Dahil sa wala akong magawa, Gumawa ako ng EXO story *O* Sana magustuhan niyo <3
EXO ONE TEAM!!
------------------------------------------------------
Tuwing nasa school ako, Park, Mall, Library, bahay o pati na din sa BANYO bakit lagi nalang may couples akong nakikita?
Sa school, yung mga lintik kong classmates na sobrang cheesy! Na pati ako nilalapitan na ng peste!
Sa Park at mall naman, yung mga hindi ko kilalang nagsasabihan ng "HON!" O kaya "BABE" Na kahit na katabi niya lang yung kasintahan niya, sinisigaw pa din. Ano yun, Nagpaparinig!?
Sa Library naman, Yung Librarian merong kasintahan. Sila pa nga yung pinapatahimik ng mga tao sa landian nila e. Ang ingay ng banat ng hayup ay este ng lalake tapos eto namang si babae tili na walang tigil.
Sa banyo? Hmmm.. Yung thootbrush siguro? May iba kasing magkadikit eh! Kala mo naghahalikan!
Pero ako? Wala! NBSB o kaya NO BOYFRIEND SINCE BIRTH!
Kailan kaya ako magkakaboyfriend?
Minsan kasi nakakainggit din pala yung mga taong naglalandian sa kalye. Yung nagsusubuan pa sila ng kwek-kwek o fishball sa street food stand. Nagki-kilitian pa sila ng nonstop. Banat here and banat there kahit korny.
Pero atleast nagmamahalan sila.
Saan kaya ako makakahanap ng ganoon?
Sa internet kaya merong naghihintay sakin?
Meron kayang magmamahal sakin through online?
I'm Sophia Lexie Bustamante, Single and ready jumingle! Naiihi na kasi ako eh!
Geh na! Babanyo muna ako! Tata~!
BINABASA MO ANG
EXO - Online Boyfriend
FanfictionNBSB ka ba? Naisipan mo bang magkaroon ng ONLINE BOYFRIEND and by chance naging online boyfriend mo ang EXO pero hindi mo sila kilala? Ano kaya yung feeling na maging Boyfriend mo yung EXO kahit in online lang?