Chapter 5 - Kabute

6 0 0
                                    


Kabute

~*~

Cia's POV


Kanina pa akong pabalik-balik sa prayer room ng bahay na tinutuluyan namin. Napagpasyahan ko na um-oo sa ginawang proposal ni unknown creature. Hopeless, I am. Gusto kong muling makita ang mommy ko. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung gaanong pagsisisi ang naramdaman ko.



"Cia." Nilingon ko ang likuran ko. He is standing there, smiling.
Bago pa man siya magsalita, pinangunahan ko na siya.



"Unknown creature, nakapagdecide na ako. Tinatanggap ko na ang proposal mo." He smiled at me and held my right hand.



Nararamdaman ko yung mainit na pakiramdam na nakakakalma nang hawakan niya ang pulsuhan ko. He tightened his grip. May puting usok ang biglang lumitaw sa pagitan naming dalawa. Pinilit kong imulat ang aking mga mata.




Sa pagmulat ko sa mga ito, doon ko nakita ang senaryo kung saan nabangga si mommy. Nakikita ko sa puting usok ang pinakamasaklap na bahagi ng buhay ko. Hindi ko napigilan ang mga luhang unti-unti nang tumulo.



He patted my shoulders and whispered words. "It's hard but you need to stay alive. The creator wants you to see the beauty beyond your tragic past."


Unti-unti nang nawawala ang puting usok, nakatitig lang siya sa akin habang hinihintay ang magiging reaksyon ko. I looked down and embraced myself.



"You are afraid, Cia yet you want others to see that you're tough and you don't need anything from anyone. But remember this, no man is an island."



I looked straight to his eyes. "Sino bang hindi matatakot? Maaring nasasabi mo yan dahil hindi mo naman dinanas lahat ng sakit na naranasan ko. Hindi mo naman alam kung gaano kasakit ang mabuhay araw-araw na may tanong pa rin sa isip mo na alam mong kahit kailan ay 'di na masasagot pa."



Nanatili lang siya sa pwesto niya habang mariing nakatitig ang mga mata niya sa mukha ko. Pilit kong iniiwasan ang titig niya pero hindi ko maiwasan. I was taken a back when he positioned himself infront of me.



Bigla akong nakaramdam ng matinding panlalamig dahil sa paraan ng kanyang pagtitig. It intimidates me and at the same time, nagpapawis na rin ako dahil sa kabang nadarama.




"Hindi lang naman ikaw ang may mabigat na problema. Alam kong mahirap na maging ikaw. But I'll tell you this for once, there's a reason why you're still alive. Hindi mo man mahanap ang sagot sa mga tanong mo but soon you'll find it. Trust me, Cia." Humakbang na siya patalikod at unti-unti nang nawala sa paningin ko.



Hahakbang na sana ako papaalis ng prayer room nang makita ko si Jhen na nakatayo lang sa pintuan.



"Cia, nakita ko rin ang nakita mo. But don't worry, I won't tell it to anyone. It'll remain a secret." Hinayaan ko na lang na alalayan ako ni Jhen pabalik sa kwarto namin. She hummed a song para daw makatulog kaagad ako. Nakatulong naman talaga dahil nakatulog ako ng maayos sa kabila ng mga pangyayari sa pagitan namin ni unknown creature.



Kinabukasan, third day na pala namin sa outdoor tour, pupunta naman kami sa Lobo, Batangas para doon magpalipas ng gabi. Naging okay naman ang araw ko dahil walang sumulpot na unknown creature. Hindi na siya nagpakita simula noon. Naging iwas muna ako sa away dahil wala pa ako sa mood para barahin ang wicked cousin ko dahil pagod na pagod na ako, I'm emotionally and physically exhausted dahil sa mga pangyayari sa mga nakaraaang araw.



Mabuti na lang rin at nandyan si Jhen, atleast bukod sa sarili ko, may iba pang may alam sa totoong pinagdadaanan ko. Though, madaldal siya, nagtitiwala naman ako na hindi niya ipagsasabi ang mga nakita niya. I know she is responsible with her mouth and her acts.




