GAME OVER
By: Ms. MARS
PSST.... MY SHORT STORY ENJOY...
SANA MAGUSTUHAN NIO!!
GOD BLESS!!!!
Ano ba ang ibig sabihin ng " KAIBIGAN"? Lahat ba ay may karapatang magkaroon ng KAIBIGAN? Gaano kahalaga sa bawat isa ang pagkakaroon ng KAIBIGAN? Ako si DIANNEat ito ang aking kwento....
"BEST" yan ang tawagan naming tatlo. Si DAN, si JOAN at siyempre ako..hehe
Mula pagkabata ay magkakaibigan na kami. Iisa ang paaralang pinapasukan namin mula elementarya hanggang kolehiyo. Nursing ang coarse ni Joan,ganun din si Dan, habang ako ay education. Samantala hindi lang basta kaibigan ang tingin ko kay Dan. Higit pa sa kaibigan, mahal ko siya at wala akong ibang pinangarap kundi mahalin din niya. Lahat ng pabor ay binibigay ko sa kanya. Taga gawa ng project, at ng kung ano-ano pa. Minsan nagseselos na si Joan dahil sa pakitungo k okay Dan. Isang araw habang tinitulungan ko si Dan sa pagreresearch, lumapit siya sa akin at may inabot na papel. Sa amoy pa lang ng papel ay alam kong may ibig sabihin siya. Bubuklatin ko na sana nung sinabi niya sa akin na " Dianne please naman pakibigay niyan kay joan" napatulala ako bago pa nakabawi ay humalakhak ako " owss!!may gusto ka kay joan ano?" napatungo siya at namumula pa ha " oo ehh...ilakad mo naman ako oh..please?" paiyak na ko at sabi ko na lang "oo ba!ikaw pa,--- eh malakas ka sakin eh!!!--sobra". Matapos ang pag-uusap na yon ay nawala ang aking pag asa na baling araw eh mamahalin din niya. Alam ko at nararamdaman ko na gusto din siya ni joan. Kinabukasan.... Dinala ko ang bulaklak na pinanabigay ni dank ay joan. Halos araw-araw may padala bukod pa ang tsokolate at samu't saring cards. Kadiri nga eh, hindi sila bagay dahil kami ang bagay hahaha!!!! Hayyy pangarap na nga lang ba? Matapos ang ilang buwan na panunuyo ni dan kay joan. Heto na... halos tumalon ang puso ko hindi dahil sa tuwa. Kundi dahil halos gusto ng kumawala ng puso ko sa akin sa sobrang sakit tanggapin na mahal nila ang isa't-isa. At ngayon ay sila na. Grabe ahh di ako makatulog sa kakaisip kung bakit si joan pa at hindi ako?
Makalipas ang ilang buwan, nagpapalam sa akin si joan. Meron daw siyang OJT sa manila. Anim na buwan daw siya doon. Ibinilin niya sa akin si dan,babantayan ko daw palagi at aalagaan habang wala siya. Siyempre pabor sa akin yon hahah. Naisip ko lang baka pagbalik niya eh ako na ang minamahal. Hayyyy ang sama ko nohhh??? di naman masyado. Aang saya-saya ng buhay ko ngayon. Makalipas ang ilang lingo, madalas kaming magkasama ni dan. Kain sa labas, pasyal sa mall at habang nagrereview kami may binigay ulit siyang sulat " oh dan anu ka ba naman!! Girlfriend mo na nga si joan di mo pa mabigay sa kanya ito ng personal" pagtingin ko sa papel, ang nakalagay " DIANNE". Napasigaw ako " ahhh talaga para sa akin ito?" tumango lang siya. Pagkabasa ko --- I love you Dianne, I'm sorry hindi ko sinasadya na mahulog sayo--- . napaiyak ako.
Niyakap ko siya " dan ang tagal kong hinintay ito, napakatagal!! Noon pa man mahal na mahal na kita". Sa oras na iyon ay nagkaroon kami ng relasyon kahit alam kong sila pa din ni joan. Walang lugar sa puso ko ang marara,daman ni joan sakaling malaman niya ito. Ang alam ko lang mahal na mahal ko si dan. Lagi kaming magkasama hayyyyyy ang saya talaga. Madalas din akong tawagan ni joan pero hindi ko yun sinasagot. Basta ayokong makausap siya baka kase makonsensya ako eh. Isang gabi.. hindi ko sinasadyang masagot ang tawag ni joan. Ang narinig ko ay ang paghagulhol niya " Dianne?????may iba ba si dan? Nararamdaman ko may iba siya!!!" "joan tahan na...walang iba si dan ok" binaba na niya ang telepono. Maya maya pa ay tumawag si dan " hello Dianne?" "oh dan bakit?" "kita tayo bukas sa park ha, 7pm love you" "ok i---tot to tot tot" naputol na ang pag uusap namin. Nung mga oras na yon ay tinamaan ako sa paghagulhol ni joan, nakaramdam ako ng awa sa kaibigan ko. Mahal ko si dan ngunit mahal ko din si joan. Nung una ay wala akong ibang inisip kundi sarili ko. Kahit alam kong mali ay pinagpatuloy ko pa din. Siguro panahon na para isipin ko ang pinagsamahan naming tatlo. Tama, bukas na bukas ay tatapusin ko ang lahat sa amin ni dan.
Sa park... naglalakad ako palapit kay dan. Kasabay ang kaba at takot sa aking dibdib ng makita ko na kasama niya si joan. Hinalikan niya ito sa pisngi at unti-unting dinudurog ang puso ko. "dan?joan" best????" lumingon sila sa akin at nagsalita si joan " oh! oh! Dianne? Andyan ka na pala.. kanina ka pa naming hinhintay ng B-O-Y-F-R-I-E-N-D ko" " jo----?" "oopss..wag ka ng umimik,sorry ha!laro lang naman ang lahat ng nangyari sa inyo ni dan, beside test lang yun kaya lang talo ka..i'm sorry but its GAME OVER!!!!!"
Halos matunaw ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko lahat. Halos ngimay na ang buong katawan ko sa sobrang sakit. Sana uso ang second chance. Nang sag anon makabawi ako.
SANA NAGUSTUHAN NIO!!!!!!!!!!
YOU ARE READING
GAME OVER
Teen FictionI hate my Parents!! Why can't the love me!!! I just want somebody who loves me!! Please read!!! Comment and follow!! ✌✌✌✌👇👇