Chapter 14

69 4 0
                                    

Cristine  Dela Vega


Tiningnan ko ang orasan at saktong 2:30 na ng hapon, kalahating minuto na lamang at uwian na rin nila Irish, medyo malayo-layo rin ang school na pinapasukan niya sa subdivision na ito , kaya't kinakailangan rin na maaga ko siya masundo ngayong araw, at ayaw ko rin naman na pagalitan ako ni william dahil pinaghintay ko ng matagal ang anak namin.


Highschool ang tinuturuan ni william samantalang si Irish ay nakabuod ng school na pinapasukan, kaya pinili na lang din niya na susunduin na lamang si Irish sa hapon dahil madadaanan rin naman niya ang school nito.



Aalis na sana ako at akmang isasarado ko na ang gate nang may humintong sasakyan sa tapat ko, tiningnan ko kung sino ang tao sa loob ng sasakyan ngunit hindi ko makita ang nasa loob nito..




"Long time no see.."

Nandito na naman siya, at natatakot ako sa maari niyang gawin .

" Kahapon lang tayo nagkita, so please kung ano mang kalokohan ito migz tantanan mo na, wala dito ang kapatid mo kaya maari ka ng umalis"

madiing pagkakasabi ko rito, tumalikod akong muli para sana isara na ng tuluyan ang gate, pero  muli akong humarap ng maramdaman ko siya sa likod ko, maagap niyang ipinatong ang magkabila kong kamay katapat ng ulo ko at halos maglapat na ang mga labi namin sa sobrang lapit ng kanyang mukha.





"Ayaw mo ba non?? Masosolo na natin tong bahay... Remember what I've told you yesterday,"SOMETHING FUN" , this could be the right time to do that. What do you think?"



He's drunk I guess, naamoy ko ang alak sa bibig niya at base na rin sa namumula niyang mga mata.

" Migz, you're drunk mabuti pa umuwi ka na lang, dahil susunduin ko pa ang an--"


He kissed me unexpectedly,kaya't  hindi ko rin natuloy ang sasabihim ko, saglit lamang ang paghalik niya na iyon pero ng mabalik ako sa ulirat ay binigyan ko siya ng magkabilang sampal , at kita kong namula lalo ang pisngi niya dahil sa lakas nito.



"UMALIS KA NA!!"


sigaw ko rito para na rin matauhan siya.

"No! Hindi ako aalis, ngayon pa wala ang kapatid ko! ...Let's go.."


Muli niya akong hinawakan at hinila papasok ng bahay. At nang makapasok na kami ng tuluyan ay buong lakas niya akong  inihagis sa malaking sopa.


No. Ayaw ko ng mangyari pa ang lahat ng nanagyari noon. Hindi na ako papayag. Kaya ng makita kong naghuhubad na siya ng pangibaba niya ay sinamantala ko na ang pagkakataong iyon para sana makatakas, pero nang malapit na ako sa pintuan ay hinablot niyang muli ang buhok.





Hindi ko na nagawang makapalag pa dahil nang ibalik niya ako sa sopa ay tinadyakan niya ang likod  ko. Wala na akong maisip sa mga oras na ito kundi si irish at si william. Sana dumating na rin siya, huwag sanang hayaan ng diyos na babuyin ako ni migz.

Her Greatest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon