"Anak, pagpasensyahan mo na ako sa mga nasabi ko kahapon. Sobrang nag-aalala lang kasi ako sa 'yo," sabi ni Miranda nang bisitahin niya ang anak sa kuwarto.
Alas diyes na nang gabi at napakalas ng ulan. Kasalukuyang nakahiga na sa kama si Francine, pero hindi pa ito nakakatulog dahil sa kalungkutan.
"Huwag kang mag-alala. Kung ayaw mo talaga na makialam ako, hindi na kita pipilitin. Basta't nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko."
"Maraming salamat, Mommy." Bumangon si Francine at niyakap ng mahigpit ang kanyang ina.
"Gusto mo bang ipagdala kita kay Seba ng dinner? Napansin ko kasi na kaunti lang ang kinain mo kaninang lunch. Nagluto ako ng adobo."
Biglang naalala ni Francine si Miggy. Adobo kasi ang isa sa pinaka-paboritong nitong kainin at madalas pa niyang iluto iyon linggu-linggo.
Napaiyak na lamang siya. Kahit anong pilit niyang kalimutan ang lahat ay marami pa ring bagay ang nagpapaalala sa kanya tungkol sa asawa.
"O, umiiyak ka na naman."
"Mommy..."
"Shhh... tahan na, anak." Hinaplus-haplos ni Miranda ang kanyang likuran. "Alam mo bang pati ako ay nasasaktan din kapag nakikita kang ganyan? Magiging okay din ang lahat balang araw."
"Nami-miss ko na siya, kahit na galit na galit ako sa kanya. Bakit ba kasi hindi ko siya makalimutan kahit sandali lang? Ang hirap-hirap palang masaktan ng ganito, Mommy."
"Hindi naman kasi ganoong kadali ang gusto mo, anak. It takes time bago maghilom ang sugat dy'an sa puso mo. Ganyan talaga sa simula."
Then suddenly, habang sila ay nag-uusap ay may narinig silang sumigaw. Boses iyon ng lalaki at mukhang nanggagaling sa labas. Pamilyar kay Francine ang boses at isa lang ang pangalang nasambit niya sa sandaling iyon.
"Miggy?" Kumalas kaagad siya sa pagkakayakap sa kanyang ina at tumungo sa harap ng bintana.
Nang hawiin niya ang kurtina ay hindi nga siya nagkamali. Naroon nga si Miggy at nakikipagtalo sa kanilang guard para makapasok sa bahay nila.
Nag-aalala siya nang makitang basang-basa na ito sa ulan. May puting bandage pa ito na nakatapal sa noo na ipinagtaka niya kung paano ito nagkasugat roon. Napansin din niya na nakayapak ito na mas nakapagpadurog sa kanyang puso.
"Pare naman, papasukin mo na 'ko. Kailangan kong makausap ang asawa ko. Parang-awa mo na."
"Sir, hindi po talaga pwede. Kabilin-bilinan sa 'kin ni Madam Miranda na huwag ka raw papasukin. E, kung ako lang ang masusunod, baka kanina pa kitang pinapasok. Pasensya na talaga," sagot ng security guard. Isasara niya na sana ang gate, ngunit pinigilan siya ni Miggy. "Sir, please! Baka matanggal po ako sa trabaho. Sumunod na lang po kayo sa kagustuhan ni Madam. Umalis na po kayo."
"Parang-awa mo na! Gusto ko nang magkaayos kami ng asawa ko. Papasukin mo na ako sa loob!"
"Hindi po talaga puwede, Sir Miggy." Nang magpumilit si Miggy ay wala nang nagawa ang guard kundi itulak siya. "S-Sorry ho!"
BINABASA MO ANG
Sinful Heaven [Completed]
General FictionMiggy messed up big time by cheating on his wife, Francine, with her best friend, Vera. They thought they could keep it a secret, but their affair was exposed. Now, Miggy's life is a mess, filled with regret and a damaged reputation. 'SINFUL HEAVEN'...