Diary ni Miss Snow Flakes

867 31 5
                                    

Isang malungkot na gabi ang sumalubong kay Elena Aragon. Gabi na punong puno ng iba't ibang emosyon na nangingibabaw sa kalooban niya. Mga emosyon na nagbigay dahilan upang bumuhos ang mga nakasilip na luha na namuo sa dalawang bintana ng kaniyang mga mata. Halos manghina ang mga nangangatog na mga tuhod niya na dahilan kung bakit napaupo na lamang siya sa sahig kasunod narin nito ang malakas na palahaw ng pagiyak na nagpapahayag ng matinding panghihinayang at sakit na nadarama niya habang kasalukuyang hawak ang isang itim na kwaderno na naglalaman ng ilang pahina ng papel na naiwan sa la mesita na katabi ng kaniyang tinutulugan. Ang maliit na kwaderno na tila unti unting pinipiraso ang kaniyang puso't damdamin. Ang papel na naglalaman ng matinding galit at hinanakit na kailanman ay hindi sumagi sa isipan ni Elena na maaari palang mangyari.

"Hello. Ito na ang pinakahuling pahina ng diary na ito. Ang huling pahina na pinakahihintay ko. Ang pahina na uukit sa buhay ng makakabasa nito. Alam mo diary, Eto na rin ang huling pahina na magagawa ko. Sorry ah? Kasabay ng daloy ng pagtatapos ng diary na ito ay ang buhay ko. Sa bawat pahina mo na kasi nakaukit ang mga pangyayari na naganap sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit ko pinili na tapusin na lamang ang pagsusulat ko sayo diary. Siguro dahil na rin sa pagod na ako? Hindi ko na rin siguro kasi kinakaya ang lahat nang nangyayari sa buhay ko. Gulong gulo na ang isipan ko. Kahit na alam ng marami na hindi ako marunong makadama ng lungkot, nagkakamali sila diary. Sa bawat ngiti na sumasalubong sakanila ay siya namang may nakatagong lungkot sa loob nito.

Alam mo ba diary nagpapasalamat ako sayo. Dahil kahit papaano nakaramdam ako na mahalaga ako. Kahit na hindi ka man nagsasalita, nagagawa mo naman ako pakinggan araw-araw. May mga pagkakataong naibuhos ko na yata lahat ng sama ng loob ko sayo. Yung nagawa kong patakan ang maliit na parte ng ilang pahina mo nung lubos na lumuha ako nung magbreak kami ng pinakamamahal ko. Napakasakit pala na iwan ka ng taong mahal mo. Iwanan ang taong inakala mong ikaw lang ang mamahalin. Ang sakit sakit balikan nung mga pahinang iyon, diary. Akala ko ako lang talaga ang mahal niya. Akala ko ako lang ang nasasabihan ng mga I love you sa mga mensahe niya na natatanggap ko tuwing umaga at gabi. Akala ko ako lang ang pinagtutuunan niya ng pansin. Pero lahat pala ng akala ko, mali. Kabaligtaran pala ng lahat ng pinaniniwalaan ko ang mga nangyari sa amin. Marami nga naman ang namamatay sa maling akala.  Bakit ganun ang pag ibig, diary? Kahit na alam mo na niloloko ka na, ginagawa mo pa rin ang lahat. At masaklap pa doon, nagawa mo na nga ang lahat nagawa ka pa ring iwan. Mapapatanong ka nalang kung saan ba ako nagkulang?  May mga pagkakataon din naman na napapaisip na ako sa mga nangyayari. Hindi naman ako ganun kamanhid para hindi makaramdam na niloloko na ako di ba? Minsan sasagi nalang sa isip mo na gusto mo na pakawalan pero minsan gusto mo lang talaga na kasama siya kaya hangga’t di mo pa alam kung ano talagang gusto mo, hinahayaan mo muna yung mga oras na magkasama kayo. Halos mabaliw baliw ka na kung ano ba talaga ang gagawin mo. Napakahirap palang mamili sa mga salitang hold on at let go. Pero minsan kailangan mo na rin namang bumitaw hindi dahil sa hindi mo na siya mahal hindi rin sa dahilang pagod ka na kundi dahil sa alam mo na iyon na ang tama. Kung alam lang lahat ni mama ang lahat nang 'to, diary. Kung nandiyan lang sila mama at papa para sakin  sa panahong kailangan ko ng masasandalan at maiiyakan. Kung nandiyan lang sila upang pagtanungan ko ng mga ganung bagay at kung ano ang nararapat gawin. Kung may mga tao lang na kasangga ko at magbibigay lakas sa akin para maging positibo sa buhay. Pero ngayong lumalaki na ako, mas masarap pala na iwan na lang pala ang mga ala-ala na iyon, kung saan iyon nararapat. Hindi ka sasaya pala sa buhay kung patuloy mong babalikan ang nakaraan.

Naririto rin yung times na maaalala ko na bumagsak ako sa isa sa mga asignatura ko, diary. Nakakapanlumo talaga iyon. Gusto mo lang naman na may mapatunayan ka lang sa pamilya mo at ang pinakagusto mong mangyari ay iyon yung maging proud sila sayo. Pero wala akong nagawa, nabagsak pa ako sa isang asignatura na kailanman ay isinusumpa ko. Feeling ko useless ang pagpasok ko sa tuwing bumabagsak ako. Naiinggit ako sa mga honor students tuwing sasapit na ang recognition sa school namin. Nakadungaw akong maigi at sila'y maiging pinagmamasdan. Makikita sa mga ngiti ng mga magulang nila kung gaano sila kasaya na tumanggap ng karangalan ng kanilang anak habang umakyat sa entablado upang masabitan ang mga anak nila ng nagkikinangang mga medalya sa leeg ng mga ito. Sana nandito sila mama at papa para masubaybayan ako sa pag-aaral. Mga taong magsasabi na "Sige anak, kaya mo yan!" Sa tuwing mahihirapan ka at naranasan mong bumagsak sa isa sa mga quiz at exam niyo makakarinig ka ng " Okay lang yan anak. May next time pa naman! Kaya mo yan nandito lang kami.." Pero lahat ng iyon wala. Wala ni isa akong nariring mula sa kanila.

Diary ni Miss Snow Flakes [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon