(Naomi's PoV)"Oo na sasabihin ko na"
Siguro naman nakalayo na sila Noemi ngayon
Ibinaba nya ako kaya tumawa ako
"Nasa impyerno! Gusto mo sundan mo?"pagloloko ko ulit kaya ayun sinuntok nya ako sa tyan
Masakit sobra. Nahihilo na nga ako eh. Hindi ako manhid para hindi masaktab noh!
"Hindi ako nakikipaglokohan babae. Pasok!"
Beastmode na sya kaya ayun tumahimik na lang ako. Mamaya mapaaga pa ang buhay ko
Pinapasok nila ako doon sa kotse
30 minuto ulit ang iniandar nung kotse hanggang sa makabalik kami dun sa puting bahay na pinanggalingan namin kanina
Dinala nila ako sa basement
Nadatnan namin si Rex na nakaupo sa nag-iisang sofa doon naghihintay habang nagsisigarilyo
So he's a bad guy after all. Tama ang kutob ko sa kanya
"Nakatakas yung dalawa boss"-sabi nung nanakit sakin kanina
Kita ko naman ang pagbabago sa mukha ni Rex na kanina ay kalmado. Ngayon galit na sya
"Eh ano pang ginagawa nyo dito? Habulin nyo! Hanapin nyo!"sigaw ni Rex at nataranta naman yung mga lalaki at nagsi-alis lahat
Bumaling naman sakin si Rex
"Welcome back Naomi, ang sakit ng ginawa mo sakin alam mo yun"sabi nya at nagunat-unat
Kinabahan ako nang naglabas sya ng baril
Papatayin nya na ba ako?
"Dahil dyan pagbabayaran mo yun"sabi nya at bigla akong binaril sa hita
Sh*t! It hurts!
Napasigaw ako sa sakit at nagtumba. Agad na namuo ang luha sa mga mata ko
"Masakit diba? Dadagan pa natin" binaril naman nya ako sa kaliwang braso
Wala ba syang awa?!
"Ahh! Hayop ka talaga Rex!"sigaw ko
Hinawakan ko ang nagdudugo kong braso
Ang sakit
Nahihilo na ako sa sakit
"Hahahaha! Kulang pa yan sa ginawa nyo sa nanay ko!"sigaw nya
"Baliw ka ba?! Tingin mo gugustuhin ng nanay mo ang mga pinaggagagawa mo?!"sigaw ko sa kanya at sinampal nya ako ng malakas
"Wala kang pakialam"bulong nya at nagulat na lang ako nang talian nya ang mga kamay ko. Wala na akong lakas para manlaban
Nag-snap sya sa mga daliri nya at bigla na lang humila pataas yung tali kaya nasama ako
Nakabitin na ako ngayon ng patayo
"Dyan ka muna. Hahanapin ko muna ang kakambal mo at ang traydor na Clarisse na yun"sabi nya bago nya saraduhan ang pinto
Wala syang puso
Bakit ba nagkaganito? Bakit kung kailan unti-unti na kaming sumasaya?
Bakit sa ganitong paraan ko pa nalaman kung sino ang ama ko?
BINABASA MO ANG
My name is Naomi Tachibana
Novela JuvenilAkala nya ganun-ganun na lang ang buhay nya Mananatili na lang syang dalaga hanggang sa pagtanda nya dahil simula pagkabata hindi sya pinapayagan ng mommy nya na makipag-interact sa mga lalaki. Hanggang sa may nangyayaring hindi inaasahan. Nagkapali...