Nadia pov....
Walang hiyang lalaki yun, mabuti nga at tinakasan sya nang bestfriend ko, akala mo kung sino eh ang pangit naman nya, akala nya siguro matatakot ako sa kanyang banta sa akin., pwes! Manigas ka at sana hindi nyo makita kung nasaan man si Jessie at sana mahanap na nya yung lalaki na mamahalin nya at mahal sya....
Habang abala sa kanyang ginagawa naisipan nyang itext si Jessie na mag doble ingat dahil hinahanap na sya ngayon nang mga tauhan nang kanyang Ama at tauhan nang hudas na lalaking yun., sa araw-araw na lang mula nang nangyaring pag tulong nya kay Jessie ay nararamdaman nyang parang laging may nag babantay sa kanya, pero hindi naman sya natatakot dahil wala naman syang ginawang masama, tinulungan nya lang naman na makatakas ang kaibigan nya dahil na din sa pakiusap nito....
Biglang may kumatok sa pintuan at agad na nagtungo sya dun...
Sino yan?! Sino yan sabi?! Ngunit walang sumasagot kaya naman binuksan nya ito para makita kung sino ang nasa labas., ngunit wala naman tao sa labas nang pintuan, tinanaw nya sa malayo pero wala talaga., pero napansin nyang may pap sa ibaba nang pintuan kaya naman kinuha nya ito at binasa....
"Hindi ka makakatakas sa akin kahit saan kapa magtago"
Kinabahan sya sa nabasa at agad na isinara ang pintuan., baliw na yun akala nya matatakot nya ako, kahit na anung gawin nyo hindi nyo makikita si Jessie...
Nag luto sya nang dinner nya nang maaga para makapag pahinga na sya dahil maaga pa syang papasok sa trabaho nya bukas, mag isa lamang sya sa inuupahan nyang apartment kaya naman para sa isang tao lang ang niluluto nya at kung minsan ay kumakain na lamang sya sa restaurant bago umuwi nang bahay....
Sinigang na hipon ang naipan nyang iluto dahil paborito nya ito., habang nag luluto ay pakanta-kanta pa sya....
Alas 7 na nang matapos syang makapag luto., naihanda na nya ang kakainin nya nang may mag doorbel, agad na pinuntahan nya at tingnan kong sino ang tao sa labas, pero wala na naman kaya naman naisipan nyang magsalita baka sakaling nagtatago lamang ito sa isang tabi....
Kung sino ka man na istorbo sa akin, pwede ba wag ako alam ko namang pangit ka kaya ka nang gugulo, isa kang halimaw na panot, sabay bagsak nang pintuan nya..., tawa sya nang tawa nang maisara nya ang pintuan, akala mo ah siguro naman titigil kana ....
Umakyat na sya sa kwarto nya at maliligo nang makapag pahinga na, pagkatapos nyang maligo at mapag bihis ay ugali na nang tumambay muna sa beranda para makapag pahangin saglit, nagtaka sya dahil may nakatira na pala sa katabing apartment nya., kahit paano pala may kapitbahay na sya., naupo muna sya at umiinum nang green tea pagkatapos ay pumasok na din sya para matulog na....
Kinabukasan ay nagmamadali syang lumabas dahil late na sya sa kanyang trabaho., pagbukas nya nang pintuan ay may nakita syang bulaklak hindi nya alam kung kanino galing yun pero kinuha nya ito at dinala sa loob nang bahay mamaya na nya ito babalikan pag galing sa trabaho....
Sumakay na agad sa kanyang kotse at nagmamadali na sya makaalis., dun na lamang sya mag aalmusal mamaya dahil nalate sya nang gising, pagkarating nya sa parking ay agad na bumaba dahil 5 minutes na lang ay malalate na sya, dali-dali syang pumasok at nag punch sa time machine nang kanyang id., sa kamamadali nya hindi nya napansin na maling elevator ang nasakyan nya, nasa loob na sya nang elevator nang mapansin nyang nag iisa lamang sya at parang kakaiba ata ang elevator ngayon, parang ang ganda at sosyal pero naisipan nyang pindutin ang floor kung saan sya baba ngunit nagulat sya dahil iisang numero lamang ang nakalagay dun at yun ang CEO OFFICE....
BINABASA MO ANG
Unintentionally Be My Wife...
RomanceNadia Samonte., mabait na kaibigan at tumulong kay Jessie upang makatakas sa lalaking ayaw nitong pakasalan, ngunit paano kung ang pagtulong nya sa kaibigan ay kapalit nito ang galit at poot sa lalaking mapapangasawa nang matalik na kaibigan... Jack...