Hi this is my first one shot story.
Hope you like it!
----
Jeah's POV
"Hmm infairness to him madami siyang friend kaso puro babae naman, tsk! Babaero talaga yun! Kakainis!." umiiling ko pang sabi habang iniistalk ang fb ng kaaway kong si Rave.
Yes you heard it guys, ay read it pala. Si Rave Russel Cruz is my one and only enemy in school. He is the most annoying creature that the God ever created! Hayy! Napaka mapang asar, sira ulo, at higit sa lahat PERVERT!
Wala na siyang ginawa kundi buwisitin ang mahigit 4 years namin na magkasama. Nagtataka ba kayo kung bakit classmate ko yung tukmol na yun sa loob ng apat na taon? Kasi naman siya ang top 1 ng klase namin, we belong to the star section. Ewan ko ba sa tukmol na yun kung bakit ang talino, ehh hindi naman nag aaral, nakikita ko nga yun sa rooftop laging tulog o kaya nagbabasa ng mga malalaswang magazine. Que horror talaga!
"Hoy panget anong gingawa mo diyan?" sabay lapag pagkain sa tapat ng laptop ko.
Ayy kabayong nadulas!" napa exit tuloy ako ng tab bigla, kasi naman bigla biglang sumusulpot. Nakakagulat kaya! Nakuuuu
Sinamaan ko siya ng tingin sabay dila.
"Pangit ka diyan, tanungin mo muna sa sarili mo kung gwapo ka bago ka manlait! Laitero!"Hmp kala niya ha?!
"Hahahaha naman Jhea pangit kana nga hindi ka pa maka appreciate ng kagwapuhan?" aba't gagong to! Wagas talaga makapanlait!
"Curse you!" sabay lapit ng mukha ko sa kanya at tinitigan siya ng masama hanggang sa sana bumula na lang ang bibig niya!
Siguro mga 1 minute ko na siyang tinititigan pero hindi pa din siya nagrereact sa mga sinasabi ko. Lalo akong lumapit sa mukha niya, at napansin kong namumula na ang tenga niya.
"Hoy!" sabay pitik sa ilong niya, baka sakaling matauhan.
"H-Huh?" Tuliro pa niyang sabi.
"Bakit ka tulala?" sabay cross arm. Nagdududa yung mga tingin ko, so unlike of him na walang maipang aasar sa akin. Di ba? Di ba?
"B-bakit k-ka b-ba kasi lumalapit?!" utal pa niyang sabi, hindi rin siya makatingin sa akin ng diretso.
"Masama?!" taas pa ang kilay kong sagot.
"Oo masama!" sigaw niyang sabi. Aray ha?Magkalapit lang naman kami hindi naman niya kailang sumigaw. Naku talaga naman.
"At anong masama dun aber nga?" sabay irap sa kanya.
"gdjkagduiasahkfheowiafhk" bulong niya. Ano daw?
"Ano?! Ayusin mo at hindi ko narinig!" sigaw ko sa kanya. Kakapikon ehhh.
"Wala!" sigaw din niya pabalik sabay walk out.
Huh?Nagwalk out?
Kamot kamot ulo kong inayos ang gamit ko at umalis na din kahit medyo naguguluhan ako.
'Weird' yun lang ang nasabi ko sa sarili ko.
-------
Malapit ng matapos ang klase ng parang dumaan lang sa utak ko lahat ng sinabi ng teacher ko, ewan ko ba! Tinatamad ako ngayon ehh, busy lang ako patingin tingin sa mga kaklase ko.
Napagawi yung tingin ko kay Rave, napakunot yung noo ko ng mapansing hindi niya ata napapansin na nakatingin ako sa kanya. Pero and weird niya talaga ngayon kasi parang nakatingin siya sa akin. Tumingin ako sa kanan ko, then sa kaliwa, pero sa akin talaga siya nakatingin ehh, yun nga lang yung tingin niya parang lagpasan.
"Pst!" sinitsitan ko na para matauhan.