"Greatness isn't all about your possesion of wealth nor it's not about your popularity as an individual. But greatness is measured with your pure heart to help other people even if you, yourself is struggling with your own problems. We, people weren't born to raise just our own flag, but we are born to claim the victory while helping others to reach their own success. It'll be a satisfaction if we see other people smiling with what they've achieved because we've encouraged them to undertake their doubts and hesitations. Whether it's small or big help, it always matter. My fellow Westerns, I would want you to live not just for yourself but also for other people." I bitterly smiled and turned my back. Siguro iiyak ko muna lahat ng frustrations na mayroon ako lalo na nung marinig ko ang speech ng WestMead student council president. Akala ko, okay lang ako pero hindi pala.



"Cia" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag niya. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang buhok ko at ipinagpatuloy muli ang paglalakad.



Habang binibilisan ko ang paglalakad, bumangga ako sa isang matandang lalaki. Sa itsura pa lang, alam kong kabilang na siya sa WeastMead staff. Pilit akong humingi ng paumanhin. Nginitian lamang niya ako bilang sagot at nagpatuloy na kami sa paglalakad.




"He is Manuelo Javier. WeastMead's congress president for student affairs." Sa sinabi niya, humarap na ako para pakinggan kung ano pa ang susunod niyang sasabihin.



"Bakit mo 'yan sinasabi?" Ang nakakunot na noo niya ay napalitan ng ngiti.




"Bakit ko ito sinasabi? Because I want you to be curious. I want you to do something." Kung ano-ano na naman ang sinasabi niya kaya tinalikuran ko na siya para hindi na muling magambala ang pag iisip ko.




"Hindi lang kung ano-ano ang sinasabi ko, Cia. Importanteng malaman mo na ang taong nakabangga mo kanina lang ay ang ama mo." Literal akong napanganga sa isiniwalat niya.



"Alam kong may naramdaman kang kakaiba nang magkabanggaan kayo. Kung sa inyong mga tao, lukso ng dugo ang tawag doon. Pero para sa amin, connection between lost souls ang tawag doon." Pilit kong ikinalma ang sarili ko bago ako humarap sa kanya.



"Connection between lost souls." I smirked and laugh out loud.




"May pa-connection ka pa, iniwan niya ako. At sa tingin ko, walang kahit anong koneksyon ang namamagitan sa aming dalawa. Dahil kung totoo man'yang connection na 'yan. Connection binding anger ang mayroon." I sarcastically smiled at him and continued to walk.



Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa makarating ako sa garden. Sumilong muna ako sa puno at doon umupo.



Bakit nasasaktan ako? Bakit iba yung epekto sa akin ng speech na 'yun?




"It's because you are still hopeful that someone will understand your miseries. You hopes that someday, that there'll be a person who'll live for you." Tss. Siguro sa past life nito, kabute siya. Bigla na lang susulpot!




"Excuse me, hindi ako kabute." I shrugged my shoulders and stood up. Sa tuwing nandiyan siya paligid, lalo lang ako nastestress!




"Cia, let me tell you this. Once you agreed with a proposal from a heavenly creature like me, you can't back out. Katulad na lang ng kay Mother Mary, she didn't had second thoughts when angel Gabriel told her that she'll bear the savior. But unlike you, she never had second thoughts. She stood up with her decisions. Kaya sana gayahin mo siya, no backing out, Cia!" He grinned and continued walking and disappeared.




Narealize ko, gwapo naman pala si unknown creature. Weird niya lang. Naturingang anghel pero ang weird. Ewan? Diba kapag angel, maamo at understanding, pero siya? Masungit, nagmamagaling, at parang kabute! Dagdag mo pa, judgemental rin! Kung masabihan na ako na gayahin ko si Mama Mary? Duh. I'll never be as good as her.




"Well, I'll turn you to be as good as her, Cia Bernadette."




Hearing his voice makes me ill.

Angel In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon