"Chloe"

3K 82 18
                                    



Hindi sa lahat ng laban ng pag-ibig, may nanalo. Kung minsan, sa umpisa pa lang talo ka na pero kahit paano, kumakapit pa at nagbababakasali na may pag-asa pa. Sa sitwasyon ko, hindi ako nakakapit pero hindi pa rin ako bumibitaw. Nandito lang ako, nakaalalay.

***

7:45 P.M.

The One calling...

"H-hello?" Malumanay na bati ko.

"Hi, Kurt. Did I wake you up?"  Tanong niya mula sa kabilang linya.

"No, I just got out of the bathroom. What's up?" Of course, I lied. She did wake me up. Ayaw ko lang maisip niya na wrong timing ang tawag niya.

"Pwede mo ba akong puntahan dito sa condo?"  Her voice was soft and slightly trembling which made me feel uneasy.

"Sure, just wait for me. I'll be there in an hour and a half, more or less." I hung up, changed my clothes and went out of my place immediately. Please don't do anything stupid.

***

I started my car and drove fast to Chloe's condo. Buti na lang wala pa gaanong truck sa daan at nakaiwas pa ako sa traffic. Paranoid na ako, kung anu-anong hindi magagandang bagay ang pumapasok sa isip ko. Sana walang masamang nangyari sa kanya at wala siyang ginawa sa sarili niya.

After an hour, nakarating na ako sa Taguig kung nasaan ang condo na tinutuluyan niya. I parked my car then walked straight to the elevator. Nagmadali akong pumasok at pinindot ang button ng 28th floor. Nakakainis pa dahil kung kailan ako nagmamadali, at saka pa matagal ang pag-akyat sa bawat floor.

22... 24... 26... 28...

Finally, nandito na ako sa tapat ng room 2828. I rang the doorbell twice pero wala pa rin nagbubukas ng pintuan. Actually, alam ko naman ang lock code niya pero gusto kong masigurado na okay siya kaya ilang beses kong pinindot ng doorbell. When nobody opened the door, I decided to unlock it myself.

"Chloe! What happened to you?" I rushed to her, shock is clearly evident on my face.

I saw her sitting at the corner near the floor lamp and sofa, crying. She also has a lot of bruises on her body. If my suspicion is right, this was probably done by her boyfriend. That f*cking a**hole hit her! Not only once!

Agad akong umupo ako sa tabi niya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Hinagod-hagod ko rin ang likod niya upang tumahan na siya sa pag-iyak. Ayaw kong nakikita kang nasasaktan at umiiyak, Chloe. Tama na. Kung masasabi ko lang sana sa kanya 'yan ngayon, kaso hindi ko kaya.

"A-ano bang nagawa kong mali, Kurt? Bakit kailangan kong maranasan 'to?" Tanong niya habang patuloy na umiiyak.

"Wala kang ginawang mali, Chloe. Wala."

Ang pagkakamali mo lang ay minahal mo siya at patuloy kang nagpapakatanga sa kanya. Sa isip ko.

Patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak kasabay ang paghikbi habang ako, pilit pa rin na pinapatahan siya.

Alam ko na, dadalhin ko siya sa isang lugar na magiging panatag ang kalooban niya. Alam ko kasing kailangan niya ngayong i-divert sa ibang bagay ang atensyon niya.

Dahan-dahan ko siyang inalalayan na makatayo at pinaupo ko siya sa sofa. Pinagmasdan ko muna siya saglit mula sa kinatatayuan ko sa kusina bago naghanda ng makakain namin.

Matapos kong lutuin ang pesto pasta ay inihain ko na iyon sa lamesa at 'yong mga cheeseburger with bacon na babaunin naman namin ay inilagay ko na sa isang basket. Nakahanda na ang lahat pati na ang mga bote ng beer.

Chloe (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon