Chapter 1

39 2 0
                                    

Muling Pagkikita

Diane's POV

Yehey!!! Summer na hindi na ako makapaghintay makasama ulit yung mga kaibigan ko. Alam nyo kung bakit? Eh kasi naman, tuwing summer lang umuuwi dito sa Pinas yung mga tropa ko so ayun video video chat nalang kame.

Pero hindi naman hadlang yung distance namin para masira pagkakaibigan namin. Ay nakalimutan ko nga pala ipakilala sarili ko. Ako pala si Diane Engana, tapos pakilala ko na ren ung mga tropa ko kawawa naman eh.

Kung bibilangin, pito kameng magtrotropa kasama na ako dun syempre. Una, si Denise Bacay siya yung pinakaclose ko samen. Medyo sabog din tong isang toh.

Pangalawa, si Rika Misumi 50/50 siya HAHAHAHA half Filipino half Japanese. Pangatlo, Si Chiolo Siastres siya yung baboy samin di kase magdiet HAHAHA joke baka magalit sakin yun. Pangapat, Si Denmark Tabigue inaasar namen siyang bulldog ewan ko ba trip lang namin.

Panglima, Xenon Gomez ay 50/50 din toh eh! Hindi kagaya nung kay rika pero half girl half boy siya HAHAHA inshort, baklaley. At ang last, si Johanna Benedicto Haysttttt ito yung pinakamayabang sa mayabang HAHAHAHA pero joke lang mabait naman siya medyo mahangin nga lang.

Ay sa wakas! Natapos na rin ako sa pagpapakilala sa mga kaibigan ko. Pero hindi na ako mapakali. Eh kase naman magkikita kita kami ngayon. Excited na talaga ako na makita sila.

Tsaka pinayagan na ako ng nanay kong malupet na tumira sa tirahan nilang anim kapag umuuwi sila dito si Pinas! Eh kase naman hello! 18 na kaya ako! Minsan nga naiingit ako sa kanila kasi nagagawa nila lahat ng gusto nila eh. Pero kuntento na ako sa kung anong pwede kong gawin kase lahat naman ng bagay may limitation.

Ay hindi ko pa pala nakukuwento sa inyo kung saan sila galeng at kung bakit hindi sila nakatira dito sa Pinas pero next time na medyo mahaba mahaba ang story telling naten teh!

So ayun papunta na ako, onteng hagod nalang ng suklay sa buhok at onteng lambing sa nanay kong malupet para payagan ako HAHAHA

Pagbaba ko galing sa kwarto ko at magpapaalam lang muna SANA pero di ko na agad nagawa. Nandito silang anim! Sa sobrang saya ko, tumalon-talon ako pababa at niyakap sila isa-isa!

"Aray ko naman Day!" Sabi ni Rika nang lumambitin ako sa katawan nya. (Day is my nickname)

"Sorry, namiss ko lang talaga kase kayo" sabi ko habang nakangiti abot langit!

"Ikaw talaga Diane, sige maupo muna kayo at kukuha ako ng meryenda nyo" sabi ng nanay kong malupet at dumiretso sa kusina.

"Namiss ko kayong lahat!" Sabay yakap ulit sa kanilang lahat.

"Anu ka ba Day nambubuso ka nalang yata eh" sabi ni chiolo at bigla silang natawa

Hayst nakakainis kaya ayoko dumikit dito kay chiolo eh lakas mangasar. Pikon pa naman ako.

Pinaupo ko muna sila at binuksan ang TV pero syempre props lang yun nagkwentuhan lang talaga kami.
Tinanong ko sila isa isa na para bang nagaapply sila ng trabaho saken HAHAHA

Nung dumating yung nanay kong malupit ayun chibugan time muna galit galit muna kame. Habang kumakain, bigla nalang ako nasamid ano ba toh penge tubig!

Inabutan ako ni Xenon ng tubig kaya medyo okay na ako pero bigla nalang ako nautot. PROOOOOOOOTTTTT!

"EWWWWW day ano bha yan mag banyo ka na nga!" Sabi ni johanna habang may laman sa bibig nya. Dont talk nga daw when your mouth is full eh.

Tumakbo ako sa cr at doon naglabas ng sama ng loob. Pero hindi pa ako nakakalabas ng cr nang narinig ko na may suprise sila saken. Kaya ayun tuwang tuwa si ako lumabas agad ako ng cr ni hindi ko nga alam kung naflash ko ba yung nilabas ko.

"Ano ung suprise nyo saken?!" Sabi ko habang lumalabas sa CR

"Sabi ko sa inyo maririnig nya eh" sabi ni DM (Denmark)

"Ano nga kase?" Excited na kase akong malaman

"Nagdecide kami na dito na kame titira sa Pinas" sabi ni Denise habang nakatingin saken.

"Talaga?!" Sabi ko habang pumapalakpak na parang baliw. SOBRANG SAYA KOOOOOO!!! pwede na nga akong mamatay ngayon eh pero wag muna gusto ko pa sila makasama.

"Nakapagpaalam ka na ba kay tita na dun ka na titira kasama namen?" Sabi ni xenon habang nagsasalin ng inumin.

"Oo ang kulit nga nyan eh ayaw ako tigilan tsaka pinayagan ko na rin nasa tamang edad naman na sya" pagsingit ni mama na biglang nagpangiti sakin at bigla siyang niyakap.

"Oh bakit?" Hatalang nagtataka kung bakit ko siya niyakap.

"Salamat po kasi pinayagan nyo na ako" habang kunware umiiyak.

"Ano ka ba! Kay papa mo ikaw magpasalamat kinumbinsi nya ako" sabi nya na ikinalungkot ko.

"Kung ganon pala edi hindi nalang ako titira doon kung siya lang pala ang dahilan" sabi ko habang humihiwalay sa yakap

"Ano ka ba diane hindi ka pa ba nakakapagmove on?" Biglang sabi ni Rika pero hindi ko siya pinansin

"Pinapayagan naman na kita okay lang saken kung doon ka tumira kahit hindi ako kumbinsihin ng papa mo" sabi ni mama

"Sige akyat muna ako" sabi ko habang naglalakad papunta sa kwarto ko

"Ang tagal na non hindi mo pa ba nakakalimutan?" Biglang sabi ni Denmark na ikinagalit ko.

"Wala kase kayo sa kalagayan ko kaya hindi nyo ako naiintindihan!" Sabi ko habang tumatakbo paakyat at nagpipigil ng luha.

Hay excited pa naman ako kanina na makasama sila pero ngayon parang gusto ko muna mapagisa.

Humiga ako sa kama ko at ipinikit ang mata ko at mahimbing na natulog.

Seven TeensWhere stories live. Discover now