Ivory's POV
Sasampalin naba nya ako?
Pero matapos ang ilang segundo ay wala parin akong nararamdamang sakit sa kahit anong parte ng katawan ko kaya unti unti ko syang sinilip.
Nakita ko ang malungkot na expression ng mukha nya na nakatingin sa akin."You are really afraid of me ..."yan lang ang litanya na sinabi nya bago tumayo at lumabas ng silid.
Napakislot pa ako dahil sa lakas ng pagkakasara nya ng pinto na parang dito nya ibinunton lahat ng galit nya.
Meron parte sa akin na tila nasasaktan dahil sa kalungkutan na nakita ko sa kanya pero napailing ako at sinampal sampal ko pa ang aking sarili para magising sa katotohanan at isaksak sa kokote ko na dinukot lang ako ng taong iyon at wala akong nararamdamanb espesyal sa kanya dahil di ko naman sya kilala.
Gaya ng mga nasa pinikula nakapag dinukot ka ay ganito rin ang iniisip ko agad, Ang tumakas!
Sinilip ko ang napakalaking bintana na nasa kuwartong ito at halos bumagsak ang balikat ko dahil napakalaki at malawak ang lugar na kinalalagyan nitong bahay. Tila nasa isa kaming private property.
Hindi ako basta basta makakalabas ng lugar na ito at sigurado rin ako na maraming nagbabantay sa labas gaya ng nakita ko kaganina. Marami syang mga tauhan na nakakalat at matyagang naglilibotlibot sa lugar at sinisiguro talaga nila na walang basta mamakakapasok at walang makakalabas.
_
Ilang oras na ang nakakaraan pero hindi parin ako binabalikan ng lalaking iyon. Nakakain narin ako dahil hinatiran ako ng pagkain ng mga maid. Ala-una na ng madaling araw pero hindi parin ako natutulog dahil naisip ko na ito ang maganadang pagkakataon para makatakas.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at inilusot ang aking ulo . Tahimik sa buong pasilyo at malamang ay marami ang tulog na. Pigil hiningang lumabas ako ng silid na iyon na mabuti at hindi nila ini-lock.
Kanina ng umakyat kami rito ay napansin ko pa ang isang elevator pero hindi ko ito ginamit dahil tiyak na maaalarma ko sila at mabulilyaso ang plano ko.
Kung tahimik sa itaas ay mas tahimik dito sa ibaba at nakapatay ang mga ikaw, pero bukas ang ilang lampshades at dim lights . Agad akong bumaba ng hagdanan pero meron parin kasamang pagiingat.Mahirap na baka mahuli nila ako.
Agad kong pinuntahan ang malaking pintuan nila,at buong pag iingat ko iyong binuksan. Hindi na ako nag abalang isara pa ito dahil baka makagawa lamang ito ng ingay at makatawag pansin pa.
Medyo hinawi ko ang aking bangs dahil nahihirapan aking makakita lalo't mas delikado dito sa labas dahil baka nakakalat dito ang mga guwardya nila. Tinignan kong mabuti ang buong paligid at ng masiguro kong walang bantay ay dali dali kong tinakbo ang isang halamanan.
Hingal na hingal pa ako dahil malayo layo rin ang puwesto ng mga halamang ito sa kinatatayuan ko kaganina.
Pero halos manigas ako dahil napansin ko ang nakatayong rebulto ng isang lalaki sa harapan ko at bigla nyang itinutok ang dalang flashligh sa akin.
Bwisit! Nahuli ako!
Lihim akong napaasik dahil palpak ang plano ko pero hindi ako papayag dahil mas kinakailangan kong makalabas.
Tatakbo na sana ako pero nagulat ako ng biglang mawalan ng malay ang bantay na ito sa harap ko.
Hinimatay ang gago dahil sa takot .Ikaw ba naman ang makakita ng babaeng may mahabang buhok sa dilim na mukhang sadako ay siguradong mahihimatay ka nga.
Lihim akong napatawa dahil mukhang nagamit ko pa ang nakakatakot kong itsura sa sitwasyong ito. Agad na akong umalis sa lugar na iyon.
Tinahak ko ang mahabang daan,halos ilang minuto rin yata bago ko narating ang hanganganan ng private property na ito. Lihim akong nagbunyi ng makitang natutulog ang guwardya sa gate kaya dali dali na akong lumabas pero nag iingat parin ako.
_
Isang oras narin ng makaalis ako sa lugar na iyon at ngayon ay naghihintay ako ng masasakyan sa isang waiting sheds . Makatapos ng ilang minuto ay may nakita akong bus na paparating kaya pinara ko ito.
