CHAPTER 7

6.8K 401 11
                                    

***


Pagkadilat na pagkadilat, ang unang ginawa ni Luna ay ang hanapin si Chance. Somehow, she was in the notion na paggising niya, makikita na lang niya ito na wala na, iniwan na siya.


Nakahinga siya nang maluwag nang makita niya itong kumakain ng breakfast kasama sila Paul at Suzy.


"Good morning, Ms. Nurse!" bati sa kaniya ni Paul. "Hindi na kita pinagising kasi mukhang ang sarap-sarap ng tulog mo. Come here, kain ka na."


Naupo nga siya sa tabi ni Paul.


Gusto niyang kausapin si Chance, itanong kung panaginip lang ba 'yung kagabi. Gusto niyang marinig mula sa mga bibig nito na hindi totoong kino-consider niyang sumama kay Suzy sa Dubai.


"What's wrong? Hindi mo gusto 'yung pagkain?" tanong ni Paul. "Gusto mong magpaluto ako ng—"


"I'm okay. Sadyang hindi lang ako sanay kumain ng breakfast."


"Really? Pero that's the most important meal of the day. You should start practicing to always eat it."


"I know. Kaso, sirang-sira talaga body-clock ko dahil sa schedule sa hospital. Punyeta talagang maging nurse."


Natawa na lang si Paul at si Suzy.


"Sinabi mo pa Luna," Suzy said.


Gusto niyang biglang tangayin si Suzy palayo nang kausapin siya nito. She wanted to talk her out of going to Dubai. Nang sa gayon, Chance wouldn't need to go there too.


"Ugh, punyeta," nasabi niya na lang. Akala niya'y sa isip niya lang 'yun nasabi pero napalakas pala kaya't napatingin lahat ng kasama niya sa table sa kaniya.


Lahat sila, maging si Chance, naghihintay ng explanation from her.


"Ah eh, 'yung binti ko kasi, napagod ata nang sobra kahapon. Ang sakit-sakit, kaya ako napamura."


"Ah..." napaganyan na lang lahat ng kasama niya.


Para mapanindigan ang kaniyang kasinungalingan, when they finished eating breakfast, umarte siya kuno na nahihirapan maglakad.


Wala na siyang will to go sight-seeing, gusto na lang niya humiga sa kwarto at magmukmok, kaya nagpanggap siyang masama ang pakiramdam.


"Want me to take you to the hospital?" tanong sa kaniya ni Paul, worried.


Umiling siya. Na-guilty dahil umaarte lang siya.


"I'm just tired. Magpapahinga lang ako nang konti sa kwarto, magiging okay na ulit ako."

By any chance... will you marry him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon