Bagyo na naman at shempre yung derpy kong internet connection ay sira na naman. Back to computer shop na naman tuloy ako. Tsss. Makapag-dota na nga lang. ~.~
“Nick! Long time no see!!”
“Yea, tara dota.” Yaya ko sa kalaro ko lagi dito sa kanto.
Dalawang oras din kaming naglaro. Wala parin syang kupas, lagi nya parin akong nafifirst blood. Tsss. Mukhang minajor na nya tong dota ah, disadvantage ba to ng inuna ang pagaaral at ang banda??
Nga pala ako si Nick, banking and finance graduate and lead vocalist slash lead guitarist ng isang banda. Yea, we’re closer to fame now. Believe me, we’re getting there.
Sa gitna ng laro nagring ang telepono ko bigla, si tita pala. Tumawag lang sya para sabihin na kakain na kami ng dinner. Past 9 na pero ngayon palang. Kaya lagi akong natatanong kung anorexic ba ko ng mga kaibigan ko sa school eh.
Nagpaalam na ako sa kaibigan kong si Damdam para kumain, inofferan ko pa nga sya kaso sabi nya maglalaro pa daw sya ng isang round. Tsk, addict talaga sya.
Mula dito sa computer shop nato, ilang blocks din bago sa bahay namin. Pero bago yun, dadaan muna ako sa may tindahan para bumili ng isang stick ng yosi.
Malapit na ko sa tindahan ng makita ko mula dito ang isang babae na nakupo sa gilid ng kalsada, sa kalagitnaan ng pagbuhos ng malakas na ulan.
Agad ko syang nilapitan para ioffer ang payong at tinanong kung okay lang ba sya pero –
“Ang sama-sama ng loob ko sayo, ayokong makita ka!!”
Weird.
Habang tuloy-tuloy ang buhos ng ulan, iyan sya sa gilid at sinasabayan ang bawat buhos nito.
Habang umiiyak sya, di ko mapigilang mapatitig sa kanya at pilit na sinisilong sa maliit kong payong.
Gusto ko mang tanungin kung sino ang nanakit sa kanya, pero sa mga sinabi nya parang di ko kayang gawin yun kahit alam kong di ako ang sinasabihan nya.
Sa pagsilong ko ba sa kanya sa payong ko, makakatulong ba ako sa kanya??
Mababawasan ko ba ang sakit na nararamdaman nya??
Magiging okay kaya sya??
Natigil ang pagiisip ko at pagtitig sa kanya ng bigla syang nanakbo papalayo. I was stucked by the moment. Tanda ko lang ang haba ng buhok at maputi nyang balat, payat at may konting katangkaran.
Tangina.
Makauwi na nga.
Lumipas ang ilang araw, sa tuwing dadaan ako sa tindahan para bumili ng yosi umaasa ako na makikita ko ulit yung misteryosang babae na nakita ko nung isang mabagyong gabi.
Okay na kaya sya?? Di kaya sya nagkasakit dahil sa pagpaaulan nya??
Lumipas ang ilang bwan, eto na kami ng banda ko at sunod-sunod na ang booking ng gig sa iba’t-ibang bar dito sa Metro Manila. Nagsusulat na rin ako ng mga kanta para sa darating na recording namin.
Isa sa mga sinulat ko ang kantang naglalaman tungkol sa babaeng nakita ko.
*Isang beses kang nakita,
At yun pa ang araw na umiiyak ka.
Di man kita kakilala,
Pero sa puso ko’y gusto kitang tulungan.*
*Sa ilalim ng payong,
meron kang kaibigan.
Sa ilalim ng isang payong,