I Dedicate

175 5 10
  • Dedicated kay Katelyn Margarette Segunial
                                    

" oh? Poster ni elmo? Waaaaaaah. Ayos to ah. Eto yung bago. Bibilhinko na sana to mamaya e. THANKYOU! " sigaw ko sa labas ng bahay namen. Lagi na lang ganon ang nangyayari. Kapag may bago kay elmo at balak ko sanang bilhin, makikita ko na lang siya sa harap ng gate namen. Sino kaya yon? Ang bait naman niya. Alam na alam niya ang gusto ko. Ilang taon na rin niyang ginagawa to. kung sino man siya. Maraming salamat talaga. Bakit kaya ayaw magpakilala non? Nakakatakot ba ko? Naman. Dapat nga ako pa yung matakot sa kaniya e. stalker kaya siya? Pero kasi e, si elmo to e. Sige, hindi na lang ako matatakot. Makapasok na nga. Ayoko namang maLATE. Kay nonie lang uso yon e. Hahaha. Sumakay na ko sa sasakyan ko at dumeretso na sa school.

" GoodMorning Yeshi. ^__^ " aaaaaaarrrrrggggggssssss. Siya na naman. Nakakaasar na. Tsk. Hindi ko na lang siya pinansin at nagderederetso na ko.

Sunod parin siya ng sunod sa'kin. Nakakainis na. Simula 1st yr. Hanggang ngayon ganan pa rin siya. Hindi ko na nga lang pinapansin e. Nakakasira lang ng umaga. Kung ano ano na lang kinekwento niya. Nakakasawa na. Magpapakilala na nga muna ako.

Ako nga pala si Yeshikaira Katelyn Segunial. 4th yr. Highschool student na ko. Maganda ako, sexy at matalino, lalo na sa math. pero simple lang naman ako. Hindi ako mahilig magayos like makeups and such. Magaling rin akong maggitara. Sa'kin nga nagpapaturo ang barkada kapag trip nila e. may iba't iba kasi kameng specialty sa instrument ang kaso, si nonie, magaling din yan sa piano chaka marunong rin yang maggitara. Inspired dahil kay BF e. You know naman. i'm the serious type of girl. Mahilig akong makipagbiruan pero hindi sa lahat ng bagay. Kung seryoso, seryoso. medyo may pagkamataray din ako, lalo na sa lalake. NBSB nga pala ako. Eh sa ayoko sa mga lalake eh. Oooooops. maliban na lang kay elmo. isa ko sa mga Fans ni niya. Sa lahat ng kilala kong lalake, si elmo ang pinakagusto ko. Super fan nga niya ako e. Lahat na lang ng about sa kaniya alam ko. Lagi akong nanonood ng mall show niya, palabas niya at kung anoano pa. Kung hindi siguro yon sikat baka napagkamalan na kong stalker. Nameet ko na kasi siya one time. Nakakwentuhan ko na nga rin. Dahil kasi yon sa parents ko. Nagusap parents namen tungkol sa business e. Mayaman nga pala kame. Chaka ko na babanggitin business namen, baka ipaKidnap niyo ko e. Hahaha. Just kidding. Meron nga pala kong mga sexy friends. Maluluko din ang mga yon. Minsan nga nakakatakot ng sumama sa mga trip nila e. Feeling ko lagi hindi maganda yung kalalabasan pero masaya naman. Sobrang saya. Pagsamasamahin mo kameng lahat at siguradong kalog ang mundo mo. Hahaha.

At eto naman, etong buntot ko, siya si Alexis James Landicho. May banda rin yan katulad namen. Ang hiatus band. Kabanda niya yung BFs ng mga sexy friends ko. Kame nga lang nina chen, pauline at anikel ang wala pang BF dito e. Yung apat meron na. Aaminin ko magaling siyang kumanta. Siya nga yung vocalist e. Minsan kasi sila yung nagiging guest sa bar na pinupuntahan namen e. Napakakulit nitong taong to. Kapag sinabi mong lumayo, lalong lalapit. Asar di ba? Ang tigas ng ulo. Hindi rin siya marunong makinig. Pero aaminin ko, gwapo naman siya. Matalino rin siya. medyo childish din. oops, hindi pala medyo, childish talaga chaka may pagkamayabang din. Hephephep, alam ko yang iniisip niyo ha. Hindi niya ko stalker no. Kaklase ko siya kaya marami akong alam sa kaniya at biruan niyo, for almost 3 yrs. Magkaklase kame at ngayon kaklase ko parin siya. Nakakasawa na nga e. Nagtataka na nga rin ako dito e. Nagpapakahirap kulitin ako samantalang ang damidaming nagkakagusto sa kaniya. Praning din to e.

Eto na nga, papunta na ko sa tambayan namen. Alam niyo ba kung saan? Sa kubo. dun ang meeting place namen tuwing umaga at tambayan kapag free time. Andito na ko, este, kami pala. alam niyo na. May buntot e.

" oy, Xander, Long time no see ah. " sarcastic na pagkakasabi ni maneth.

Lagi ko nga kasi yang kasabay kapag pupunta dito. Sanay na rin ang barkada sa kaniya.

I DedicateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon