Chapter 17

1.3K 53 4
                                    

Smeraldo.

D A L E


"Dale ang tagal mo tayo nalang hinihintay, dala mo yata lahat ng damit mo eh" Sabi ni Shane habang nagiimpake ako ng mga damit.


Argh tinamad kasi ako magimpake kagabi kaya eto naghahabol ako sa oras. Hays kanina pa yata naghihintay sila Sir doon nako nakakahiya naman.


Nagsuot lamang ako ng simpleng vneck shirt at maikling short. Hindi na ako nagsapatos at nag sandals na lamang, nagsuot na rin ako ng sunglasses.


Sakay kami ngayon ng taxi papuntang Love Cafe may sasakyan daw kasi kaming dalawang van papuntang Airport kaya hindi na nagdala si Shane ng kotse. Nang makarating ay mabuti nalang ay sakto lang ang dating namin.

"Oh nandito na pala sila Dale, dito na kayo maupo" Aya ni Benedict.


Pumasok kami sa pangalawang van at nakita doon si Clarisse pero wala si Miles siguro nasa kabilang van. Bakit kaya naghiwalay sila ni Clarisse.


"Hi Dale buti nakahabol ka mainit dugo ni Sir kanina... oh by the way my name is Clarisse" Napatango nalang ako nakipag kamay sya kay Shane.


"Shane, nice to meet you" Sagot ni Shane.


"Here's my two lil'brother Jim and Chim... hey you two introduce yourself" Turo nya sa dalawang kapatid nya.


"Hi my name is Jim/Chim" Sabay nilang ani nakakatuwa haha ang cute nilang magkambal.


"I'm 6 yrs old" Sabay ulit nilang sabi. Nagkatinginan naman yung dalawa saka tumawa aw ang cute nila.


Nagsimula ng umandar ang van .
Sa buong byahe natulog ako ilang oras pa bago makapunta sa Coron ang layo kaya nun. Sa kalagitnaan ng tulog ko naalimpungatan ako dahil parang may nagflash ng kung anong liwanag.


Pagdilat ko natatawang Clarisse, Benedict at Shane ang nakita ko isama na natin yung mga kasama nila. Jusko nakakahiya naman napapunas pa ako sa labi ko baka may laway kasi. Sa awa ng Diyos wala naman.


"Gising na malapit na tayo" Niyugyog pa ako ni Shane. Ang bilis naman ng biyahe.


"Nandito na agad tayo sa Palawan?" Gulat kong tanong napatingin pa ako sa labas. Lalong lumakas tuloy yung tawanan sa loob. Nakaramdam naman ako ng paghampas sa ulo. Ouch!


"Malapit na tayo sa airport" Napakamot nalang ako doon sa parteng hinampas ni Shane.


At sa wakas nandito na kami sa airport lumabas na kami lahat dala dala ang mga travel bag namin. Wow! First time ko dito sa airport hehe.


Bigla naman may yumakap sakin sa likod paglingon ko si Miles lang pala. Kaya niyakap ko din sya pero nagulat ako sa nakita seriously? Bakit sya nandito?


"Sir okay na po lahat baka mahuli na po tayo sa flight, double time" Sabi ng manager namin. Tumango lang si Sir sa kanya saka napatingin sakin.


Umiwas naman ako ng tingin saka hinarap si Miles. Jusko bakit kasama si Regil dito? Kung alam ko lang talaga hindi na ako sumama.


"Guys tara na baka mahuli daw tayo sa flight" Sumunod nalang ako napansin ko na parang close na agad si Clarisse at Shane. Napangiti nalang ako at binuhat ang travel bag na dala ko.


Nandito na kami sa plane katabi ko yung kambal na kapatid ni Clarisse. Gusto daw kasing maging close ni Clarisse si Shane so hinayaan ko nalang. Si Regil talagang pinanindigan nya yung hindi pagpansin sakin tsk.


I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon