[A/N: Waley pa me maisip para sa update ng YBWM dahil ang dami kong school works at hindi ko masundan yung tinype ko last last (?) week kaya isang special chapter na lang featuring Jasmine!]
Jasmine's POV
Wow! Sa wakas naman ako na ang bida kahit isang chapter lang! Akala niyo ba boring ang buhay ko? Akala niyo lang yun. Kung si Sabine madrama ang lovelife ako walang lovelife. Haha. Hindi naman ako pangit eh. Hindi naman talaga! Mukha nga daw akong model... ng sabong panlaba! Joke! Maganda naman talaga ako. Medyo may katangkaran din. Magaling din akong kumanta. Hindi ako ganun katalino pero okay naman ang grades ko. Medyo sikat din ako kasi lagi na lang akong kumakanta ng Lupang Hinirang kapag may program sa school namin.
Kaya laking pagtataka nila nung maging matalik kaming magkaibigan ni Sabine.
Alam niyo naman di ba na nerdy look ang peg ni Sab dati? Ewan ko ba doon! Ayaw niya lang talagang magpaganda or should I say magpakababae dati dahil hindi naman daw kailangan. Paano naman kasi lumaki siya na lalaki ang kalaro. Sino pa ba? Eh di si Cyrus! Grade 4 kami nung naging super close friends kami ni Sab. Tinuruan niya kasi ako ng assignment namin sa Math. Simula noon lagi na kaming magkasama. Lagi na akong nagpapaturo ng Math sa kanya. Hehe. Lagi tuloy kaming magkakasamang tatlo nina Cyrus.
Noong Grade 5 ako naging crush ko si Cyrus. AS IN SUPER KADUPER TO THE HIGHEST LEVEL CRUSH. Nabaliw nga ata ako nung mga panahong yun. Ewan ko ba lakas talaga ng tama ko. Tss. Pinangako ko pa naman sa sarili ko na hindi ako mabibiling sa lupon ng mga kababaihan na pinagpapantasyahan si Cyrus. Malay ko bang mapapabilang ako? Eh kasi naman talaga yang si Cyrus! Nakakainis! Mayabang pero mabait, makulit pero nakakatuwa, alaskador pero matalino, insabero pero gwapo. Yun lang naman si Cyrus sa mga paningin ko... NOON. Syempre hindi ko masyadong pinahalata yung SUPER KADUPER TO THE HIGHEST LEVEL CRUSH ko kay Cyrus. Adik ba ako? Mayabang nga yan di ba? Saka ayoko rin naman na isipin ni Sab na sumama ako sa kanila para mapalapit kay Cyrus.
Naaalala ko pa noon hinihintay ko yung service ko kaya umupo ako doon sa may stairs sa gilid ng stage tapos kumanta.
Sandali na lang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip
Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa 'yo
Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo
Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak
Nanlalamig, nanginginig na ako
Akala ko nung una
May bukas ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpo
Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete sa 'yo
"Maganda pala talaga boses mo?"
>////////////////////////////////<
"Cyrus?"
"Sino pa ba? Dingdong Dantes?"
"Che! Ewan ko sayo! Saka lagi naman akong kumakanta? Ngayon mo lang narealize yan?" tanong ko
"Ha? Eh laging lupang hinirang lang kinakanta mo eh. Malay ko ba kung doon ka lang magaling."
"So ngayon alam mo na?"
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?