Yankee-kun Likes Me?!
Author-Wanna-Be Note: Yankee is Japanese term use to refer delinquents or thugs. -kun is a honorific suffix that is usually use to address male children or male teenager.
Chapter One - The Confession
"So ayun," saad ni Dylan pero ang expression niya, para hindi kagulat-gulat ang sinabi niya kanina lang.
In contrast sa nonchalant niyang reaction, ako eto nanlalaki ang mga mata sa gulat; kung anime lang kami baka yung panga ko na nailaglag ko sa sobrang gulat eh umabot na siguro sa sahig.
At first, sa sobrang shock ko siguro, I was rendered speechless. Bongang-bongang speechless. Kung hindi lang dahil sa pagkagulat ko, malamang eh natawa na ako sa hitsura ko.
Alanganing napatawa ako sa sobrang gulo ng utak ko. "Teka lang. Pakiulit nga ulit yung sinabi mo?" sabi ko, baka kasi naghahallucinate lang ako kanina at mali ang narinig ko.
Nagtaas ng kilay si Dylan, as if he was offended by my words or something. "Gusto kita."
OMG! Totoo nga! Sandali. SANDALI! My brain couldn't quite grasp this! Gusto niya ako?! Ako, na si Eva Jean Sanchez, ay nagugustuhan ni Dylan Andre Crisostomo?! What the eff?! San nang-galing yun?
'Baka naman joke lang yun?'
Baka nga. Kasi, hello, si Dylan Andre Crisostomo ang pinaguusapan dito! Si Dylan na kilala bilang 'Yankee' or delinquent ng school namin? Na mas complete pa ang attendance sa arcade center kesa sa klase mismo.
Malamang joke lang ang lahat. Sino ba ang matinong lalaki ang magko-confess ng feelings niya sa isang babae na ang reaction eh parang nagsabi lang siya ng paborito niyang pagkain.
Hindi ba dapat kapag nagko-confess ka nagba-blush ka? O keya naman eh napapautal ka? Dylan confessed to me with straight-face as if it was the most normal thing to say!
Are you effin' kidding me?!
"Uh...? Kailangan ko bang tumawa?"
Kumunot lalo ang noo ni Dylan. "Bakit? Hindi naman ako nag-joke."
Nagjojoke ka lang! I forced my self to smile even though I was pretty sure na weird ang ngiti ko."What? Ibig sabihin seryoso ka kanina?"
His frown sort of answered my question, doon biglang naglaho ang alanganin kong ngiti. I was so shock when I saw this stereotype reaction ng mga lalaking nagconfess ng feelings and was rejected right there and then.
Disappointed lang ang peg?!
Wait. So nagsasabi nga siya ng totoo?! OMG!
Kumabog na naman ang puso ko ng marealized ko na seryoso si Dylan sa sinabi niya. What am I going to do?!
Dylan rolled his eyes and dropped his shoulders. "Natural lang naman na mashock ka pero you're really starting to hurt my feelings. You're making it sounds that me liking you is weird."
"Weird talaga! You never once treated me like a girl! I was practically invisible to you up until today, as matter of fact etong moment na to ang first time na nagusap tayo! And now you're telling me that YOU like ME?" anu ba yan, feeling ko maya-maya lang maghahyperventilate na ako sa inis, nakakaconfuse, hindi ko alam kung dapat ba akong tumalon at tumabling sa tuwa or dapat na talaga akong kumaripas ng takbo.
Dylan groaned, sighed and rolled his eyes. "Look, what more do you want me to say? You made me like you, so deal with it." he said dismissively.
Nangungulay kamatis na ang mukha ko for sure. Dylan ruined everything. Hindi ganito ang pinangarap kong moment na may magko-confess sakin. Gusto ko katulad nung sa mga anime or kaya sa mga koreanovela!
Nasaan na yung mga bumubukang bulaklak? O keya yung mga nagkakantahang mga ibon? O yung mga lumulipad na paru-paro? At saan na napunta yung mga cute na kupido? Argh!!
I sighed, disappointed sa mga nagaganap. 'Bakit po ako, Bro? Good girl naman po ako.' This is officially one messed up confession.
"Jean?"
Napapitlag ako nung narinig kong sinabi ni Dylan ang pangalan ko, my face flushed ten times fold. "Hmm?"
"What am I going to do?"
I opened my lips but then closed it again. Weird. Nagdadalawang isip akong iturn-down ang confession niya. Hindi ko naman siya gusto di ba?
Granted na good looking si Dylan. Tanga lang naman ang hindi ma-attract sa kanya eh. Bukod sa tall, dark and handsome, mayaman din ang pamilya ni Dylan since his father is a doctor and ang mother naman niya ay isang attorney. Rumor says na may mga kapatid at kamag-anak siyang elite.
Halos lahat ng babae sa campus namin may gusto kay Dylan. Kasama din ba ako sa mga babae na yun? Hay.
I quickly averted my eyes and mumbled, "B-bigyan mo muna ako ng time para mag-isip."
Dylan lifted an eyebrow and sabay kibit ng balikat. "Sure."
To Be Continued.
BINABASA MO ANG
Yankee-kun Likes Me?!
RomanceWith unset and shocking confession from Yankee-kun, how will Jean react?!