Kabanata 43. Pagbabalik

30 1 0
                                    

A/N: Before anything else, I just want to remind y'll about the swearing and foul words in this story. Hindi lang sa chapter na ito ninyo mababasa ang mga bad words as you've all probably noticed already. So hope y'll don't mind that hehe.

Please continue and enjoy reading ;)

Miss A.

Natasha's POV

"Anong gusto mong kainin?"

Ngumiti ako kay Oyang "kahit ano."

"Hmm.."

Naka-ngiti lang kong nakatingin sa kamay naming magka-hawak habang naglalakad pababa sa food court ng hotel. Mahigit dalawang oras din kaming bumyahe papunta sa central nitong maliit na city. Hindi ko alam kung saan ito pero mukhang kabisado ni Oyang ang lugar na to. Mas malaki dito kesa doon sa pinag stay-an ko kagabi. Nag check-in kami sa hotel at naligo na din para makapag breakfast.

Umikot ikot lang kami ni Oyang habang naghahanap ng pagkain sa food court. Pero hindi na kami magka-hawak ng kamay.. hayss..

"Hindi ka ba nagugutom?" tanong ni Oyang na nakapila na sa Mc Donalds.

Dali dali akong sumunod at tumabi sakanya sa pila, "Gutom hehe"

Natawa na lang sya sakin.

Pangatlo kami sa pila nang may biglang naka-bangga ng kanang balikat ko.

"Ahh.. sorry sorry miss." Sabi nya at ngumiti. Ang weird lang ng ngiti nya..

"okay lan—"

"Tss."

Nagulat ako ng biglang hinila ako ni Oyang at pinagpalit nya kami ng pwesto. Ngayon ako naman ang nasa kaliwa nya. And then he just kind of blocked me from the guy's view.

Nakatingin si Oyang sa lalaki pero I can't exactly see his face. Kaya naman sumilip ako at nakita ko yung lalaki na ang smirk ay kakaiba. Kumunot ang noo ko and then I realised.

Fuck fuck fuck fuck! Holy shit!

Mabilis na nawala ang pagkakahawak ko kay Oyang at tumingin tingin na lang kunwari sa menu.

Please don't tell me they've tracked us...

Oyang's POV

"Yeah sige lang"

Muling kumunot ang noo ko. Kanina pa nagkaka-ganyan si Tasyang. Mula nung nakapila kami sa Mcdo ay parang nawalan na sya ng gana. Nawalan ng interes?

"Sige na kailangan mo itong ice cream. Sayang naman" pagpilit ko pa ulit sakanya

"Bakit ba? Ayoko nga kasi. Sayo na lang kung gusto mo" walang gana nyang sagot sa akin.

Hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganyan pero hinayaan ko na lang. Pero napapaisip ako dahil kanina naman ay maayos kami.

Pagkatapos namin kumain ay inaya ko syang maglakad lakad sa bayan.

"Tara sa bayan. May pa-day market daw ngayon doon"

"Wag na balik na lang tayo sa room sa taas." Sagot ni Tasyang habang kinakapa ang cellphone nya sa bulsa.

"Ha? Sayang naman. Mamayang hapon ay sasakay na tayo ng bus pauwi." Pagpipilit ko pa sakanya pero may tinetext lang sya.

"Ang init init Oyang. Hindi magandang mag-ikot ngayon." Sagot nya habang nagtatype sa cellphone nya.

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon