Irish's POV
1 Million Pesos. Yes, Isang Milyon ang pinakamalaking tinayang pera ng babaeng mag-uuwi kay Ricci mamayang gabi. Maganda naman yung babae at halatang mayaman. Hindi na rin ako masyadong nagulat kung ganoon kalaking pera ang itataya ng isang tao para makuha si Ricci. Wala eh, Rivero yan eh.
Pagkatapos ng nakakabaliw na bidding ay nagpatugtog naman ng slow music, senyales na pwede nang magsayaw ang magkakapartner. Niyaya naman ako ni Tyler sa gitna at nagsayaw kaming dalawa kasama na rin ang iba pang magkakapartner. Ang lahat ay ineenjoy ang nakakakilig na tugtog.
"Thanks for tonight, Irish." sabi ni Tyler habang nagsasayaw kami.
"You're always welcome, Ty." nakangiti kong sagot sakanya.
"I'm happy kase nakilala kita."
Napangiti ako. "Masaya din ako kasi nakilala at naging close ko ang isang Tyler Tio."
Matagal niya akong tinignan sa mata bago muling nagsalita. "Irish." medyo seryoso siya nang banggitin ang pangalan ko.
"Hmm?"
"I'm always here okay? I will be your night and shining armor."
Di ko nanaman mapigilang mapangiti nang marinig ang sinabi niya. Nagpatuloy kami sa pagsayaw. Nagkwekwentuhan at nagtatawanan din kaming dalawa habang nagsasayaw. Para bang may sarili kaming mundo at walang pakielam sa nangyayari sa paligid.
Nang mapagod na ay inalalayan ako pabalik ni Tyler sa lamesa namin. May lumapit sakanyang babae at niyaya siyang sumayaw. Syempre, dahil sa gentleman si Tyler ay pumayag siya at nakipagsayaw sa babae.
"Wait, Irish. I'll be back." paalam niya at tumango lang ako.
Ako naman ay lumabas ng venue at naglakad papunta sa cr. Nasa labas pa kasi ng venue ang mismong cr. Pagkapasok ko ay walang kung sino man ang nandun at lahat ng cubicle ay walang tao. Paniguradong ang lahat ay busy na busy sa pagsasaya sa ball. Nagretouch lang ako ng kaunti at inayos ang dapat ayusin.
Akmang bubuksan ko na ang pintuan para lumabas nang biglang magbukas ang pinto at bumungad sa akin si Ricci dahilan para halos mapatalon ako sa gulat. "R-Ricci.." naibulalas ko habang nakatingin sakanya. "A-anong ginagawa mo rito? Sa K-kabila yung men's ah?" sabi ko habang nanlalaki ang mata. Nanatiling nakatitig lang sa akin si Ricci at hindi sinagot ang tanong ko. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin. "A-Ah sige, lalabas na ako kasi--"
Bago ko pa tuluyang mabuksan ang pintuan ay nagulat ako nang pigilan iyon ni Ricci at mabilis niya akong isinandal sa likod ng pinto at iniharap sakanya. Dahan dahan siyang yumuko para maging magka-level ang mga mukha namin. Rinig na rinig ko ang mabilis na pagkabog ng puso ko.
"R-Ricci ano ba?" tinulak ko siya sa dibdib pero wala manlang nangyari. Gosh! Ilang metro lang ang layo ng mga mukha namin! Ano bang nangyayari sa lalaking to?! Amoy na amoy ko yung pabango niya!
"Talaga bang pinagseselos mo ko?" seryosong tanong niya. Nagulat naman ako at ilang beses na napakurap kurap. "Kanina pa kayo sweet nung Tyler na yun."
What the heck!?
"A-ano bang pinagsasabi mo?" taka kong tanong.
"Kayo na ba?" seryoso niyang tanong.
Napahinto ako saglit. "Eh, ano naman ngayon kung kami?" matapang kong tanong. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito si Ricci. Alam ko namang wala siyang pake pero bakit ganito ang inaarte nitong lalaking to?
"Sagutin mo na lang ako, Irish." kalmado pero may authority niyang sabi.
"Eh ano bang pake mo?" inis kong sabi. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Bakit ba tanong siya ng tanong kung kami na ni Tyler? At grabe, ang lakas ng loob niyang i-corner ako sa loob ng cr ng girls!
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanficA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.