Nakita kong napaigtad siya sabay yuko, pero kitang kita ko na naman na namumula yung tenga niya. Ang weird niya talaga grabe.
*Riiiiiiiiiiiing*
Finally, tapos na yung klase., nauna na talaga akong tumayo, kasi kanina ko pa nailigpit yung gamit ko.
Nagulat na lang ako ng may humigit ng bag ko sabay kuha din ng braso ko at hinila ako palabas.
"H-hoy Rave! Anung kagaguhan to?! Bakit ba?!"nagtataka kong sabi habang pinipilit kong bawiin yung mga kamay ko, at ang bilis niya ding maglakad, halos tumatakbo na kami sa pagmamadali niya.
Bigla kaming tumigil ng nasa may likod na kami ng grand stand. Bigla kong binawi yung kamay ko sabay sigaw sa kanya ng
"Ano bang problema mo?! Bakit ka ba basta na lang nanghihigit diyan?! Muntik na kaya akong m-"
Naputol ang sasabihin ko ng bigla na lang siya akong halikan?
Teka?
Hinalikan?Ako?
Naramdaman kong tumigil siya sabay layo ng lips niya sa lips ko.
Teka hindi ko man lang masyadong na feel?! Urgh!!!!
"Ayan tatahimik ka na siguro noh? Tsk! Ang ingay mo kasi, pwede bang ako naman ang magsalita?" nakangisi niyang tanong
Napatango na lang ako kasi hindi pa ata kayang iabsorb ng utak ko yung nangyayari.
"Good girl" he said while pintching my both cheeks.
"Ou-u-uch. W-hy did y-ou kiss meeee?" tanong ko sa kanya. Goodness first kiss ko yun mga kaibigan! Duh?! Hindi ko pa nafeel!!!! Hahaha Charot! Ang landi ko lang!! Pero unti unti ng bumabalik ang katinuan ko.
He look at me once again, he look nervous and sweaty. Problema ng taong to!
"I-"
"You what?" I ask raising my eyebrow. Aba ayusin niya ang sasabihin niya at baka hindi ko siya matantiya at biglang bumulusok yung kamao ko papunta sa mukha niya. Huh! Kala niya!
"i-" Ayy nauutal pa nga daw, ayaw pang sabihin ehh
"i- love you Jhea!" he said while shouting at my face
Aray! Ang sakit sa tenga! Bakit ba ang hilig niyang sumigaw ehh magkalapit lang naman kami.
"Ehh gago ka pala ehh! Bakit mo naman kailangang sumigaw sa mukha ko?! Kadiri ka, talsikan ang laway mo. Ewww! tsaka anong I love-" napatigil na naman ako ng mag sink in sa utak ko yung sinabi niya. D-did h- he say I-i-i, darn! I cant even say it!
"Yeah Jhea, I really love you, matagal na. Ikaw naman kasi ehh, ang manhid manhid mo" he said while hugging me.
"Huh?" yun lang talaga ang kaya kong bigkasin, masisisi ninyo ba ako?!
"Don't worry kahit manhid ka, at ikaw pa ang pinaka manhid na taong nakilala ko, mamahalin pa din kita" ramdam ko sa boses niya na natatawa na siya sa akin, ano bang magagawa ko ehh, shock nga ako!
"Jeezz huwag ka ngang bumanat diyan at baka ikaw ang mabanatan ko" sabi ko na alng para pagtakpan yung kahihiyan ko. Pero wag ka mamatay na ata ako sa kilig! Kilig overload talaga!!!!
Kyaaaaaaaaaaaahhhhhhh! Ohh my geeeeeee!
"Hahaha" aba't gago tumawa lang talaga hindi man lang natakot sa banta ko.
"I love you too Rave" sabi ko at bigla ko siyang kinabig para ako naman ang manghalik sa kanya!
He hug even tighter while answering my kiss. I can feel his smile against my lips.
I think --
Ok I can't think
Hahaha
Sorry guys ang sarap ehh, I can't think straight ehh. Ang bilis di ba?! (*insert wink here*)
----