Doon sa Recto......

6 0 0
                                    

Isang gabing malalim

Sa gitna ng daang kay dilim

Sa ilalaim ng nagtatagong buwan

Ramdam kong may sumusunod sa akin.

Huminto ako't lumingon

Subalit wala akong nakita

Isang daga lamang ang umahon

Mula sa gabundok na basura.

Ako'y nagtaka at muling naglakad

Guni-guni lamang iyon walang dapat ikabahala

Ngunit muli ay narinig ko ang mga hakbang

Papapalapit at papalapit,  ako'y nangamba.

Binilisan ko ang paglalakad

Bumilis din ang mga yabag

Bigla ay may kumalabit sa akin

Lumingon ako't, "ate pahingi ng pagkain."

Doon sa Recto......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon