Felipe could not believe it. How is it possible that Amanda did not age? She still looked like the same woman who left him so many years ago. He went out with his whiskey to have a fresh air in the garden. Minumulto siya ng nakaraan o ng mga katanungang gustong-gusto niyang masagot noong sariwa pa lamang ang sugat na ibinigay sa kanya ni Amanda. Ang babaeng una niyang minahal bago pa si Bea na ina ni Julian at Julia.
Kahit kamukhang-kamukha nito ang babaeng nakita niya sa loob ay hindi pa rin maaaring iisa lang ang mga ito. He was too judicious for that. Kung gayon, sino ang babaeng ito?
"Excuse me." Lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Para siyang nakakita ng multo. "Alam n'yo po ba kung saan ang entrance sa loob. Galing po kasi ako ng CR tapos naligaw na ako."
Hindi siya makaimik. Tinitigan niya ang mukha nito. Nagkaroon siya ng pagkakataong mapagtanto na mas bilugan ang mukha nito kaysa kay Amanda. At mas matingkad ang kulay ng mga mata nito.
"C-Can I ask you something?"
"Ano po iyon?"
"Kilala mo ba si Amanda Tolentino?"
Nabigla ito. "N-Nanay ko ho. Paano n'yo po siya nakilala?"
May anak si Amanda! Pinilit niyang makapag-isip ng tuwid. Nagbunga kaya ang nangyari sa kanila ng gabing iyon? Ibinalik niya ang atensyon sa dalaga. "Malapit akong kaibigan ng nanay mo. Nasaan na siya ngayon?"
"Patay na po."
Nanlambot ang buong sistema niya. "P-Paano..bakit..kailan?"
"Sandali lang 'ho. Kung kaibigan n'yo po si Nanay, baka alam n'yo po kung sino ang tatay ko? Baka matulungan n'yo po akong hanapin siya."
"Hindi mo kilala ang tatay mo?"
Umiling-iling ito. "Ang alam ko lang po ay nakilala niya sa pinagtatrabahuhan niyang club ang tatay ko. Napakayaman niya kaya nanliit si Nanay. Noong gabing iyon, iniwan nalang niya ang tatay ko."
Hindi niya napigilang yakapin ito ng mahigpit. "Jesus Christ....." Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Pakiramdam niya ay nakuha na niya ang closure na hindi nabigay sa kanya ni Amanda noon. "I loved your mother so much. I wanted to spend my whole life with her but she left. I could say goodbye to her before she died. I want to say sorry for not being a father to you," tuluyan nang nagbagsakan ang mga luha niya.
Dumiin ang pagkakayakap nito sa kanya. "Tay...."
"Jesus Christ..hindi ko alam kung paano ko mapapatawad ang sarili ko. Anong klase akong ama? I should have searched for her harder. Hindi sana ako sumuko noon. Hindi ka sana nag-iisa ngayon."
"Hindi n'yo po kasalanan. Ang nanay po ang unang sumuko. Desisyon niyang lumayo. Ayaw niyang makagulo pa ako sa inyo at sa pamilya n'yo. Malaking bagay na po itong nakita at nayakap ko kayo. 'Yun lang talaga. Iyon lang po." Humagulgol ito.
Right from that moment, he did not want to let go of her daughter. "I will not let you to go out again from my life, anak. I want you to stay with me. Please allow me to be a father to you." Pinahid niya ang mga butil ng luha nito.
"Tama nga po ang Nanay. Napakabuti ng puso nyo. Pero bago mamatay ang nanay dahil sa sakit sa puso, nangako akong hindi ko kayo guguluhin ng pamilya n'yo. Makita ko lang kayong malusog, okay na okay na ako."
Hinawakan niya ang kamay nito. Her hands were not as soft as Julia's. She must have worked a lot. "Julian and Julia will be happy to have you in the family. They will understand."
"Ju..Julian?"
"Yes. My one and only son."
Tinakpan nito ang mukha nito at humagulgol. "Anak, anong problema?" Niyakap niyang muli ito. Hinagod niya ang likod nito. Halos hindi na ito makahinga.
YOU ARE READING
The Kings' Haven: Julian Razon
Любовные романыFall in love with with the richest and hottest bachelors in town!