ay sinalubong ko si irish na pababa na ng hagdan, habang inaayos ang huling butones ng unipormeng suot niya, napansin ko rin na hindi pa gaanong ayos ang head band niya kaya't tinulungan ko rin siya para ayusin ang mga ito. Sa tuwing titingnan ko ang mukha ni Irish , sumasagi sa isip ko na ang suwerte ko pa rin pala, nawalan man ako ng anak noon dahil kay William, unti-unti ko iyong natanggap dahil nandiyan siya, Irish has always been my opposite, yeah I can handle myself well noong wala ang mama ko, but I think I cannot be independent as her, at lalo ngayon tila nakadepende na rin ang buhay ko kay william, kung wala siya paano na lang ako. Hindi ko napansin ang isang envelope na dala-dala ni Irish, at napansin ko lamang iyon ng iabot na niya ito sa kinaroroonan ni william. At nang silipin ko kung ano iyon noon ko nalaman na isa pala iyong report card..."Impressive, look at her grades Cristine,, ang tataas, ang galing talaga ng anak ko"
tama naman si william dahil ng tingnan ko ang report card ni Irish ay mga nasa line of 9 ang mga ito. At isa pa sa ikinatuwa ko ay ng tawagin ako ni william, ng hindi sa paraang kinagagalitan niya ako. Baka siguro ito na yung tamang panahon para maayos ang lahat sa pagitan naming dalawa, at panahon na rin para kalimutan ang nakaraan.
Nang nasa tapat na ng pintuan sila william para umalis ay nilingon muli ako ng anak kong si Irish, para kumaway pa sana sa direksiyon ko, nakahawak ang kanang kamay ni william sa kanya kaya't hindi na rin ito nakaharap pa. Hindi man naging maganda ang mga nangyari kahapon, pakiramdam ko ay mababawi naman nito ang mararanasan ko ngayong araw, sana lang , sana lang ay magkaayos na kaming muli ni william.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Nightmare
RomanceIt's a story of undying love and the sufferings brought by love itself.