~40~
"That Girl"
Kimchi's Insight
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto namin ni Ate Chi.
Pag labas ko sa pinto nakita ko ang pinaka cutesome, hotsome, handsome guy ever..literal na nanlaki at napanga-nga ako.
"Omo!"
"Anong nakakagulat? Ang tagal mo Kimchi-ya. Akala ko uugatan na ako dito kakahintay. Halika na, bilis. Mamaya magising pa sila. Tsk."hinawakan niya ako sa braso at hinila paalis.
My heart started to beat crazier than ever.
Hindi ko alam kung anong magandang mangyayari sa araw na to pero feeling ko talaga may something special na magaganap. Iba yung aura ni maknae eh. Alam niya kaya na first month na namin ngayon?
♦
"Ano to?"tanong ko kay Sungjae. Nandito kasi kami sa isang theatre studio pero kami lang yung tao.
"Sinehan."sagot ni maknae at iginiya ako paakyat ng hagdan.
"Alam ko sinehan. Pero nag-aano tayo dito? Manunuod tayong movie?"Excited na tanong ko. I love watching lalo na kung siya yung kasama ko. First time namin manunuod ng movie na kami lang at sa ganito kabonggang theatre pa.
Naupo kami sa gitnang bahagi at sa mismong tapat ng screen.