Pag-Eewanan
(Chapter: 1)
By: KarLyusaki
“Love teaches us many things, though sometimes we never learn from it.”
(Pinindot ang voice recorder)
Beep… beep… (tunog ng recorder)
Proceed for recording in 4… 3… 2… 1… (voice galling sa voice recorder)
“Hi!...
Or should I say hello.
This is a voice record by Karl, 3rd week of December, year? Di ko na maalala.
Inerecord ko ito para ipaalala sa aking sarili araw-araw, nang hindi ko makalimutan ang katotohanan… na sobrang sakit, na wala kana at iniwan mo na ako ng tuluyan.
Uulitin ko…
hindi na niya ako mahal at dapat kalimutan mo na siya, yun lang… alalahanin mo please“
Halos ilang beses ko na itong pinakikinggan, kulang nangalang dumugo na ang aking tenga.
Pero parang eto palang ang unang beses na pinakikinggan ko itong voice record na ito.
Sa totoo lang mahigit isang taon na simula ng irecord ko ito, walang araw at oras ko itong pinapaulit-ulit.
Dahil hindi ko talaga magawang tanggapin hanggang sa ngayon na iniwan mo na nga talaga ako ng tuluyan, ngunit kahit umalis kana ang dami mo namang iniwan…
at isa nanga ako sa mga iyon.
Nandito ako ngayon sa lugar kung saan tayo nag-kakilala. Ang hallway ng ating campus. Kahit sembreak na nandirito parin ako. Dito masnilalakasan ko ang volume ng headset ko, upang tumagos hangang utak ko ang mga salitang WALA KA NA, pero kahit yata tutukan ako ng sampung megaphone hindi ito makararating sa puso ko.
Dahil may isang tinig na sadayang tumatak talaga sa aking isipan. Itong tinig na ito ang kumokontra sa aking inerecord, parang nakadikit na ang mga ito sa bawat sulok ng hallway.
Ang salitang binanggit mo noon tatlong taon na ang nakakalipas, mga salita na sa una akala ko walalang noong una.
“Hi! Hello! kamusta!” Ang bati mo sa lahat ng iyong na sasalubong noong araw na iyon.
Second year college ako noon, kasama ko ang mga kaibigan ko nag lalakad kami sa hallway papuntang registrar para mag enroll para sa unang sem ng taon. Umupo kami sa hagdanan at tinignan kita saglit pero biglang may nagtext sa aking cellphone kaya saglit lang talaga.
Sabi ko panga noon, na parang tanga ka ngalang pati na yung mga kasama mo.
Madaming tao sa paligid, mga bago at lumang mukha, mga personalidad na tumatak na sa university at yung mga natural na sikat dahil talagang magagandang nilalang sila,lahat ay excited sa panibagong yugto ng college life nila lalo na ang mga freshman, ako hindi ako excited masyado dahil sa totoo lang nakakatamad na kasing mag-aral.
Paakayat na kami ng mga kabarkada ko noong pagkatapos hintayin ang isa sa aming mga kaibigan gawa ng huli na itong dumating sa takdang oras ng pag kikita na aming napag usapang lahat.