CHAPTER 1

47 4 2
                                    

CHAPTER 1- Welcome Mr. Freshman

*present day*

KONGPOB's POV

Nanginginig, kinakabahan, at hindi mapakali. Magkahalo-halo ang aking nararamdaman dahil tatlong linggo palang ang pamamalagi ko sa aking unang paaralang pinasukan ngayong kolehiyo ay kailangan ko ng lumipat kaagad sa ibang paaralan.

"Anak pasensya ka na ha? Kailangan naming gawin 'to kasi biglaan naman ang desisyon ng papa mo na mamalagi na dito sa Maynila, kung saan mas malapit ang ating kumpanya." Iyan ang mga katagang paulit-ulit na binabanggit sa akin ni mama simula pa kahapon.

"Ayos lang ako ma, mabuti na rin 'yon kasi di gaanong matagal bago pa ako lumipat sa ibang school." Sagot ko. Binigyan ko ng mahigpit na yakap si mama. 

"Sige ma, alis na ako, ayokong ma-late sa unang araw na pagpasok ko."

"Mag-iingat ka anak, uwi ka dito tuwing Linggo ha? Galingan mo." Pasigaw ni mama. She's a very supportive mom. Walang araw na hindi niya ko bibigyan ng lakas ng loob.

Inaasahan ko na hindi magiging madali ang aking paglipat sa Southeast Asia University-Manila. Maihahalo ako sa mga estudyanteng naging komportable na sa loob ng tatlong linggo. Pero lagi kong sinasabi sa sarili ko, pare-pareho lang kaming students, and nandoon kami para mag-aral.

Isa sa mga patakaran ng school ay ang sapilitang pananatili ng mga estudyante sa kani-kanilang dormitoryo sa loob mismo ng campus, malapit man o malayo ang aming bahay sa paaralan. Ayon sa handbook na binigay nila, isa ito sa mga paraan para mahigpit na maprotektahan ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Una ko ng nailipat ang aking mga bagahe dahil 'yon ang unang kabilin bilinan ng presidente ng school.

Kaya mo 'to Kongpob!

Pabulong kong paulit paulit na sinasambit. Napaaga ang pagpasok ko kaya mangilan ngilan pa lamang ang mga nakikita kong estudyante. Dumiretso ako sa Guidance Office upang pormal na mapakilala maya-maya sa block na mapupuntahan ko. Sila ang nakatalaga na magpasok sa akin kasama ang isang instructor mula sa School of Engineering.

Isang prestihiyosong unibersidad ang aking napasukan, taon-taon na napakababa ng bilang ng mga pumapasa sa entrance exam at double ang hirap ng examination para sa mga transferees. Kung kaya't ganoon na lamang akong ipagmalaki ng nag-accommodate sa akin na instructor mula sa School of Engineering.

Kilala din ang school na 'to sa pagiging disiplinado at marespeto, 'yon yung mga bagay na pinanghahawakan ko sa pagpasok dito na makakasundo ko ang karamihan.

THIRD PERSON's POV

Makalipas ang ilang minutong paghihintay ni Kongpob sa Guidance Office, dumating ang assistant ng Dean upang siya'y samahan sa Faculty ng Engineering at pormal na maipakilala sa kanyang naitalagang block section.

Pagpasok na pagpasok pa lamang nila sa Faculty Office ng engineering ay masaya siyang sinalubong ng in-charge na humawak na instructor kay Kongpob.

"Ayan na pala kayo, Good Morning Ma'am Durian, Good Morning Kongpob." pagbati ni Mr. Yong.

"Good Morning sir, oh siya maiwan ko na si Kongpob sa'yo sir. Ikaw ng bahala sa kanya." Bilin ni Ms. Durian at tuluyan ng umalis.

Kinausap ni Mr. Yong si Kongpob upang kumalma sapagkat pansin niya na namumula na ang kanyang mukha at di mapakali. Binigay din ni Mr. Yong ang nametag ni Kongpob na magsisilbing paraan para mabilis na makilala sya ng kanyang mga ka-klase. Ang nametag para sa mga freshman ay dapat isuot ng apat na linggo mula sa unang araw ng pagpasok. Kung kayat mayroon lamang isang linggo si Kongpob na maipakilala ang kanyang sarili sa iba.

Light My WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon