PROLOGUE

42 12 0
                                    

DISCLAIMER: The names of people, places, and events are all fictional and similarities in the real world are just mere coincidences and not intended by the author.



T R A C E


My lips are already chapped from the cold air conditioning unit inside this stupid office. Hindi pa naman ako nakapag lagay ng lip balm dahil pinagmamadali na ako ni Manager.



Ampangit tukoy tignan. Nakakabawas ng pogi points at nagmumukha akong may hypothermia dahil sa bakbakin kong labi.

Ito ba ang bagong ibibigay sa akin na role? Mamamatay ang character ko kaya naman kailangan humarap akong pangit sa kanila? Matutuluyan talaga ako kung haharap akong pangit sa kanila 'no? Naisip ba nila 'yun?


Pasimple kong kinalabit ang manager ko na nasa aking tabi.




"Manager Phil, pahingi naman ng lip balm."


"Shh. Huwag ngayon, Trace. Mainit na ang ulo ni CEO." He whispered in a tensed tone.



True enough, The CEO, this balding man right in front scowled at us.





Did I do something?! Masama bang mag papogi!?




Maybe that's why maaga siyang napapanot dahil hindi niya inaalagaan ang sarili niya. Thank goodness I'm not like him. Ayoko maging katulad niya pag tand ako.



I'll make sure na I'll be like Ian Veneracion or Gabby Concepcion when I grow old.





Finally, he, the CEO took a deep breath and studied my face carefully.

"All your shows are flop!" Ito ang galit na galit na anunsyo niya sa amin. This time, napaayos ako ng upo mula sa armchair na inuupuan ko.

No. That is definitely not true. I scanned the room to look for some cameras.



This could be some stupid prank. It can't be real.


"Flop!?" Ulit ko to make sure tama ang dinig ko.

"Flop as in palpak. Nilangaw. Walang kita!"


I shook my head. I'm dreaming. Hindi ito totoo. Binabangungot ako. Those protein shakes might be at fault. Hindi totoo 'to.



"What do you mean flop!? Highest ang rating ng networks natin ah! Hindi ba 'yun dahil sa mga teleseryes ko!? And... and... the movie!? Love at first hate!? Hindi ba't dinarayo naman ang mall shows namin nun!?"

"Dinayo ang mall show pero nilangaw naman sa screenings." Ito ang mahinang bulong ni Manager Phil.


Naungusan daw ng historical film na kasabay ng screening namin. Then my teleserye. May mga nanonood raw pero 'pag lumalabas na ang mukha ko sa screen, they turn off the TV or change the channel. Ang mall shows ko, naroroon ang mga tao para sa female lead and supporting casts when in  fact ako ang bida dun. Nakakabastos, hindi ba?




Where the fuck are my Trace Angels then!? Asan na ang mga fans ko na nagkakandarapa kapag nariyan na ako?






These horrors were thrown at my precious handsome face, feeling ko kailangan kong dumiretso sa derma to make sure na gwapo pa rin ang mukha ko after this.




"Nagrereklamo na rin ang film crew sa mayabang at aroganteng ugali mo. GGSS ka raw masyado at late pa sa mga tapings. Akala mo ba hindi namin alam na ikaw ang nasa mga blind item sa talk shows!? Kahit sa mga soc-meds ay pinagpipyestahan ka para ibash!" Bugnot na pagdugtong pa ni CEO.

My mouth hangs wide open. How dare they talk behind my back.



"I'm not late. Everyone else is simply early! Saka anong GGSS eh gwapo naman talaga ako!? Even the mirror agrees, CEO!"



CEO James is clearly not impressed with my answer. Maging si Manager Phil ay napahilamos na lamang sa kanyang mukha sa inis at pagkapahiya. Kahit itanong niyo pa ang mga salamin. They'll say na pogi ako.

"Ok. Cut the cameras. Hindi na nakakatuwa itong prank na ito."

"We're not pulling of any pranks, Trace. Totoong laos ka na." Manager Phil sighed.


Oh my God. What can I do!? I cannot fall to the ground! Not now. I'm at my prime! I have to be the brightest star in Philippine Showbizness!

Paano ang mga advertisements ko!? Dadalawa na nga lang 'yun eh. Bibihira pa ipalabas sa TVs!

"Well... Why don't you give me another chance...?"



"NO."Galit na galit na bulyaw ni CEO kahit hindi pa ako tapos magsalita." Hindi ko na isusugal ang mga viewers ko sa iyong 'dry acting'! Tama na, Trace. Napapahiya na ako sa mga kaibigan ko!"



My acting is not dry! Natural-born actor lang talaga ako kaya hindi halatang umaarte na ako!

They will clearly not listen on my end so I did not dare say it anyway. Bumuga ng hangin si CEO at tinignan ako.




I don't like the way he's looking at me. It's full of fucking pity na parang isa akong basang sisiw na walang masilungan sa gitna ng bagyo. 

I have tried that acting before nung child star pa lang ako and it was fucking fantastic. Sabi nila may potensyal nga daw akong maging susunod na Zaijian Jaranilla dahil sa galing kong umiyak. Where's that potential now?




"I think you should take a break from showbiz, Trace. Hinihila mo lang din pababa ang ka-love team mo eh."

Oh, so they're more concerned about that spoiled brat nepo-baby Cheena compared to a true rising star like me!?

"I... I've been on a break. Kakauwi ko nga lang galing Bali eh. In fact dinalhan ko kayo ng-"








"I think you should just study and rest your career."






CEO said cutting me off.

I shook my head. No, I cannot do that. Ako ang pag asa ng network na ito.





"Why not a new genre? Let's say, hosting kaya? Or...or... isabak niyo ko sa horror? Action! Or comedy! All in one! I'll ask the screenwriters personally to write up—"




CEO sighed. When he shook his head I felt like my soul almost left my body.







Wala na ba talagang pag asa?




"There's no use, Trace. Just…Just face it. Laos ka na." He said in the most mournful voice I have ever heard.

Laos!? My visions blacked out.

The Fall Of The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon