When Love Speaks [Oneshot]
by amEYZIEngCloud7 © 2012
~•~•~•~
"Okay, students! Eto na ang result ng periodical test nyo sa Math," nakangiting bungad samin ng teacher namin na nasa humigit bente anyos palang ang edad.
Huminga ako ng malalim at seryosong tumingin sa kanya.Alam kong sa puntong ito, isa na namang tagumpay ang maririnig ko mula sa kanya.
Binuklat niya ang mga test papers at may kinuhang isa roon. Pagkatapos ay tumingin ulit siya samin at ngumiti. Hay naku! Masyado pang pasuspense! Kfine. Nakakainip na po!
"Sige, sasabihin ko na. Sa pagkakataong ito, ang highest ay si...
...Justine!," pagkarinig na pagkarinig ko ng pangalan ko e tumayo na ako at nagsalita para putulin ang iba pang sasabihin ni Ma'am.
Duh! Kesyo pamumuri at kung anu-ano pang kaekekan lang ang sasabihin niyan e. Kakasawa na!
"Thank you po, Ma'am! I know right! Sabi ko na nga ba e ako na naman! Lagi naman ako eh ! Sino pa ba? Eh di ako! Yah, ako na!," kumpiyansa kong sabi sabay pakawala ng plastik na ngiti. Di uso sakin ang pag-rerecycle e!
Hay! Life! Parang buhay!
Ang galing galing ko talaga!
Lihim akong pumalakpak sa sarili ko sa aking isip.
Napatawa naman bigla yung teacher namin.
Oh? May nakakatawa ba dun?Totoo naman ah!
Ako lang naman ang nag-iisang Justine na magaling sa classroom namin!
"Ah, I'm sorry to offend you Ms. Patagoc, but i'm not pertaining to you. It's Justine, Justine Ferrer, your new classmate. Siya 'yung transferee last week remember?
Justine, congrats. Ikaw ang highest! Keep it up!," pagbabalita ni Ma'am, at sinamahan pa ng pang-eencourage kuno.
Nagpanting ang tenga ko nang marinig iyon. Like what was that? Hindi ko lang maimagine na may nakataas sakin, for the first time! Over-acting na o anupaman, pero kasi naman e! Kainis lang talaga! Kaybagu-bagong salta e atribida na agad ang peg! Gusto ko tuloy ingudngod ang pagmumukha nya sa blackboard!
Tapos 'yung mga classmates ko, ayun may nagtawanan, nagbulungan. Ano ba ! Tss!
'Yun namang panirang Justine na 'yun, nung tinawag e itinaas pa ang kamay na parang sikat na kumakaway sa mga fans. Feeler! Nung nagkasalubong ang tingin namin, aba, ngumisi pa ang loko! Ang lakas ng loob,ha!
BINABASA MO ANG
When Love Speaks [Oneshot]
RomanceIto ay isang oneshot story tungkol sa magkaklase na pareho ng pangalan, pero hindi magkasundo sa anumang bagay. Kasi nga rivals ang tingin nila sa isa't isa. pero pano pag si LOVE na ang nangibabaw? San kaya hahantong ito? Yung totoo? Totoo ba tong...