20 years later..
"Yuck, amboring naman sa bahay na ito. Makaluma. Wala nga yatang wifi dito. C'mon, the world is evolving, this house should too." Sabi ko kay Mommy nang makarating ang kotse namin sa isang lumang bahay.
"Shut up your mouth, Rebecca." Saway sakin ni Mommy.
"C'mon, Im just telling the truth." I rolled my eyes.
"May bibisitahin lang tayo dito." Sabi nya at bumaba. Si daddy naman ay nasa likod ng kotse at kinukuha ang maleta namin.
"Who? Your ex lover, mom?"
"Sana.." Makahulugang sabi nya.
"I will tell dad about this! You're so unfaithful, mom!"
••••
"Dito ka matutulog. Arrange your things then bumaba ka for meryenda." Sabi ni Mom nang ihatid nya ako sa isang kwarto at sinara ang pinto.
This room looks royal yet old. Parang kwarto ng mga prinsesa sa movies with a touch of Spanish theme.
May vanity table, malaking kama with curtain, aparador na may malaking salamin, sofa, study table, bookshelves, balcony and CR.
Hinila ko ang maleta ko at umupo sa harap ng aparador para ayusin ang mga gamit ko.
Ilalagay ko sana ang cosmetics ko sa isang maliit na kaha ng aparador nang pagbukas ko ay may picture frame. Black and white pa ang picture na may scratches. Tulad lang ng nauusong filter ngayon sa kuji cam.
A couple. Nakasuot ang babae ng baro't saya, samantalang coat naman ang sa lalaki. They look sweet together. There is love in their eyes.
Maganda yong babae. Kamukha namin ni Mommy samantalang gwapo rin yong lalaki. May pagkasingkit ang mata nya, maputi, may kakapalang kilay, matangos na ilong at maninipis na labi. Mukha rin syang mayaman dahil sa ayos ng kanyang buhok at damit.
Dahil sa kamukha ni Mommy yong babae, kung uso na sa panahon nya ang Kuji filter ay hindi ako magtataka kung sasabihin nyang ex nya ito. Kaso iba ang style ng makeup nya sa make up ni Mommy na fierce.
Aish! Bat ko ba pinagsasayangan ng oras itong picture frame na ito?! Iniligay ko na lang ito sa katabi kong study table at nagpatuloy sa pagtitiklop ng damit.
•••••
Aigoo.. Konti nalang maibabalibag ko na itong cellphone ko. Sobrang hina ng signal.
Bat ba naman kasi gusto ni Mommy na bisitahin ang exlover nya? Hindi ba uso sa kanya ang salitang move on? At saka, hindi man lang nahiya, sinama pa talaga kami ni Daddy! Haller? Thats what we called infidelity just so you know? Ito namang si Daddy, iniispoil si Mommy. Martyr kaya nasasaktan. Aish!
Pumasok nalang ako sa kwarto ko at umupo sa kama habang naghahanap ng mapaglilibangan.
Nagulat ako nang mapatingin ako sa bookshelf na nasa kwarto. Umilaw ng dilaw kasi ang isa sa mga libro nito.
Kahit natatakot ay nilapitan ko ang bookshelf. Bat naman ito iilaw? Alarm para kung sakaling may magnakaw?
Hindi pala sya libro. Isa syang diary na kasing kapal ng libro. Mapagkakamalan mo talaga itong libro dahil sa kapal at sa spine. Mayron pa itong ribbon na mukhang nagsisilbing bookmark at feather pen.
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ni Lola
Historical FictionRebecca Garcia, ang anak ni Victoria Garcia na susunod na bibiktimahin ni Ginoong Danilo. Matatagpuan nya ang lumang diary ni Lola Victoria na nagmula pa sa 19th Century kung saan nakasaad ang nakaraan nila ni Ginoong Danilo. At dahil may sumpa ang...