KALEIDOSCOPE: CHAPTER 7
I.
CHITTAPHON
Paulit-ulit at parang isang sirang plaka sa isipan ko ang mga sinabi ni Jaehyun sa akin kanina lamang. Kasalukuyan pa rin kaming nakasakay dito sa Ferris wheel. Napakabagal ng pag-ikot nito, idagdag mo pa ang minsang pag-tigil nito na tila ba talagang binibigyan nila ng segundo o moment ang bawat taong nakasakay dito.
Kukingina, kaya pala gano‘n na lang bigla ‘yung naging reaksyon niya kanina. Kaya pala bawat puntahan namin at bawat lingon niya sa akin ay agad niya akong tinatanong kung ayos lang ba talaga ako.
Mabilis kong sinulyapan si Jaehyun na tahimik lamang na nakapangalumbaba habang nakatitig pa rin sa labas at pinagmamasdan ang buong tanawin mula rito.
Hindi ko alam pero isang nakakailang na katahimikan agad ang naghari sa amin pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang ‘yon kaya’t wala na akong nagawa o nasabi pa kundi tumitig na lamang sa kanya.
Nanatili akong nakikiramdam sa kanya, pati na rin sa paligid ko.
H-how should I end this uncomfortable silence between us?
Pumeke ako ng ilang beses na ubo dahilan para kaagad siya mapatingin sa akin gamit ang kanyang nagtataka’t naguguluhan na tingin.
“Not enough?” Matipid niyang tanong sabay turo sa scarf niyang nakabalot sa leeg ko.
“A-ah, no, it’s good— I mean, I’m good.” Mangutal-ngutal kong sagot na mas lalo lamang ikinangunot ng noo niya.
“What’s the matter then?”
Punyeta. Paano ko ba sasabihin ‘to?! Send nude– este, send help!
Huminga ako ng malalim upang ipunin ang lakas ng loob ko bago napagpasyahan na magsalita na muli.
“Then why are you still doing this?” Nalilito kong tanong sa kanya, dahilan para balutin na naman kami ng isang nakakabingi’t nakakailang na katahimikan habang ang mga mata niya’y pa rin nililisan o iniiwan ang akin.
Pinapanood ko lamang siya na marahang ipikit ang mga mata niya bago muling ibalik ang atensyon niya sa labas.
Naramdaman kong bigla na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko malaman sa sarili ko pero bakit parang kinakabahan ako sa magiging sagot niya?
“You know, I usually don’t get attached too easily, but that immediately changed when I met you.” Ano? Ano naman ang connect no‘n sa tanong ko?
Sa pagkakataon naman na ‘to’y ako naman ang nangungunot ang noo at nagsasalubong ang kilay dahil sa pagtataka.
“What do you mean by that?” Nalilito kong tanong sa kanya.
“Gusto ko lang tuklasin kung anong meron sa ‘yo at gano‘n na lang ang nangyari o naging epekto mo sa akin pagkatapos no‘ng insidente na naganap sa school.” Bakas na sa mukha niyang rumerepleksyon sa salamin ng bintana ang hirap at malalim na pag-iisip ngunit nanatiling kalmado at mahinahon lamang ang kanyang boses. “At mukhang nakuha ko na ‘yung kasagutan sa tanong kong ‘yon no‘ng nasa café tayo at kanina lamang no‘ng exam.” Dagdag pa niya dahilan para manatili akong tahimik at hinihintay ang mga susunod pa niyang sasabihin.
“Say, Chittaphon. How do you compare and contrast the light to darkness?” Namilog agad ang mga mata ko sa gulat nang lumabas sa bibig niya ang katanungan na ‘yon, isabay mo pa ang mas lalong pagbilis at paglakas ng pagkabog ng dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Kaleidoscope » Jaeten ✧
FanfictionKA•LEI•DO•SCOPE \kə-ˈlī-də-ˌskōp\ noun - : a tube that has mirrors and loose pieces of colored glass or plastic inside at one end so that you see many different patterns when you turn the tube while looking in through the other end: a changing patte...