ONE SHOT: Weddings, Cadets, & Numbers

227 8 6
                                    

WARNING: This contains a lot of kalandian....

 --------------------------------------------------------

I’m depressed.

As in “emotionally depressed”.

Don’t worry. Hindi pa naman to the point na wala-nang-nagmamahal-sa-akin-at-di-ko-na-kaya depression ito.

Sa ganda at alindog kong ito?!

Kawawa naman ang mother earth kung mababawasan siya ng magandang tanawin kapag nagpakamatay ako, ano.

Seryoso. Maganda ako. I have the height, black round eyes, kissable lips, at long fingers na pagkakamalang daliri ng model ng hand lotion, nail polish o kaya mga singsing.

Medyo kapos nga lang sa boobies.

Pero bakit nga ba ako depressed?

Well….

--

Dahil sa isang 6 footer na chinito na kapag ngumiti ay bibiyak ang kalangitan at magbababaan ang mga anghel na may hawak na harp at magkakantahan ng “sa iyong ngiti, ako’y nahuhumaling” habang ang panga mo ay nasa lupa na at magkokorteng puso ang mga mata mo.

Mukhang gwapong gwapo ako sa kanya, ano?

It all happened when I attended my friends’ wedding in Laoag City whom were my classmates and tropa from preschool to high school.

Back to my chinito.

Jon who was the groom, graduated from MAAP so he invited a few of the first class cadets bilang swords sponsors sa wedding. May ganoon talaga ano? So you guessed it right. Si chinito with the overkill smile was one of the cadets.

My friends and I were all intimidated when we arrived at the chapel and saw them already lining up with the principal sponsors sa labas. Paano ba naman kasi. Sobrang tuwid sila kung tumayo at seryoso makipag-usap sa isa’t isa.

But I immediately forgot about them when I noticed the location of the chapel.

Ang ganda! The chapel was in the middle of a rice field tapos ay malayo siya sa mga kabahayan. Ang peaceful ng lugar.

I was admiring the scenery when my eyes got stuck on the tallest cadet. Grabe.  Ang tangkad niya talaga. Just by looking at him ay alam ko agad na 6 footer siya. He also had that goodboy-look. Lalong hindi natanggal ang titig ko sa kanya when his fellow cadet whispered something na nagpangiti sa kanya.

Walang pakundangang nagbackflip ang puso ko!

“Ay bessy type ko iyong chinito!”

My head quickly turned to Rome – kaibigan naming bakla.

ONE SHOT: Weddings, Cadets, & NumbersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon