Bully Thirty One: Meeting Violet

454 19 3
                                    

Sinulit na nga nina CK at Vivoree ang natitirang isang buwan sa kanila nung makabalik si CK. Laging magkabonding at magkasama. Ayaw din nilang iisipin na magkakalayo sila ng tatlong taon kaya hindi nila pinag-uusapan ang pag-alis ni Vivoree kapag magkasama sila. Iniiwasan nila ito at iiwasan hangga't kaya.

Nagkaroon din sila ng despidida para sa pag-alis ni Vivoree doon mismo sa restaurant.

Nag-usap ng masinsinan ang dalawa sa gabing yun. The night before she leaves.

"So, aalis ka na bukas Love."-CK

"Yeah. Maiiwan na kita. Sorry.."-Vivoree

"Hey, don't mind it okay? It's perfectly fine. Alam kong pangarap mo din yan at susuportahan lang naman kita no matter what."-CK

"Pero kaya ba natin ang tatlong taon Love? I mean, a year is already long. Tatlong taon pa kaya. Kasi willing naman akong umatras if you're just gonna tell me to."-Vivoree

Hinawakan ni CK ang kamay ni Vivoree.

"Ayokong pigilan ka sa mga pangarap mo o sa mga oppurtunities na pwede mong matanggap at makuha sa career path natin na toh. Gusto kong mag-explore ka. Kung kailangan nating magkahiwalay to make that happen, then I'd be willing to sacrifice what we have. We will be okay, Love. Kaya natin toh."-CK

Humilig si Vivoree sa balikat ni CK.

"Bakit ba blessed ako ng sobra?"-Vivoree

"Because that's what you deserve. Just all the happiness in this world."-CK

She smiled and just savoured the moment.

~~~

The next day, magkakasama sina CK, Miss Sam at Beatriz na naghatid kay Vivoree sa airport para sa pag-alis neto. Mahirap man, kailangang kayanin. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkalayo silang dalawa at siguradong mamahalin pa rin nila ang isa't-isa kahit anong mangyari. Nagkawalay nga sila ng pitong taon noon at nagmamahalan pa rin diba? Ito pa kaya na tatlong taon lang naman. Kaya nila toh. Communication makes this all better. 🤗

Pagdating doon..

"Mag-iingat ka doon, Vivoree. Okay? And make us proud. I know you can do that."-Miss Sam

"😊 Thank you Mommy Sam. Utang ko pong lahat ito sa inyo kaya pagbubutihan ko talaga."-Vivoree

"You owe me nothing dear. You strived hard with your studies. Magaling ka. Tinanggap lang naman kita sa trabaho. Yun lang ang ginawa ko and you also did your very best. Kaya alam kong kaya mo toh."-Miss Sam

"Salamat po."-Vivoree

"Uy, mag-iingat ka dun ha? Lagi kang tatawag. Ihanap mo na din ako ng boyfriend. Hihi."-Beatriz

"Ay naku, Bea. Ikaw talaga."-Vivoree

"Ihahanap ka niya ng boyfriend which means he'll be talking to guys. Tsk. Hindi pwede Beatriz. Ako nalang ang maghahanap para sayo."-CK

"😏 Ang seloso mo naman Sir. Hindi naman para sa kanya yung lalaki eh. It's for me kasi..tumatanda na talaga ako. Huhu."-Beatriz

"Basta, hindi pwede. Ako nang bahala sayo."-CK

"Hayst. Fine. 😑"-Beatriz

"Great. 😉"-CK

"Oh, tama na yan Love. It's okay."-Vivoree

"Talking to guys is not okay kaya umayos ka."-CK

"Come on, Love. We might talk. Hindi naman maiiwasan sa trabaho yun. But please, don't worry. Hindi ko na sila kakausapin kung hindi na tungkol sa trabaho. And isa pa, ikaw mapapalitan? Aba, eh ilang taon na kitang hinintay. Ayoko nang pakawalan ka noh."-Vivoree

BULLIES IN-LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon