William Dela Vega
Tapos na ang klase at ipinatawag na rin kaming lahat sa gaganaping meeting, bitbit ko ang cellphone ko, pero aksidente itong nalaglag ng mabangga ng tumatakbong estudyante sa corridor na dinadaanan ko, paharap itong bumagsak at nagkaroon ng kaunting crack ang screen ng cellphone , hindi nagtagal ay biglang may unknown number na nagflash sa screen nito, nagaalangan man ay may kung anong nagtulak sa'kin para sagutin ang kung sino mang tumatawag na iyon.
Pero mabuti na lamang at nata-touch pa rin ito. Malapit na ako sa office ngunit hindi na muna ako pumasok upang makausap ang taong nasa kabilang linya.
"Hello??"
" Mr. Dela Vega, this is SPO2 Valdez, nagkaroon po ng aksidente sa labas mismo ng paaralan ng inyong anak na si Irish, sinubukan po namin dalhin siya sa hospital, pero hindi na rin po kinaya ng anak niyo, pagkarating namin. Mabuti pong pumunta na lamang kayo sa hospital na pinagdalhan sa kanya.."
Pagkatapos kong marinig ang sinabi ng pulis na iyon ay tila napunta lahat ng dugo ko sa katawan patungo sa ulo ko, tiningan ko ang cellphone ko bigla kong naalala si Cristine.
Pinatay ko na ang tawag at hindi na pinakinggan pa ang address ng hospital na binabanggit nito, sa halip ay tiningnan ko ang cellphone ko na ang nasa wallpaper ay si Irish. Iyon ay ang unang ngiti niya, her first month at sa lahat ng larawang mayroon siya ay iyon ang pinakagusto ko.
Hindi na ako tumuloy pa sa meeting na iyon, at nang makasalubong ko ang isa sa mga head teachers ng paaralan ay nagpaalam ako, at sinabi ang tunay na dahilan. Sa halip na dumiretso sa hospital ay nagmaneho ako pauwi sa bahay.
At sa ilang minutong pagmamaneho pauwi ay walang akong ginawa kundi ang magmura at umiyak sa loob ng sasakyan. Nasaan si Cristine??
Tangina.
Pinahid ko ang mga butil ng luha na rumaragasa sa aking mata, at nagmamadaling lumabas ng sasakyan, dumoble ang galit na ngayon ay nararamdaman ko ng mapagtanto kung kaninong kotse ang nasa tapat mismo ng pamamahay ko, kay kuya miguel.
Bukas ang gate gayundin ang pinto ng bahay, at naririnig ko rin ang boses ni migz, hindi na ako nagatubili pang pumasok at hindi kagaya sa video na noon ay napanood ko. Ngayon ay para na akong nanonood ng isang totoong eksena.
" Walang hiya kayo!!!"
Inalis ko ang nakapatong na si migz mula kay Cristine , walang ng saplot ang pangibaba niya at nakataas na rin ang suot niyang damit. Umiiyak si Cristine na humarap sa'kin, aba't may gana pa siyang magpaawa. Hindi ko siya pinansin at dinaluhan ko ang kapatid ko, hinila ko siya palabas ng bahay at matapos iyon ay sinikmuraan ko siya ng husto.
"Baliw ka na !!! Sa susunod na tumapak ka ulit dito, PAPATAYIN na talaga kita, kayong dalawa ng asawa ko. "
hindi ako nakuntento ng makita ko siyang namimilipit sa kalsada at pinagsisipa ko ulit ang gago kong kapatid.
" Sino ka para sundin ko, kapatid lang kita at sa tingin mo gagawin ko iyon? Hindi ! Hindi ako titigil sa pagsira sa'yo at pag-agaw sa asawa mo! Fuck you! Makakaganti rin ako. "
nakatayo na siya, at inayos pa ang pantalong suot bago tuluyang umalis. Pagkalis na pagkaalis niya ay pumasok din ako agad, pero bago iyon ay sinigurado kong nakasarado ng maigi ang labas ng bahay. At sa pagkakataong iyon ay si cristine naman ang nahagilap ng mata ko.
