CHAPTER 1: The Meeting
"Anak, gising na. First day of school baka malate ka pa!."
Boses nanaman ni Mommy ang ingay talaga! Pero okay lang, first day naman 'e, bawal bad mood!
Hayy, maganda kaya sa bago kong school? Hmmm, 4th year na ako sa papasukan kong school,sana katulad din sa dati kong pinapasukan.
"Mau! Andyan na 'yung school bus." Wika ni mommy. "Andyan na po!"
Maganda din pala dito no? Buti at maaga akong pumasok at makakapag libot pa ko sa buong campus.
Ang taas ng building ng Faculy Office, habang tinitignan ko yun, biglang, "Ouch! Haven't God gave you eyes to see where you walkin'? Be careful!" Boses ng nabunggo kong teacher. "Sorry ma'am, bago lang po kasi ako dito." Parang nailang pa 'ko sa mga sinabi ko. "Okay it's alright. Btw, Im Ms. Fatima Rubio, and you?" English speaking nga pala dito. "Im Maureen M. Santos." Yun lang ang nasabi ko sa sobrang kaba.
Nandun na ko sa room namin. Centralized ang aircon. Ang lupit! Sulit naman ang tuition na 56K per year na bayad dito. Pero di naman talaga ako nagbabayad dahil may Academic Scholarship naman ako.
Inaayos na yung seating arrangement namin, biglang may dumating na lalaki, ang cute nya. Parang na-starstruck ako.
"There's a vacant chair beside Ms. Maureen. Grabe sakin pa tumabi! God's Grace ituu! :)
"Hi! Ako nga pala si Kevin. Ikaw ano pangalan mo?" Tanong niya. "Ako si Maureen Santos, Mau nalang." Tapos nakipag shake hands sya sakin. Grabe ang lambot ng kamay niya.
Habang nagka klase, ang ingay niya! 'Di mo iisipin na hyper siya sa unang tingin, laging napapatayo dahil sa kaingayan.
*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!*
"Ano yun?! May sunog ba?!" Sabi ko. "Wala no! Recess na." Sabi ni Kevin. Sabay aya niya sakin na sumabay na daw ako sa kanyang kumain. Pumayag naman ako dahil wala pa naman akong kakilala sa school. Habang kumakain kame, may dumating na girl, "Hi Kevin, sino sya?" Sabi ng babaeng mukhang sopistikado. Girlfriend pala sya ni Kevin. Awtsuu ako dun. :(
"Ah, Nicole, meet my new classmate, Mau." Pakilala nya. Parang di maganda ang dugo ng babaeng yun sakin. Ni hindi manlang ako tiningnan. Pero okay lang. Who cares naman? Sumabay yung girl samin kumain, tumabi sya kay Kevin.
Tapos na ang recess, Physics ang next sched. Parang medyo complicated ito ah. Nag tanong sakin si Kevin kung pano daw gagawin, syempre tinuro ko naman. :) Nag kwentuhan kami at halos hindi na nga kami nakinig sa teacher. Nakwento nya sakin na gusto na daw nya palang makipag break kay Nicole, GF niya. " Bakit mo naman gusto hiwalayan? Maganda naman siya at mukhang mabait ah?" Sabi ko. "Akala mo lang yun, ganyan din ang tingin ko sa kanya nung una kaya ko sya niligawan, pero nag iba sya nung matagal nang kame. Ayaw nyang nakikita akong may kasamang ibang babae." Sa madaling salita, kaya ayaw nya sa GF nya dahil masyado daw selosa. "Pero kaya lang naman nya yun ginagawa dahil siguro ayaw ka nyang mawala." Payo ko sa kanya. Wow! Parang may alam ako sa lovelife ah. "Nagkaboyfriend ka na ba?" Tanong niya. Hehe. Bakit interesado ka? Joke! "Hindi pa. Sabi ni mommy pag 18 na ako tsaka palang daw ako pwede mag boyfriend." Sabi ko sa kanya. Biglang kaming tinawag ng teacher namin at pinagalitan, bakit daw kami nag kwekwentuhan sa oras nya. Pero parang sanay na si Kevin pag pinapagalitan ng ganun.
Hanggang natapos ang araw na 'yun, isinulat ko yon sa aking diary, First day of my New Life. :)
CHAPTER 2: The Conflict
Matagal tagal narin kaming naging maging mag kaibigan ni Kevin. Katext ko sya lage, kasama sa school, pero hanggang dun nalang yun. Di pa nya ako nililigawan kaya wala pa kong karapatan mag assume.