Numero I

100 7 3
                                    

Ma'am ito na po yung report na pinapakuha niyo. Sabi ng secretary niya

Just leave it there. Habang tutok na tutok pa din siya sa laptop niya. Busy ito sa pagchecheck ng mga reports ng iba pa niyang kompanya.

*******************
Si Glaiza Bustamante ay isang tanyag na businesswoman dahil sa kanyang edad na 35 ay iba't ibang negosyo na ang pinasok nito.

Bunso man sa magkakapatid si glaiza hindi naman makakaila ng ama niya na ito ang nagbibigay sa kanya ng karangalan.

Hindi nagkakasundo si Glaiza at ang kanyang ama dahil na din sa nalaman nito sa pagkatao ng anak niya.

Masakit man kay Glaiza ang hindi pagtanggap ng ama sa kung ano ang kanyang pagkatao umaasa pa din ito na balang araw matatanggap din siya nito.

Tatlo silang magkakapatid. Si Brandon ang panganay at ang katuwang ng ama nila sa negosyo nila sa cargo industry habang ang ate niya naman ay nakapangasawa din ng isang negosyante na sa car industry naman ang focus.

Close si Glaiza sa kanyang ate ngunit ayaw na muna ni Glaiza na lagi silang nagkikita dahil ayaw ng ama nila.

Civil lang si Glaiza sa kung ano man ang pakikitungo sa kanya ng ama.

Busy si Glaiza sa trabaho niya lagi. Ayaw na ayaw ni Glaiza na may mga kapalpakan na nangyayari sa negosyo niya kaya focus siya dito.

Kung may isang negosyo si Glaiza na pinangangaalagaan ay ito ang kanyang mga beach resort. Mahilig si Glaiza sa adventures. Mahilig din siya sa dagat. Nag susurfing siya at scuba diving. Kung gusto nitong mag relax dun siya nananatili sa kanyang resort sa batangas.

****************

Sobrang workaholic si Glaiza at wala siyang time makipag socialize sa ibang tao. Loner siya para sa ibang tao. Yun ang laging puna sa kanya ng mga socialites. Pero walang pakialam si Glaiza sa sinasabi ng mga ito. Ang lagi niyang sagot kapag tinatanong siya tungkol dito ay "this is who I am and I like it this way"

Hindi naman siya total loner, she has her circle of friends kaso pare parehas silang busy sa kanilang mga careers.

Gustong gusto ni Glaiza ang mag scuba dive at madami na din siyang na explore na diving sites here and abroad.

Sobrang supportive niya when it comes to advocacy for marine lives.

She makes it a point to dive once a month basta hindi lang talaga makakaapekto sa trabaho niya.
*****************************************

Nasa batangas siya ngayon at nagka chance siayng tumakas sa busy niyang buhay sa city.

Gusto niya lang mag relax.

Itong resort niya na to medyo high end at konti lang talaga lagi ang tao dahil hindi basta basta ang presyo nito. Pero sabi nga ng mga nakakapunta na, worth every last centavo naman ang accommodation dito.

May sariling villa si Glaiza na secluded sa area ng mga guest ng resort.

Magdidilim na nung dumating si Glaiza sa resort at sinalubong siya ng resort manager niyang si Karen.

Good evening ma'am Glaiza, medyo na gabihan na kayo ah.

Yeah, traffic kasi at medyo na late din ako ng alis sa manila.

Kumusta dito? Tanong ni Glaiza

Ma'am we have 5 groups in total as of tonight

Okay, total heads will be?

12 ma'am.

Okay. That's good to hear. Siguro naman you are giving them their money's worth right?

Of course ma'am. Nasa buffet po sila as of the moment for dinner, baka gusto niyo po silang mahalubilo kahit sandali?

Tumingin si Glaiza kay karen at tumango lang ito at naglakad papunta sa restaurant ng resort.

Nakasunod lang sa kanya si karen.

Malayo layo pa lang si Glaiza naririnig niya na ang tawanan at kwentuhan sa resto

Pumasok ito ng resto at kinamusta ang mga guest at tinignan niya din ang pag prepare ng buffet.

May mga binigay lang siyang instruction kay karen at pumunta na muna ito sa kanyang villa para magpalit.

Nasa loob siya ng villa niya ng may marinig siyang parang umiiyak.

Kabado man ito pero dahan dahn siyang lumabas at hinanap kung saan nang gagaling ang mahinang iyak na yun.

May nakita nga siyang babae na nakaupo sa may buhanginan sa gilid ng villa niya.

Ahm..excuse me, are you okay? Tanong niya sa babae.

Hindi siya sinagot nito.

Miss ahm, why are you in this part of the resort and why are you crying? Maybe I could help you?

I'm fine. Sabay tayo ng babae. Sorry if I'm trespassing. Sabay lakad na ng babae.

Miss are you sure you're okay? I could help you if you need anything.

I'm okay. Don't bother. Thanks for your concern anyway. Tapos biglang tumakbo na ang babae at hindi na nasundan pa ito ni Glaiza.

Nasaan na yun? Biglang nawala sa isip ni Glaiza.

Nag kibit balikat na lang si Glaiza sa nangyari. Inisip niya na lang na may problema lang ang babaeng yun.

Pumunta muna siya ng bar at kumuha ng maiinom para magkapag relax siya sa tabing dagat.









You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You are my allWhere stories live. Discover now