A/N:
Sorry at ngayon lang po ang update! I accidentally deleted the chapters huhuhu 😭😭😭 But as promised, I dedicate this chapter to composmentisgirl for being the first to comment on Season II, Teaser. Thanks much!!
* * *
WREN's POV
"Anong deal?" tanong ni James.
Sasagot na sana ako ng muling mag-on ang big screen.
Napahinto yung ibang miyembro ng student council bago pa sila makatapak palabas ng gym para tingnan yung palabas. Ganun din sina Jonathan.
Parang flashback sa isang pelikula. Nagplay doon ang mga nangyari kanina - mula sa confessions nila James at Cadi na pustahan lang ang lahat hanggang sa mga sinabi ni Raiden tungkol sa concert for a cause.
"Anong ibig sabihin nito?" nagtatakang tanong ni Raiden.
Tapos napatakip kami ng tenga ng magkaroon ng malakas na feedback.
"Oops sorry.. Mic test, mic test.." sabi ng isang familiar na boses.
"Sino yun?" tanong ni James.
"Anak ng pusang gala.." sabi naman ni Cadi.
"Huh? Si Tinacs? Si Tinacs nga.. ang babaeng maharot!" sabi naman ni Roel.
"Ehem.." tumikhim si Tinacs. Nasa pinakataas siyang upuan malapit sa projector. Sa tabi niya si Jessa. "Oo ako nga si Tinacs na bestfriend ni Wren. May angal ka Roel? Sinong tinatawag mong babaeng maharot?!" sigaw niya sa mic.
"Hala? Papano niya narinig yun?"
"Huwag ka ng magtaka papano kita narinig! May nakaset-up na mga mic sa buong gym kaya dinig namin kayo mula umpisa! Hahahaha!"
"Bakit mo kami vinideohan?" tanong ni Raiden. "Illegal yan! Violation of right to privacy!"
"Kung may reklamo ka eh di kasuhan mo ako. Pero huwag kang mag-alala, ako mismo pupunta sa faculty para isurrender ang video. Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag nakita ito ni Prof Chloe at ng buong faculty? Headline sa umaga: Student council at Wyclef boys - pinagpustahan ang isang freshman. Sigurado ako na kayong lahat na mga nandito lalo na mga fourth years ay hindi makakagraduate. Kayo ang iiyak at sa amin naman ang huling halaklak! Hahahahaha!"
"Teka, pati kami kasali?" tanong ni Gerald "Bystanders lang kami ah."
"Oo nga!" reklamo din ni Jakob.
"Hmm.. depende kay ate Wren. Anong masasabi mo ate Wren? Damay-damay na ba lahat? Dalhin ko na ba to sa faculty ngayon din?"
Napatingin silang lahat sa akin. "A-ako?"
"Sandali! Anong gusto mong gawin namin? Nakuha na ninyo ang lahat ng pera, ano pa bang gusto niyo?" tanong ulit ni Raiden.
Muling sumagot si Tinacs, "Sa tingin niyo, palalampasin ko lahat ng mga ginawa niyo? Bilang president at representative ng Freshman, Class 5 responsibilidad ko na ireport kayo sa faculty."
BINABASA MO ANG
My Amnesia Band: Two Worlds Season II
Romantik"Basta bandista, heart-breaker! Chickboy! Manloloko! Hindi dapat pagkatiwalaan! Hinding-hindi na ako maiinlove sa isang drummer!" Meet Wren Micayla Reyes - a first year art student and musician wannabe. Gusto niya sa music, pero ayaw sa kanya ng mus...