KpopHATER ♥ KpopLOVER (oneshot)

857 27 17
                                    

Dedicated sa lahat ng kpop fan dyan at sa lahat po...sana po magustuhan nyo...pero wag po masyadong mag-expect sa short story na toh..pero sana basahin nyo parin hehe...at pagtsagaan nyo narin po yung cover nito, di po ko magaling sa cover eh, kinuha ko lang yung cover sa google.

enjoy reading ^_____^

----------------------------------------------

KpopHATER ♥ KpopLOVER

written by: BrashHeart

Hayss..... pagpasok na pagpasok ko sa school nasisira na agad ang araw ko dahil ito na naman po ang mga babae kong classmate nagkukumpulan na naman po at todo kilig at todo tawanan sa pagkukwentuhan nila.

"waaahh!!! ang gwapo talaga ni Donghae dun sa bago nilang MV, diba? diba?" hyper na hyper na pagkakasabi ni Sarrah

'Donghae na naman' sinabi ko sa sarili ko sabay lapag ng bag ko sa upuan ko at naglakad na palayo sa nagkukumpulang babae.

Pumunta muna ko sa upuan kung san nakaupo si Alex at si Darwin.

"oh...bakit di ka don umupo sa upuan mo?...hehehe" binigyan ko lang ng evil smile si Alex pagkasabi niya sakin yan.

Pano ba naman ako uupo dun sa upuan ko, eh dun nagkukumpulan yung mga classmate kong babae na puro kaabnuan ang alam. Kpop ata yung pinag-uusapan nila, tskk..kaasar puro nalang sila Kpop.

Kung tinatanong nyo kung bakit dun sila sa upuan ko nagkukumpulan., yun ay dahil kay Sarrah Domingo. Ako nga pala si Sim Dominguez, seatmate ko si Sarrah dahil alphabetical ang seating arrangement namin, haist..at sa upuan nya na katabi ng upuan ko ang paboritong kumpulan place ng mga kpop addict na classmate ko. Kaasar.

Alam nyo, maputi, maganda, matalino at mabait naman si Sarrah, ang dami ngang nagkakagusto dyan ehh, pero walang nakakascore. Pano puro Kpop ang inaatupag kaya napapaurong lahat, syempre kahit di mo tanungin alam mo nang mga Kpop looks ang tipo niya.

Naalala ko tuloy nung first day ng klase at yun din yung araw na nag-assign ng permanent seat, todo sabi yung mga barkada ko na ang swerte ko daw dahil katabi ko si Sarrah sa upuan. Ako naman nakaramdam ng tuwa at excitement dahil sa sinabi nila, binalak ko pang makipagkaibigan sa kanya, eh..kasi...oo aaminin ko medyo may interest din ako sa kanya. Pero yung excitement at tuwa na naramdaman ko ay naglaho ng malaman ko na certified KpopLOVER pala tong si Sarrah at di lang basta lover sobrang addict pa, wala siyang bukang bibig kundi Kpop, siya ata ang leader ng Kpop fans dito sa room namin kaya ako na CERTIFIED KPOPHATER ang napeperwisyo, haist.

Isa akong SILENT na KpopHATER kaya ako lang ang nagbansag sa sarili ko ng KpopHATER, kahit papano ayoko namang kuyugin ng mga babaeng toh, lalo na't katabi ko pa ang leader ng mga KpopLOVER.

Ayoko sa Kpop dahil ayoko, di ko sila maintindihan at binabaliw nila ang Pilipinas, pati upuan ko sinasakop nila, halos lahat ng babae naaakit sa kanila at may mga lalaki na rin, kaya ayoko silang tangkilin, sugurin man ako ng lahat hinding hindi ko magugustuhan ang Kpop, tapos.

Nabanggit ko na binalak kong makipagkaibigan kay Sarrah diba at syempre alam nyo na ang resulta, EPIC FAIL. Pano ba naman walang ibang sinasabi kundi Kpop, feeling ko nga nagsasalita lang siya kapag Kpop na ang pinag-uusapan eh, kaya anong tsansa ko? wala.

At dahil si Sarrah at yung isa ko pang katabi na si Alice ay parehong KpopLover, wala akong makausap pagstart na ng klase, kaya wala akong ibang pinagkakaabalahan kundi ang obserbahan sila na masayang nag-uusap tungkol sa bagay na kinamumuhian ko.

Itong si Sarrah araw-araw kong naoobserbahan na masaya, laging nakangiti, laging excited at halos laging kinikilig. OO araw-araw ganyan siya, pano araw-araw mukang Kpop.

KpopHATER ♥ KpopLOVER (short story)Where stories live. Discover now