Stars

11 3 0
                                    


Sabi ng isip ko, tanging mga bituin ang magiging kasama ko sa tuwing gusto kong mapag-isa.

Ang mag papagaan ng aking kalooban sa bawat mabibigat na hamon ng pang araw araw na pakikipag sapalaran.

Ang tanging magpapaligaya sakin sa tuwing ako'y nalulumbay.

Nabuo sa isipan ko, ang pagmamahal rin ay tulad ng mga bituin... bituin na aking nasusulyapan sa tuwing gabi'y sasapit.

~~~

Hindi ko namalayan ang oras at narito parin ako sa labas ng bahay namin. Narinig kong tinawag na ako para maghapunan pero hindi ako kumilos, nanatili at nakahiga parin habang nakatanaw sa kalangitan.

Tinaas ko ang isa kong kamay at itinapat sa isang bituin at nagkonekta ng ibang bituin para makabuo ng isang letra.

'K'

Unti-unti kong ibinaba ang kamay ko at napatingin sa gawi nang masulyapan ang isang pigurang nakahiga sa di kalayuan at animong nakataas rin ang kamay.

Bumangon ako at unti unting lumapit sa taong nakita kani kanina lang.

Habang palapit ay kita ko ang kamay nyang gumagalaw habang nakaturo sa itaas. Hinintay ko syang matapos at bumangon bago sya tawagin.

"Kuen"

Mukhang nagulat sya dahil halata sa reaksyon nya pero ilang sandali lang ay ngumiti sya, dahilan para mapangiti rin ako.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" pagtatanong nya

Ngumiti naman ulit ako at tinuro ang likuran nya, nakasulat doon ang pangalang Kuen at sa ibaba naman ay number 7.

Napa 'ahh' sya at ngumiti nanaman sabay pisil sa ilong ko.

"Ano nga palang ginagawa mo kani-kanina lang?" pagtatanong ko sakanya pero alam ko naman ang sagot.

"Ginagaya ka" sagot nya habang nakangiti parin.

Hindi ako nakapag salita sa narinig ko, akala ko ay sasabihin nya ang dahilan na mahilig rin sya sa bituin at bumuo ng kung ano ano gamit ang ang mga ito.

"Gabi ang pinaka espesyal para sakin dahil dito ko naramdamang bumilis ang tibok ng puso ko..." muli syang nagsalita habang nakatingin sa kalangitan at ilang sandali lang ay muling nagsalita at tumingin sakin.

"Para sayo" Kasabay non ang pagkislap ng kanyang mga mata habang direktang nakatingin sakin.

Tulad ng mga bituin sa kalangitan, ang kinang at kislap nito ay maihahalitulad sa kislap ng mga mata sa unang pagtatapat ng pag-ibig.

~~~

Lihim akong napangiti ng maalala muli ang nangyari makalipas ang nagdaang dalawang gabi.

Pagkatapos ng gabing yon, ang mga lumipas na mga gabi ay parehas na naming sabay pinapanood ang mga bituin tuwing sasapit ang gabi.

Sa tuwing sasapit ang kinaumagahan natural na sakin ang mapangiti sa alaalang sumasariwa sa aking isipan.

Napakasarap sa pakiramdam na may taong nagmamahal at pinaparamdam na hindi ka iiwan.

Sana hindi dumating sa puntong ang lahat ng ito ay magiging isang panaginip na lamang at aking babalik-balikan.

Ang pag-ibig pag nadarama'y hatid ay kasiyahan. Magaan at masarap sa pakiramdam, tulad ng mga bituin tuwing nasusulyapan sa kalangitan.

StarsWhere stories live. Discover now