…Medyo maayos na ang damit niya ngunit ganun parin ang intensidad ng kanyang pag-iyak. Sa halip na maawa ay lalo lang tumindi ang galit ko sa kanya, wala na si Irish at dahil iyon Kay Cristine.
"Isa ka pa! Ang landi-landi mo... !! Ano nagSEX na naman ba kayo ha?! SAGUTIN MO KO!!"
Hinila ko siya sa loob ng bahay, sa mismong kuwarto naming dalawa at mahigpit na hinawakan ang pisngi niya,, Pero nagdilim ang paningin ko ng lumapit siya sa'kin at yakapin ako.
"MALANDI KA!!"
Tinulak ko siya palayo, at hindi pa man din nakakabawi sa ginawa kong pagtulak ay hinila ko naman ang buhok niya ,upang kaladkarin patungo sa banyo.
"H-hindi ko alam na pupunta rito si migz, pinilit kong tumakas sa kanya , pero naabutan niya rin ak-- AH!!"
Sa sobrang pangigigil ko ay binitiwan ko na ang buhok niya at sinubsob ito sa bath tub, na walang laman na tubig.
"HINDI KA BA NAPAPAGOD NA MAGDAHILAN SA'KIN, HA!?!... ALAM MO TAMA LANG TALAGA NA IPINALAGLAG KO YANG ANAK NIYO NI MIGZ." ...
sinabunutan ko siyang muli at pilit na iniharap ang kanyang mukha.
"PATAY NA SI IRISH! AT NAWALA SIYA NG DAHIL DIYAN SA KALANDIAN MO!"
At gaya niya ay hindi ko na rin napigilang mapaiyak, hindi dahil sa nasaksihan ko kanina lang kundi dahil sa katotohanang wala na ang anak ko.
"N-no... Hindi iyan totoo.."
Lalo yata siyang napahagulgol dahil sa rebelasiyon na sinabi ko.
"You killed her!! And it was all your fault!!.. Mabuti pang mamatay ka na..."
Binuksan ko ang gripo ng bathtub at pinuno ito ng tubig. Nilublob ko rito si cristine ng ilang beses, at lumabas ako saglit, upang kuhanin ang knuckles sa loob ng bedside table ko.
"Get up!"..
Hindi pa rin siya tumatayo ng sabihin ko ito...
" I.SAID.GET.UP!! FUCK.. BINGI KA BA?"
ako na mismo ang nagtayo sa kanya dahil lupaypay na rin ang kanyang katawan para tumayo pa..
I punched her using my knuckles, at hindi lamang tiyan niya ang napuruhan kundi pati na rin ang maganda niyang mukha.
Minutes had pass at halos wala ng malay si Cristine , may mga patak na rin ng dugong nagkalat sa sahig, pero hindi ko na lamang iyon pinansin. Palabas na sana ako ng banyo, at para puntahan ang hospital na sinasabing pinagdalhan kay Irish. Ngunit may mga kamay na pumigil sa akin bago ako humakbang palabas,..
"Don't leave me here..."
I choose to ignore her plea, and left her on that state. I locked the room before I leave, and I don't care anymore if she'll die inside or not. I am about to give her the freedom she was deprived 3 years ago. Palalayain ko na sana siya sa relasiyong ito, sa kasal namin kaya ko siya gustong kausapin, nakahanda na ang annulment papers na dapat sana'y noon ko pa ibibigay. Pero binigyan niya muli ako ng rason para kamuhian ko siya ng sobra-sobra. At wala na ring dahilan pa para patawarin ko siya at ibigay ang kalayaang iyon.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Nightmare
RomantizmIt's a story of undying love and the sufferings brought by love itself.