Chapter One
"ARE you okay?" nag-aalalang pinahid ni Julianna ang dugo sa gilid ng mga labi ni Sachi dahil sa suntok na natanggap nito mula sa kaibigang si Walter.
Pumiksi ito at lumayo sa kanya.
"Siguro naman ay masaya ka na. Ito ang gusto mo, di ba?" puno ng panunumbat na sabi ni Sachi.
Wala siyang naisagot sa sinabi nito.
Nang lumakad si Sachi palabas ng cafe ay mabilis na humabol dito si Julianna.
"I'm sorry. I stopped already, okay? But last night I saw him with a naked woman. I took a picture and sent it to Annika. You see, hindi niya talaga mahal si Annika. Dahil kung mahal niya si Annika ay hindi siya makikipag-sex sa iba."
"Nakita mo ba sila sa aktong nagse-sex?"
"No, but..."
"Hindi magagawa ni Walter ang sinasabi mo. Ganoon niya kamahal si Annika. Nang araw na kausapin mo ako para tulungan kang pagkasirain sila ay duda na ako kung mangyayari ang plano mo. Walter is madly in love with her."
"So, ano 'yong nakita ko? Ilusyon lang?"
"Ewan ko!"
Nang mabilis na maglakad si Sachi ay napilitan si Julianna na sabayan ang malalaking hakbang nito.
"She couldn't possibly try to kill herself, could she?"
"Bakit, nakukunsensya ka na?"
Hindi siya kaagad nakasagot. Nasaktan siya sa sinabi nito kaya para siyang na-estatwa sa kinatatayuan. Nang lampasan siya ni Sachi ay hindi na niya ito hinabol pa.
Nagkamali nga ba siya nang basta na lamang magpadala sa impulsiveness niya? May pagka-maldita lang siya. At oo, inaamin niyang naiinggit siya kay Annika dahil parati nitong nakukuha ang atensyon ng mga lalaking nagugustuhan niya. Sa sandaling may mangyari kay Annika ay habambuhay niya iyong babaunin sa kanyang kunsensya.
Ilang araw na hindi mapanatag ang kalooban ni Julianna pagkatapos ng komprontasyong iyon. Lumala pa ang nararamdaman niya nang malaman sa ina ang pagbisita ng kapatid ni Annika sa kanilang bahay at hinahanap siya. Bigla rin ay hindi na nakipag-ugnayan pa sa kanya ang Ninang Sandra niya. Ito ang nag-utos sa kanyang pagkasirain si Annika at nobyo nitong si Walter. Pero sa huli ay iniwan siya nito sa ire.
She had no one else to turn to. Her mother would probably say I-told-you-so if she opens up to her. Kaya naman sa halip na lumapit dito para may makaramay, barkada ang naisip niyang takbuhan. And what better way to drown someone's worries? They went to a dance club. Uminom at sumayaw siya kasama ng kanyang barkada upang pansamantalang makalimot sa problema.
Hindi niya maituturing na close friends ang mga ito. Pero grateful siya na sa sandaling kailangan niya ng makakasama ay naroroon ang mga ito. Katulad niya ring mga anak-mayaman ang kanyang barkada. Anim sila, tatlong lalaki at tatlong babae. Pero dahil binabae ang ikatlong lalaki, parang apat na babae na rin ang kanilang miyembro.
Niyaya siyang magsayaw ni Maximus o Maxine. Ito 'yong ikaapat na 'babae' sa kanilang barkada. Kapag nasa labas ito ng bahay nila ay Maxine, ngunit kapag nakauwi na, tumataginting na Maximus. Humalo sila sa mga nagsasayaw sa dance floor. Medyo may tama na siya ng alcohol kaya wala na siyang inhibisyon. Noong bata pa siya, gustong-gusto niyang mag-ballet. Tuwang-tuwa kasi siyang magsuot ng tutu skirt at ballet shoes. But later on, nawalan din siya ng interes. Ganoon naman kasi siya. Ang isang bagay o hilig kapag bago sa kanya ay kinawiwilihan niya. Pero kapag nagtagal, nawawalan din siya ng gana.
"Girl, may tsika ako!" malakas na sabi ni Maxine kay Julianna. Malakas kasi ang maharot na tugtog sa dance floor. Idagdag pang karamihan sa mga nakapalibot sa kanilang nagsasayaw rin ay halos naghihiyawan na parang may mga tama sa utak.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...