Chapter Seven

26 1 0
                                    


NASA lobby sila ng accommodation niya. Ito ang unang pagkakataong may pinahintulutan siyang maghatid sa kanya. Mas naging espesyal ang pagkakataong iyon dahil dito.

"If it still bothers you, please forget it. It is really not a big deal," anito.

"Akala ko lang kasi talaga nagjo-joke ka. Hindi tuloy kita sineryoso."

Sinabi nito na birthday nito ngayon pero hindi siya naniwala. Mukha lang kasi itong nagbibiro kahapon. Pinakitaan siya nito ng birthday message mula sa nanay nito.

"May ibang pagkakataon pa naman."

Tinignan niya ang oras. May sampung minuto pa bago mag-alas dose. "Pwedeng hintayin mo ako? May kukunin lang ako sandali sa kwarto ko," aniya.

"Sure no problem."

Agad siyang tumakbo papunta sa kwarto niya. Nasa ground floor lang naman iyon. Kinuha niya ang librong binili nito para sa kanya. Kinuha niya ang pen sa bag niya at umupo sa kama. Nagsulat siya sa pinakahuling pahina nito. Simpleng happy birthday note at pasasalamat lamang ang sinulat niya doon.

"At least meron kahit papaano. Parang better late than never Lang," sabi niya sa sarili.

Tinignan niya muna ang sarili sa salamin. Pwede na magprito ng chicken joy sa mukha niya. Naglagay siya ng kaunting powder sa mukha niya at sinuklay niya ang kanyang buhok. Dalawang minuto nalang at matatapos na ang birthday nito. Binalikan na niya ang binata. Gwapong-gwapong nakasandal ito sa pader kung saan niya ito iniwan. Nilalaro nito ang cellphone nito.

"Hi."

"Hey."

"Sorry pinaghintay pa kita." Binigay niya rito ang libro. "Ito lang ang naisip kong ibigay sa'yo. Hindi man yan kasing gara ng mga regalo ng ibang kaibigan mo sa'yo, symbolic naman 'yan. Dahil sa book na 'yan nagkakilala tayo." Bago pa man ito makasalita ay tumingkayad siya at hinalikan niya ito sa pisngi. Nagulat ito.

Nagulat din siya sa ginawa niya. "Happy Birthday! Ba-bye!" Humarurot siya ng takbo. Agad niyang ni-lock ang pintuan at sumandal doon. Hinawakan niya ang dibdib niyang parang may nagda-drumroll sa loob. Ang lakas ng kabog nito.

Hindi siya makapaniwalang siya pa ang unang iiskor. Literal na ninakawan niya ito ng halik! Kung bakit ba naman niya naisipang gawin iyon! Pinilit niyang kontrolin ang paghinga niya. Nag-inhale at nag-exhale Siya. Hinawakan niya ang mga labi niya.

It felt so good to kiss his cheeks. Paano pa kaya kung sa lips? Nalintikan na talaga. Talagang kinuha na nito ang katinuan niya at ang pagiging dalagang pilipina niya.

Nag-vibrate muli ang cellphone niya. Kanina pa ito vibrate ng vibrate nasa beach side pa lamang sila. Hindi nalang niya pinansin. May lagpas sampung missed call siya kay Alex at Shasha. May isang text message naman galing may "J". At iyon ang pinagtuunan niya ng pansin.

"Thank you for giving me the best birthday ever. Good night at smiley," basa niya sa text nito. Napangiti siya. It must be love! Rereplyan na sana niya ito ngunit tumatawag na naman si Alex. Sinagot niya ito.

"Hello?"

"Susmaryosep ka, Amihan! Bakit ngayon ka lang sumagot?" Sigaw nito sa kabilang linya.

"Whoa! Whoa! Wait, relax!" Alam niyang talagang importante ang sasabihin nito dahil tinawag siya nito sa buong pangalan niya.

"Anong relax?! Amy, may kailangan kang malaman," anito.

"Good news or bad news?"

"Depende? Siguro sa akin good news pero kung sa'yo bad news 'to."

The Kings' Haven: Julian RazonWhere stories live. Discover now