Nagsimula ang lahat sa di inaasahang pagkakataon.
Nagkakilala sa not so perfect group,nagkatuwaan hanggang sa nagkapalitan ng number.Akala ko noon ikaw na,ang sweet mo kasi. Para bang ang swerte ng isang tao pag ika'y naging kanya.
Syempre ako dahil nga iba ang ibinibigay mo sakin na atensyon,umasa.
Araw-araw tayong nag-uusap,pagkain lang ang pumuputol sa conversation natin. Akalain mo yon ang layo natin sa isa't-isa may ganito tayong bonding.
Para sakin pambihira to,ni hindi ko man lang alam anong posisyon ko sa buhay mo.
Ako ba'y may karapatan sa iyo o wala.Dumating ang di ko inaasahang araw,yung dating ikaw ay bigla na lamang nag-iba.
Nawala ang pagiging sweet mo sakin,ang pagtatanong mo sakin na kumain naba ako'y sadyang kinalimutan mo na.
Ang pagbati mo sa kin ng good morning bawat umaga'y nawala na syang dahilan ng aking pagtataka.
Naisip ko,tatanungin ba kita o hindi nalang. Hindi ko kasi alam kung anong posisyon ko sa buhay mo.
Bigla-bigla ka na lamang kasing dumating na parang kidlat at naglaho unti-unti na parang bula.
Masakit para sakin ang iyong nagawa,subalit sarili ko nalang din ang aking sinisisi sapagkat hinayaan kung ika'y ituring kung higit pa sa isang kaibigan.
Mahirap balewalain ang ganitong damdamin,kung bakit pa kasi lumalim na ang pagtingin ko sayo'y bigla kana lamang nag-iba.
---------
Apat na araw,simula nung di ka nagparamdam,nakatanggap ako ng isang message galing sayu. Sabi mo dun may gusto kang sabihin sakin.
Anlakas ng pintig ng puso ko sa mga oras na iyon. Andaming tumatakbong salita sa isip ko na gusto kung itanong sayo.
Sa kasabikan ko'y nagreply ako sa message mo. Antagal mong mag message ulit pero hinintay ko at sa wakas nagpop up ka sa notif ko.
Nanghingi ka ng sorry sa ilang araw na hindi ka nagparamdam. Sabi mo busy ka lang sa mga importanteng bagay at may magandang balita kang dala upang aking malaman.
Ako naman excited,nag-assume na baka pareho tayo ng nararamdaman at aamin ka sakin.
Nakikita ko yung tatlong dot sa messenger ko,nagtatype ka,excited ako. Ang haba naman ata ng sasabihin mo at natagalan ka.
Naglaro muna ako sa phone ko habang hinihintay message mo. Maya-maya lang natanggap ko na,namamawis ako,kinakabahan.
Pagbukas ko ng message mo'y nanghina ako. Akala ko ako,may iba pala. Yung apat na araw na di ka nagparamdam dahil pala sa kanya.
Masakit,sobrang sakit,sino bang sisisihin ko kundi sarili ko lang din naman. Antanga ko,akala ko ako eh,nakakatawa kaibigan mo lang pala ako.
Kaibigan mo lang ako na di mo kayang bigyan ng mas higit pang atensyon gaya nung taong iyong pinapahalagahan ngayun.
Ang swerte niya,yung taong pinapangarap kong maging akin ngayun sa kanya na.
Tanggap ko naman hanggang paghanga lang ako sa iyo at hanggang kaibigan lamang ang turing mo sakin.
Mahirap nga lang pero kailangang tanggapin,para na rin sa ikabubuti ng puso kong umibig sa isang taong kailan ma'y di magiging akin.
----WAKAS