Hinintuan ako nito kaya hindi narin ako ng atubiling sumakay para mas makalayo agad. Marami rami rin ang sakay ng bus at halos lahat sila ay nakatingin sa akin.
Marahil ay natatakot at nagtataka sila dahik merong nakasakay na sadako sa bus na ito.
"Oy Miss,akala ko sa balete drive ka makikita pero bat na kasakay ka rito sa bus? Namamasyal rin pala ang mga white lady" Biro ng isang lalaki kaya lahat sila nagtawanan.Napayuko nalang ako at di sila pinansin,sanay narin naman ako sa mga masasakit na salita .
"Napakapangit mo namang babae ka,alam mo mas bagay ka sa sementeryo dahil sa itsura mo. Mukha ka kasing ligaw na kaluluwa na di matahimik." Sabi nung isang babae na mas mukha prostitute ang mukha.
"Miss ano bang kinamatay mo?narape ka ba?pero imposible, sino ang gagahasa sa iyo eh ang pangit mo naman."muli silang nagtawanan at ako ay nanatiling nakayuko lang at di sila pinapansin.
"Grabe naman kayo sa kanya,wag kayong mag-alala ipapabendisyon ko ang kaluluwa nyan sa pari para bumalik na iyan sa impyernong pinanggalingan nya"sabi nung isa pang lalaki at muli silang nagtawan.
Naisipan kong lumipat na lang sa ibang puwesto kaya umalis ako pero di ko sinasadyang masagi si miss prostitute ķaya itinulak ako nito.
"Eeww, yuck! Wag ka ngang dumikit sa akin baka mahawa pa ako ng pagkapangit mo. Umalis ka nga! Alis!!!" Galit nyang sabi at sinipa pa ako sa tagiliran.
Napadaing ako dahil tumama sa akin ang takong ng sandals nya na halatang peke naman pero napangiwi ako dahil masakit parin.
Patuloy nya akong sinisipa at ako sinasalag ko lang ito gamit ang kamay ko para di nya tamaan ang mukha ko pero napatigil ito sa pagsipa ng biglang prumeno yung driver kaya halos lumipad sya.
"Ouch!!!manong you so careless, ang sakit kaya nun, Di kaba maru-Ahhh!!!"Hindi nito natuloy ang sasabihin ng bigla syang barilin nito sa binti . Humagulgol ito t siguradong masakit iyon.
Kinabahan ako dahil bakit nya iyon ginawa? Sino sya? At bakit sya may baril?
Yan ang sunod sunod kong katanungan pero mas natakot ako ng may pumasok na lalaki na nakasuot ng face mask at shades. Nang tangalin nya ito ay halos manglamig ako dahil nakikala ko ito.
Si Heaven.....
Madilim ang mukha nya at masamang nakatingin dun sa mg pasahero bago ito tumingin sa akin. Yumuko yung driver kanina kay Heaven kaya nahulaan ko na tauhan nya ito.
"Alam nyo ba ang parusa sa mga taong sinasaktan ang pag aari ko?"tanong nga sa mga pasahero at alam ko rin na ako ang tinutukoy nyang pag aari nya.
Nagiyakan ang mga kasama kong pasahero ng binunot si Heaven ng silver nyang baril at walang pagdadalawang isip na pinagbabaril ang mga pasahero na lumait sa akin kaganina.
Nagtalsikan ang mga dugo sa bintana at sahig ng bus at maging ang mukha ko ay natalsikan din ng dugo mula sa pumutok na ulo ng isang pasahero dahil sa pag baril sa kanya ni Heaven.
Nakatulala lang ako habang nakatingin sa mga bangkay na nagkahandusay dito sa bus,hindi parin naproproseso ng utak ko ang nangyayari pero nagulat ako ng may humila sa akin mula sa pagkakasalampak ko sa sahig.
Si Heaven na madilim parin ang mukha at matalim na nakatingin sa akin. Kaya sunod sunod akong napalunok. Mas nabigla ako ng dilaan nya ang dugo na tumalsik sa mukha ko.
Kinilabutan ako sa ginawa nya,hindi man lang sya nandiri at base sa reaksyon nya ay napangisi ito dahil sa takot n nakarehistro sa mukha ko.
"Now you already know me..."mahinang sabi nya
BINABASA MO ANG
Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed Deathrone
General FictionCreepy White lady Sadako Yan ang tawag kay Ivory Clorothea Killver, isa syang mayaman pero ulila na sa magulang,lagi lang syang nakakulong sa malaki pero nakakatakot na mansyon. Madalas rin syang pagkamalan na multo dahil sa mahaba at itim nyang...