Introduction

1.9K 37 6
                                    

Copyright © matthew_14, 2014. 

All rights reserved.

Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakaranas ng maangas at pinaka-astig na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko akalain na matutulad ang buhay ko sa isang laro kung saan ay matagal ko ng pinapangarap. Dito lang ako nakahawak ng mga maangas na armas, makipaglaban sa pisikalan at pumatay ng mga patay na tao. 

Dito ‘rin nagbago ang katawan ko, kung dati ay patpatin; ngayon ay makisig at malakas na ako. Hindi ko nga alam kung paano nangyari ‘yun, pero alam ko sa sarili ko na malaking pakinabang ang pagbabago ng katawan ko pati na ang buhay ko.

Sa simula ng pagbabago ng takbo ng pamumuhay ko, may nakasama akong anim na tao kung saan para sa akin ay sila ang pinaka-maangas na grupo. 

Pero hindi nagtagal ay nalagasan agad kami ng tatlo, sumunod ang isa pero agad ‘tong napalitan ng isa pang taong napaka-lapit sa buhay ko. 

Ang kapatid ko.

Nakasama ko siya ng matagal, hanggang sa dumami kami at unti-unting nalalagasan. Sa kabila ng mga ‘yun ay positibo parin kami na matatakasan namin ang laro nang buhay namin. Pero may humahadlang, at huli na nang malaman namin ‘yun.

Nakipag-laban ako hanggang patayan, pero nabigo akong iligtas ang pamilya ko. Namatay sila kuya at kami nila Angel ang natira.

Akala ko noong nakarating na kami sa Safe Zone, ligtas na kami. Maayos na ang magiging pamumuhay namin. Unti-unti na ‘rin namin naiintindihan ang mga nangyayari sa paligid, magulo at walang buhay. 

Pero dumating ang isang pagsubok na magpapa-bago lalo sa buhay naming tatlo. Nakaligtas sila Angel at nauna sa Sotiria, pero kami ni Mark, naiwan dito sa Safe Zone at hindi namin alam kung makakaya pa namin lagpasan ‘to.

Kung dati, halos mamatay na kami para lang marating ‘tong lugar na ‘to.

Ngayon, mananatili pa ba kaming buhay? Kung sa paligid namin ay nagkalat ang pwedeng tumapos sa buhay namin?

Sana. 

Kung hindi, GAME OVER.

Stay Alive [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon