Chapter Sixteen

64 5 1
                                    

Pagmulat ng mata ko feeling ko hindi naman ako nikidnap kasi nasa sarili ko akong kwarto sa mansyon

So pinakidnap ako ng mommy ko tsss...

"Welcome home anak!" lumapit sakin si mommy at napaurong ako. She is really evil. Pag ako talaga nabwisit ipapalunok ko sa kanya yung stuffed toy na si hellokitty

Di ba sinabi ko dati na my parents are not here in the Philippines well one week bago lang naman magbirthday si lola athuluhin ang buhay ko mula nang bumalik sila.Di naman talaga ako close sa kanila e lalo na kay mommy.

"Akala ko ba clinche na yung mga ginawa ng nanay ni Dao sa meteor garden eto ginagaya mo naman sya kinukulong mo din ako?! Wow mommy wag na po kasi kayong manonood ng meteor garden ang sama po ng epekto sa inyo!" sarkastiko kong sabi

"It is for your own good! Makakaalis ka din naman kung pipirmahan mo to e!" inilapag nya yung envelope sa office desk ko tsaka lumabas na sya

Binuksan ko yung envelope. Marriage certificate? The eff.. Nakaregister to sa isang bansa kung san pwedeng magpakasal kahit menor de edad. Leshe mga desperado talaga

Feeling naman nila mapapayag nila ko. Di ko na pinunit yung papel kasi alam kong may kopya pa sila. Mahihirapan lang ako tssss...

Nagbukas ulit yung pinto at pumasok naman si kuya Erciel

"Bunso!"

"Kuya itakas mo naman ako dito oh! ayoko dito!" pakiusap ko sa kanya

"Alam mo naman pag tinulungan kita ako ang mapagbabalingan ni mommy! Alam mong pag inimbestigihan nya ko madami akong sabit at lahat nang yun papakealamanan nya"

"Ano pa nga bang aasahan ko sayo e lahat naman kayo sunud sunuran dyan urgh!" pairap na sabi ko. Nakakainis naman kasi talaga sipang lahat e. Silang lahat sunud sunuran sa babaeng yun. Hindi ko naman sya tinurin na nanay e pano ko sya ituturin na nanay e tingin nya saming lahat e puppet nya?! >_<

"Ganto na lang I'll let you lend my phone and call Rain alam ko gagawa sya ng paraan at tutulungan ko kayong makatakas!"

Nawala lahat yung tampo ko kay kuya at niyakap ko sya

"Thank you kuya the best ka talaga di katulad ni kuya Saf may sariling mundo, isa syang bato!"

"Kaw pa di kita matitiis!"

Kinuha ko na yung phone nya at dinial yung number ni Rain pero nilagyan pala ng signal jammer ang kwarto ko. I am really doom urgh!

'''''''

Kinabukasan dumating si Francis sa bahay at pumunta sya sa kwarto ko at langya ayaw pa din nila kong palabasin

"Reena hindi ko alam na gagawin nila to!' sabi nya.

"Ayos lang! Asa naman syang mapapayag nya ko! Over my dead sexy body anerr!"

"Nakuha mo pang magbiro sa lagay mong yan! Ayoko sanang sabihin to Reena e pero nakita ko kaninang umaga sa school si Rain at Grace magkasama e!"

Para akong pinagbagsakan ng lupa at impyerno so ngayong nakulong ako dito hindi man lang nya napagabalahang hanapin ako tapos magkasama pa sila ng bruhang yun

Naluluha na ko urgh!

"Reena sorry dapat pala di ko na sinabi!"

Pinahidan ko na lang yung luha ko

"Malay mo naman may dahilan kaya sila magkasama! Hindi naman siguro ako ipagpapalit ni Rain sa ex nya, sa ganda kong to" pagpapanggap ko

"Sasabihin ko na lang kay Rain ang nangyari sayo, okay?" tumango ako at ngumiti sa kanya

Rain, miss na miss na kita. Bigla namang umulan lalo ko tuloy syang namiss dahil kapangalan nya ang ulan

Pagkaalis ni Francis nagsimula na kong umiyak tapos sinusuntok suntok ko na si Bobob :'(

Namimiss ko na si Rain! Hinahanap ba nya ko?

"Reanne alam kong nandyan ka ilabas nyo si Reanne ilabas nyo ang babe ko please please!" halos mabasag ang dibdib kong flat nang makita ko si Rain nasa may gate namin at nagwawala "Ilabas nyo ang babe ko ilabas nyo please!'

Hindi ko man lang sya magawang sagutin pabalik. Minsan may mga desisyon ka na talagang pagsisihan mo. Ay letse bakit ba kasi pinasound proof ko ang kwarto ko kaya kahit sumigaw ako dito di nila ko maririnig

Maya maya lumabas yung mga guards namin. Fine! Kami na ang mayaman ang dami naming security guard at pinagsisihan ko din yun. Dahil nga marami kaming sekyu eto di kami makatakas.

Leshe the perks of being a rich kid

...

"Reena!" napatingin ako sa likod ko. Tatlo lang naman ang natawag sakin sa pangalang ganun. Si Francis si mommy atsaka si kuya SAF . Base na din sa tigas ng boses si kuya Saf to

"Wow himala nagsalita ang bato!"

"Alam mo patigilin mo na yang si Rain kung talagang mahal mo sya lulubayan mo sya!Alam mo naman kung gano kasama si mommy kaya nyang patayin si Rain, Reena!"

"Magpapakamatay muna ko bago nya yan gawin!"

"Magpapakamatay ka? Tingin mo kaya mo yung gawin? Takot ka sa dugo Reena kaya nga hindi ka nagmed school e kaya Reena please lang sabihan mo si Rain na tigilan ka na!"

"Kuya patawa ka din ano? Kita mong di ako makatawag kasi may signal jammer dito and di ko sya makausap kasi sound proof ang kwarto ko ay leshe sabihin mo kung pano ko sya kakausapin!"

"Mayaman tayo kaya may phone na di kaya ng signal jammer ibibili kita! Sumunod ka na lang kay mommy kesa mahirapan ka may divorce din naman pag wala ka na sa suporta ni mommy"

Rain patitigilin na nga bang talaga kita? Tama naman si kuya kesa mapahamak ka papakawalan na lang kita.

May divorce someday pero mahal mo pa kaya ako nun?

"No kuya! Alam kong hindi mapapatay ni mommy si Rain and ayokong isaalang alang yung pagmamahal ko sa kanya! Hindi ako susunod kay mommy no way!" matigas kong sabi na nakacross arm pa. O sige ako nang brat saming magkakapatid "hihingi ako nang tulong kay grandma urgh!"

"Sige humingi ka nga ng tulong sa kanya? E miski sya busy sa pagsusumba!"

"You're mean kuya!" binato ko sya sa pagmumukha nya ng stuffed toy ko namang spongebob. Umalis na si kuya at kinuha ko si spongebob "Urgh! Bobob kawawa ka naman! bato nga pala si kuya nasaktan ka pa!" tapos hinug ko si spongebob. Mababaliw na yata ako

Lumuluhang tinitigan ko lang si Rain na umalis ng bahay namin. Magkapakamatay na nga lang talaga kaya ako. Baka sakali namang maawa sila sakin at pakawalan ako. Nakatulog na lang din ako sa kakaiyak nun :( Tsaka pano ako magpapakamatay e wala namang matulis na bagay sa kwarto ko

LOVE FROM LIE (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon