Cupcake Preparation

164 3 0
                                    




Jiko's P.O.V.

Napatingin naman ako sa orasan ng PC ko.
8:46am

Hala, ganun na pala kami matagal na nag-uusap. Topic namin ngayon kung kailan kami magpapakasal. Biro lang, pinag-uusapan namin kung papaano ba ang buhay sa America kasi na curious ako kaya itinanong ko sa kanya. Iyon daw, masaya, magulo, kakaiba. Pero nagsasawa na daw siya kasi palagi nalang ganun.

"You know what? I'm tired of this shit... look!", may ipinakita si Greg sa cam na... papel na puro math problems...

Pffft....

"Hahahaha! Is that what you mean you're tired of what your life has? Geez, you could've just told me to help you with that.", sabi ko sa kanya, sinabi ko talaga through mic

"Could you?", bigla niyang tinanong habang malapit sa cam niya yung mukha niya at yung papel sa tabi mismo ng mukha niya. Parang batang kumikinang ang mga mata dahil may gusto siyang malamang kakaiba.

"Yeah, just give me that exact copy so I could teach you how.", Sabi ko

"I got a better idea.",lumayo siya sa cam

"What?"

"Could you just like, answer it for me? Skip the learning process and...", sabi niya pero pinutol ko na agad siya

"No. You have to learn, sir.", tapos ningitian ko siya ng nakakaasar

"Ugh... ok, fine. You said so...", ngumuso siya, kaya medyo napatawa ako. Tapos
ini scan niya yung papel na hawak niya kanina at saka niya isinend sa akin. Ini print ko naman at saka ko siya tinuruan ng mano mano, through Skype.

Nang matapos ko na siyang turuan ay nag paalam na ako, syempre bye-bye muna kasi gabing gabi na sa kanila, at may mga lakad din ako.

"Hey, goodluck with your pageant, ok?", sabi niya

Tumango ako, at nakita naman niya iyon.

"Um..."

"Bakit?", At kung hindi ninyo alam, marunong pala siya mag Tagalog. May friend daw siya na Pinoy pero kaunti lang daw ang alam niya.

"So...could we chat again, next time?", sabi niya sa kabila na medyo nahihiya

"Yeah, sure. That would be great.", sabi ko at saka ako ngumiti sa kanya

"Bye."

"See you later..."

Pero alam niyo ba, parang ni-isa sa aming dalawa ayaw magpatay ng PC. Mga ilang minuto pa sabi ko magla-logout na ako pero...

"Wait.", sabi niya bigla

Naghintay lang ako ng sasabihin niya.

"Please see me again later.", bigla nalang niyang sinabi ng seryoso.

Dug Dug Dug Dug HotDug CheeseDug
Pero hindi naman siguro dahil gusto niya ako, nakikipag kaibigan lang yung tao eh... Oo, mabait lang talaga siya. Tapos ako itong panay bigay ng malisya.

I nodded and said, "I'll see you later, don't worry.", nginitian ko siya at saka ako nag logout at pinatay na ang PC.

Naligo na ako at nagbihis.
Lumabas na ako ng banyo ng kwarto ko, pero nakatapis ang tuwalya sa ibaba ko.

Humarap ako sa salamin at saka pinagmasdan ang sarili ko. Tsk tsk, ang laki na ng pinagbago ko, mula sa uhuging bata na sobrang chubby na hindi kanaisnais up to this handsome, and beautiful young man.

My Foreigner Kapitbahay (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon