" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEECHAPTER TEN - HE'S DRUNKED FOR THE FIRST TIME
Life is all about going through upward and all in to pursue our dreams. Don’t let any kinds of obstacle and failure pin you down or push you against your success of life. Fight hard the battle of life and take the challenges with courage, determination and perseverance. Just keep moving forward with hope and this day is not so far when life will put the crown on you head as a successful human being.
Sa ating buhay madalas tayong nadadapa, madalas pagsubok ang ating kaharap. Pero ang mga pagsubok ay nararapat lamang na ating harapin dahil ang mga problema ay ingredient na ng buhay. Kagaya ni Lewis, hindi rin naging madali ang umusad sa unang pagkabigo niya sa pag-ibig kahit pa sabihing namatay ang unang babaing minahal niya. Pero sa tulong ng mga nalapalibot sa kanya ay unti-unti na rin itong nakabangon.
Isang hapon, naisipan ng mag-asawang BC at Joy na bisitahin ang abuela kahit pa sabihing halos araw-araw silang nasa malaking bahay.
"Kumusta ka na grandma? Aba'y sa awa ng Diyos kahit nagkakaedad ka na eh puro itim pa ang mga buhok mo." Bati at birong totoo ni Joy sa abuela, totoo naman kasing itim ang mga buhok nito pero dahil daily nila itong kinukulayan o mas tamang sabihin na ang bunso nitong apo ang gumagawa. Busy man ito sa pag-aaral pero hindi pumalya pag-aalaga sa abuela. Hindi hadlang ang pagiging lalaki nito para hindi kulayan ang buhok ng matandang Calvin. He is sweet and caring apo.
"Siyempre naman apo ko sa akin ka nagmana kaya maganda ka hanggang ngayon." Pabiro ding sagot ng matanda.
"Kahit pa palaka iyang apo n'yo grandma mahal na mahal ko pa rin iyan. Mano po grandma." Aba'y binola muna ang matanda bago nagmano!
"Kaawan kayo ng Diyos mga apo ko." Tugon ng matanda na hindi maikakaila ang tuwa sa mukha.
At dahil nasa garden sila ay mas minabuti nilang pumasok. Inalalayan nilang mag-asawa ang matanda dahil sa edad nito'y mahina na rin kahit pa sabihing nakakalabas o nakakakilos pa ng maayos o ng sarili.
"Oh nandito pala kayo ate, kuya . Kumusta po?" Salubong na tanong ni Lewis ng makita ang mga bagong dating.
"Yup bunso nami-miss namin kayo ni grandma kaya nandito na naman kami." Animo'y teenager na nagniningning ang mga mata na sagot ni Joy.
"Naku ate baka nami-miss mo ang mga collection mo sa taas hindi kami ni grandma? Kuya baka hindi mo nabilhan si ate." Pabiro ding sagot ni Lewis kaya naman napatawa ang bayaw na pinsan.
"Ikaw bunso ha marunong ka na rin, by the way saan ang lakad mo mukhang nakapanlakad ka?" Nakailing na sagot ni Joy.
Knowing of Lewis, metikuloso pagdating sa pananamit. Strikto pa ito sa pamamalansa. Pero bago pa ito nakasagot ay ang kanilang abuela na ang sumagot.
"Hayaan n'yo na siya mga apo, total nandito naman kayo I'm sure mamaya-maya darating din ang mga magulang mo Joy apo ko. Let him enjoy his adolescence, lagi na lamang siyang nakabantay sa akin. Lalo na ngayon malapit na silang magtapos sa kolehiyo ni Aries and I'm sure naman sabak na ulit sila sa trabaho." Sabad nito bago bumaling sa bunsong apo.
"Go ahead apo ko huwag kang mag-alala dahil nandito naman ang ate Joy at kuya BC mo. Daanan mo na lang si Aries para may kasama ka. Take care on your driving apo." Nakangiting bilin nito sa apo.
Gano'n ito kasuportive sa mga apo lalo na ang bunso na simula pagkabata ay hindi nawalay sa piling nito. Nangangapit-bahay ito sa mga ninuno sa namayapang ina pero umuuwi ito dahilan ay siya na lamang ang kasama sa bahay bagay na nauunawaan naman ng pamilya Harden. Ang pamilya ni Rhayne at si Lewis na lamang ang kasa-kasama nito sa buhay kaya hinahayaan lang nila ang mga ito.
BINABASA MO ANG
ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)
General FictionGENERAL FICTION: ANG NAGWAWAGI AY HINDI UMAAYAW, AT ANG UMAAYAW AY HINDI NAGWAWAGI. AT HIGIT SA LAHAT HINDI LAHAT MG UMAATRAS AY TALO. MINSAN KAILANGANG GAWIN DAHIL IYUN ANG NARARAPAT.